Alyssa POV DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mata ko nang marinig ang alarm ng cell phone ko. Habang kinokondisyon ang sarili, napatingin ako sa katawan ko at laking gulat ko na nakabalot iyon ng kumot. Kunot-noo akong umupo, habang iniisip kung sino ang naglagay nitong kumot na tanging sa kwarto lang ni Brix nakalagay. "Baka si Mang Edgar," bulong ko sa sarili. Naalala ko, nakatulog pala ako kakahintay kay Brix kagabi. Pagod na rin ako, tsaka hindi na kaya ng mata ko. Habang naglalakad ako papuntang banyo, napansin ko 'yung inilatag ko sa mesa. Ni hindi man lang nagalaw, kahit 'yung talulot man lang ng bulaklak. Pagkatapos kong mag-ayos, umakyat ako sa hagdan, upang silipin kung naroon na nga si Brix. Sakto naman at may siwang sa pinto niya, kaya sumilip ako roon. Napangiti naman ako n

