"Gago ka talaga Damon! Hindi mo sinabing kasama niya 'yung family niya! Buti na lang at nakapagpigil pa ako kanina!" "Eh malay ko ba, dude. Pero parang familiar kamo 'yung papa no'n. Parang I saw him sa isang police station last year sa Buendia something," sagot niya. Nagsimula na'kong mag-isip, habang inaalala ko 'yung mukha ng papa ni Aly. Wala naman akong matandaan na police ang apelyido is Torres. Pero para maka-sure tatanungin ko na lang mamaya si mommy about this. We went to the nearest coffee shop. Para naman mahimasmasan ng kaunti ang utak ko. Hindi pa nga nakaka-get over ang katawan ko sa ginawa namin kanina ni Jessy, ngayon sumabak na naman ako sa gyera na walang dalang armas kung ang kapogian ko lang. Sinagot na ni Damon ang order naming coffee at cupcakes. Hindi na nami

