Nagdesisyon sina mama at papa na magpamassage muna. Sinasama nila ako sa loob pero ang sabi ko, okay pa naman ang katawan ko. Isa pa, sayang ang pera 'no! Five thousand sa loob ng isang oras? Ako na lang ang magmamasahe sa sarili ko. Nag-ikot muna ako sa botique na malapit lang sa salon kung san iniwan ko sina mama. Nagtingin-tingin ako ng mga damit na babagay sa'kin, dahil nagsasawa na rin ako sa paulit-ulit na damit na sinusuot ko kapag nagsisimba kami. "Yes Ma'am? Ano po ang hanap nila?" tanong ng isang sales lady na nakasuot rin ng red na blouse. Ang cute niyang tingnan dahil may ribbon pa siya sa may kwelyo. Isa pa, hanggang leeg ko lang si ate. Ngumiti lang ako sa kanya. "Titingin muna," nahihiya kong sabi. "Sige po ma'am. Sa ganda niyong 'yan, baka lahat ng damit dito bagay

