Brix Matthew POV I just woke up early. How come my assistant even threatened me, that daddy had transformed into a dragon, because he was always looking for me. Pagkabihis ko, kinuha ko na kaagad ang coat, saka lumabas ng kwarto. Bago ako bumaba ng hagdan, napatingin muna ako saglit sa pinto kung saan ko kinulong si Alyssa. Naghihintay naman si yaya Merced sa ibaba. Nakita ko ang mga pagkaing nakahapag na sa mesa, pero hindi ko na magawang kumain dahil nandoon na raw sa opisina si daddy. "Ya, pagdala mo na lang si Alyssa sa itaas," saad ko, habang inaayos ang butones ng sleeve ko. Nang maiayos ko na ang sarili ko, lalabas na sana ako ng bahay ng biglang tinawag ako ni yaya Merced. "Sir?" Humarap ako sa kanya. "What?" Yumuko pa siya at tila nahihiyang may ipagpaalam sa akin.

