Alyssa POV "Huy, Aly? Kanina ka pa tahimik diyan? Nag-aalala ka kay Brix 'no?" Singit ni Jade habang naglalakad kami palabas ng university. Uwian na kasi namin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako tinatantanan ng tatlong 'to. Naiinis na nga ako e. Pero kasi, bakit kaya hindi pumasok ngayon si Brix? Alam na niyang abdami niyang bagsak sa mga subjects, graduating na rin siya kaya bakit nakuha niya pang mag-absent? Baka naman may sakit siya? O baka naman nahihiya siyang humarap sa akin? Heh! Siya mahihiya? Pang-ilan na ba ako sa babaeng kinama niya para mahiya pa? "Gaga hindi. Halina nga kayo, mag fishball muna tayo!" Pag-aaya ko sa kanila nang makita ang stall ng fishball-an sa tabi ng kalsada. Buti na lang sumang-ayon na sila, kung hindi, hindi ko na alam anong pangtakas pa ang gagaw

