Alyssa POV "Girl, ano na ngang nangyari after that date?" pangungulit pa rin ni Jade. Gusto niya yatang malaman ang buong detalye ng pagiging tanga ko noong araw na 'yon. Humarap ako sa kanilang tatlo na kanina pa sumusunod sa akin sa paglalakad. "Okay. Suko na ako, doon tayo sa cafeteria, walang tao at wala dapat makakarinig!" Mabilis namang nag-apir ang tatlo at dali-dali akong hinila papunta sa cafeteria. Mabuti na lang at gumaling na ako kinagabihan nang binantayan ako ni mama. Andami niya ngang tinatanong sa akin e, pero kaunti lang naisagot ko. Pati 'yung ginawa daw namin ni Jade nung gabing 'yon, gusto niyang alamin. Feeling ko may naamoy si mama sa akin, kaya siya nag iimbestiga. Kanina, habang naggagayak na ako papasok sa school, ilang beses pa akong tinanong ni papa kung o

