CHAPTER FIVE

2032 Words
Brix Matthew's POV Napadaan ako rito sa oval. Ang sarap talagang magtambay dito kapag ganitong oras. Lalo na kapag nakakakita ako mga babae na nililiparan ng palda sa lakas ng hangin. What a feeling! Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko, habang naghahanap ng magandang spot. Ipapaalam ko na sana kay Uno na nag-fi-first move na ako kay Alyssa, pero biglang may umepal na naman sa harapan ko. "Mr. Salvador," tawag sa akin ni Mr. Gutierrez, ang instructor namin sa P.E Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Yes sir?" Saka ko hinawi ang buhok ko. Baka madaan pa siya sa pagpapa-cute ko. Bali-balita kasi, bakla raw ito e. "Wala ka bang klase ngayon?" tindig niyang sabi. Sa tingin niya sa akin, parang hindi man lang gumana ang magic ko ng pagpapapogi. "Wa—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit. "Meron!" Pumasok ka sa klase nyo ngayon o ipapatawag namin ulit ang daddy mo?" pananakot nito. "Sir naman, nagpapahangin lang ako. Baka naman pwedeng—" "Hindi Mr. Salvador. Sakit ka ng ulo ng mga prof mo. Isang malaking himala na lang kung ga-graduate ka pa ng fourth year. Ang sabi sa amin ni daddy mo, gagawin namin ang lahat para mapatino ka. Kaya go to your classroom now!" sigaw nito. Bigla naman akong natakot sa ugat ni sir sa leeg na gumuguhit na. Baka pumutok pa 'yon at ako pa ang may kasalanan. "Fine!" nagpatalo na lang ako para matapos na ang diskusyon. Naglakad ako papunta sa unang building kung saan doon naka-destino ang mga engineering students. Sa unang floor lang ang papasukan ko, dahil klase talaga ni Damon 'yon. May back subject lang ako, kaya nagkasama kami sa isang klase. Papasok na sana ako ng room, nang biglang tinawag ang pangalan ko. Napatingin ako sa bintana kung saan nanggaling ang boses. Pagkakita ko, si Damon 'yun. Natawa pa ako sa itsura niya dahil halos idikit niya ang mukha sa railings ng bintana. "Dude! Umalis ka na rito, dali! Mag-cutting ka na lang o hintayin mo ako sa court!" mahina ngunit nagmamadaling sabi ni Damon. Kunot noo ko naman siyang tiningnan dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "W-what? Wait, papasok na ako.." Biglang nag-signal si Damon ng stop, kaya naman lumapit ako sa kanya sa bintana, imbis na pumasok ako sa loob. "Umalis ka na rito, bilis! Galit na galit sa'yo si Mrs. Fernandez kanina dahil sinigawan mo siya! Umalis kana, bago ka pa habulin ng eraser!" tatawa-tawa ngunit kinakabahang sabi ni Damon. Sisilipin ko pa sana kung anong ginagawa ni Mrs. Fernandez, pero naalala ko ang sinabi niya kanina. Fvck! Nakalimutan ko 'yun ah. Pakamot-kamot ako ng ulong umalis sa tapat ng room. Nakakainis! Ngayon pa nagpatong-patong ang mga problema ko. Noong una, si daddy naka-hold pa rin ang pera ko. Hindi ako makapag-unwind o makainom man lang. Pangalawa, itong mga prof na terror kuno, pero ang totoo pera-pera lang din ang habol. Tapos pangatlo, 'yung mga major subjects ko na bagsak. Mamaya hindi pa ako maka-graduate sa ginagawa ni daddy. Hay! Hindi ko alam bakit nila ako ginigipit ng ganito. Kung tutuusin, may share si daddy sa Augustine, at halos buwan-buwan nag-sponsor siya! Natutulala na lang ako sa dami ng problema ko. Ilang buwan na lang, ga-graduate na kaming lahat, pero ako lang ang nagkakaproblema ng ganito. Isa pa 'yang si Alyssa. Oo maganda nga siya, pero napakapakipot naman! Pero alam ko mahuhulog din sa akin 'yon, kasabay ng pera na ibibigay nina Uno. Dumiretso na lang ako sa cubicle. 11:00 pa naman ang breaktime namin, kaya hihintayin ko na si sa court. Pero bago 'yun, kailangan ko munang tingnan ang itsura ko. Ayoko namang magmukhang kawawa 'no! Sa pogi kong 'to. Lamok na lang ang di kikiligin. Habang inaayos ko ang buhok sa tapat ng salamin, napatingin ako sa polo ko na nakagulo. Dali-dali kong inaayos 'yon. Teka..kailan ba nagulo 'to? Nung nagpunta ako sa room nina Aly o noong nasa oval na ako? Kaya ba ako tiningnan ng masama ng babaeng 'yon? Grabe! Mukha akong gusgusin. I quickly turn the faucet on to wash my face. Napatingin muli ako sa salamin. Hindi ko ine-expect na ang isang Brix Matthew ay magiging ganito kadusing dahil sa problema. I already hate myself! Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko, bigla namang tumunog ang bell. Mabilis kong kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinunas 'yon sa mukha. Pinaliguan ko rin ng pabango ang buo kong uniform, para kapag nasalubong ko si Aly, hindi na siya mag-aatubiling sunggaban ako. Tho. As if naman ako ang mag-fi-first move. Kung hindi ko lang naman kailangan ng pera, baka ibang babae ang pinag-aaksayahan ko ngayon ng oras. Of all the girls na nilandi at kinama ko, wala pamg nakakapagpabagsak sa isang Brix. Not Jessy and not that weird girl. Nagtext na ang tatlo sa akin na nasa court na sila at naghihintay. Nagsisimula na ring pumasok sa cubicle ang mga estudyante, kaya bago ko pa masinghot ang mga toxins nila e aalis na ako. Pinauna ko muna 'yong ibang mga estudyante. Ayokong makipagsabayan sa kanila at baka madumihan pa ang uniform ko. "Si Brix oh!" rinig kong sabi ng isang babae na nasa likuran ko. Napangisi na lang ako. Tingnan mo nga naman ang pagiging fame ko rito. Kahit likuran ko, kilalang-kilala nila. Sabagay, sino ba naman ang hindi makakilala sa Mr. Prom. Isa pa, ako ang pambato ng mga engineering students kapag student week. Ang lastly, varsity player ako sa Augustine. Nagsasawa na nga akong laging nananalo e. Pagdating ko sa court, kaagad kong nakita ang tatlo. Paano ba naman kasi, nakatingin ang lahat ng tao sa kanila rito sa court. Natawa na lang ako sa pagmumukha nila. Parang kanina pa sila naghihintay dito kaya inip na inip na. "Yow, dude!" tawag ni Jake. "What took you so long? Kanina pa kami naghihintay dito ah!" Tumayo na sila at nilapitan ako. "Balita ko rin hindi ka na naman pumasok sa back subject mo. Pero late ka pa rin," sigang sabi ni Uno na ang boses ay parang hinukay pa sa ilalim ng lupa. "Eh.." Tumingin ako kay Damon. "Hindi kasi ako pinapasok ni Damon!" Biglang namula si Damon at nanlaki ang mata. Alam kong takot din siya kay Uno, kaya ganito ang reaksyon niya. "H..hey! S-syempre late ka na! Galit na galit si Mrs. Fernandez sa'yo dahil one week ka ng hindi pumapasok!" dipensa niya. "Fine!" tamad kong sabi. "Tama na nga 'yan! Halina kayo. Kanina pa ako nagugutom e. Paimportante kasi 'tong wi Brix!" reklamo ni Jake, saka kami nagtawanan. "Wait..." Bigla akong tumigil kaya napatigil din sila. "May ibabalita pala ako!" masaya kong sabi, ngunit bigla akong hinila ni Uno. "Mamaya na yan..Nakita ko sa cafeteria si Aly. Doon mo kami pakitaan ng pagiging mayabang mo," anito. Nasa labas pa lang kami ng Cafeteria, naririnig na namin ang sigawan at tilian ng mga babae. Well, sino ba namang hindi kikiligin sa aming apat, lalo na kapag magkakasama kami. Napalingon pa ako sa isang chix na nasa likod. Ang sexy kasi e, ang puti pa. Hindi tuloy mapigilan ng mata ko na kindatan siya. Mamaya 'yan sa'kin. Pagpasok namin ng cafeteria, kaagad kong nahanap ang pwesto nina Aly kasama ang tatlo niyang kasama. Hindi sila mahirap hanapin, dahil siya lang naman ang namumukod tanging maganda sa kanilang magkakaibigan. Mukhang chipipay kasi 'yung tatlo. Buti pa si Aly. May korte na ang katawan, mahaba at medyo kulot pa ang buhok. 'Yung puti niya, sakto lang. Siya yung best description ng isang Angelic face. Hindi ko siya tinigilang tingnan hanggang sa hindi niya ako makita. Pagkakita niya sa akin, kaagad niyang kinuha ang kanyang phone. Halatang balisa siya kapag nakikita niya ako. Ganito na ba talaga kalakas ang impact ko? "Dude, over there.." bulong ni Damon sa akin nang makita niya si Aly na kunwaring nagta-type sa phone. Pagdaan namin, saktong nagtama ang paningin namin. Pero ilang segundo lamang...bigla siyang binahing? Nagtawanan sina Jake at Damon. Si Uno naman ay pinipigilang hindi matawa. Sira ulo itong babae na 'to ah? Mukhang pinalalabas niya na mabaho ako at sa akin pa tumapat! Namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. Tiningnan ko naman ang ibang estudyante at tahimik lang silang nakatingin sa amin. Pasikreto kong kinurot ang braso ni Damon dahil sumosobra na siya sa pagtawa. "Sorry dude. Pero kasi..." saka siya muling tumawa. Wala na akong magagawa. Gagawin ko na lang 'tong advantage, para makapag-first step na ako kay Aly. Kahit hiyang-hiya na ako rito, lalamunin ko muna ang ego ko para sa hundred thousand. Dinukot ko ang panyo sa bulsa saka ko inabot kay Aly. Gulat na gulat ang lahat sa ginawa ko. Now, its my payback time. "Here." Abot ko habang nakayuko pa rin si Alyssa. Nagkatitigan muna kami ng ilang segundo, bago niya tuluyang kinuha. Yes! My plans really works! "Lets go," aya ko sa kanila at nagsimula ng maglakad. Pero bago pa kami makalayo, bigla na namang bumahing si Aly. Grr! That girl. Inuubos niya talaga ang pasensya ko. Mabuti na lang at hindi na yon pinansin ng mga kasamahan ko, kundi baka pagtawanan na naman nila ako. Gulat na gulat ang tatlo sa ginawa ko. Sabagay, sino pa nga ba ang magta-take advantage sa ganoong sitwasyon, kapag lubog na lubog na ang isa mong paa sa hukay. Walang iba kung hindi ang 'The only one Brix Matthew Salvador'. Dumiretso kami sa bandang dulo. Doon malinaw kong nasisilay si Alyssa, kung ano ang ginagawa niya sa panyo ko. Malay ko bang inaamoy-amoy niya pala 'yun sa sobrang pagnanasa niya sa'kin. Tsaka sino ba namang hindi kililigin sa ginawa ko. Of all people, ako lang. Ako lang. "Plus points, Brix," nakangiting sabi ni Uno at tumabi sa akin. "Grabe dude! Paano mo ginawa 'yun? You turn the table, huh?" manghang sabi ni Damon. "Sus, si Brix pa ba? Basang-basa na niya ang ugali ng mga babae 'no, hindi na mahirap para sa kanya 'yan," singhal naman ni Jake. Ngumisi naman ako at tumingin sa kanila. "Sa tingin ko nga, hindi aabot ng 3 months yung rule e. Mamaya magulat kayo, ten days lang, isa na rin si Alyssa sa mga napagsawaan ko," pagyayabang ko. Nagsigawan naman sina Damon at Jake. "That's our boy! Mr. Salvador for the three points!" sigaw ni Damon at may pag demonstrate pa. Habang nag-oorder na si Jake ng pagkain namin, kinapa ko muna ang phone sa likuran kong bulsa, dahil baka may nag-message sa akin. Habang nag-scroll ako sa social media, bigla naman akong nakarinig ng mga sigawan. Mabilis akong napatingin sa pwesto nina Alyssa at laking gulat ko na doon nanggaling ang sigaw. "Dude. Si Alyssa..." Kalabit ni Damon. Pati ang ibang mga estudyante na nasa loob ay napatingin din sa eksenang gagawin ngayon ni Alyssa. Kinuha niya ang panyo kong bigay na nakalapag sa mesa. Nakalapag sa mesa ang bigay ko? How dare her! Pinaliguan ko pa ng pabango ang panyong 'yon, tapos ilalapag lang sa dirty na mesa? Mabilis niya kinuha iyon at...napanganga ako ng pinakain niya sa isang babae.. "Oh! Amuy-amuyin mo hanggang sa mamatay ka!" galit na sabi ni Alyssa. Para siyang tigre ngayon na gutom. Grabe, ganito ba talaga siya magalit? Nakakatakot. "Dude.. kaya mo pa?" patawa-tawang sabi ni Damon dahil nakikita niya akong paulit-ulit na lumulunok. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong babae. Nakakatakot. "She's cute..." Damon said, pero hindi ko na 'yun pinansin habang tinintingnan kong paalis na ng cafeteria si Aly kasama ang kanyang kaibigan. Sa wakas, dumating na rin si Jake dala ang isang tray ng pagkain namin. Kaagad siyang umupo at kumikinang ang mata. "Did you see what she had done to that girl?" usyoso nito. Tumango si Uno. "Damn! Ang astig niya! Tingnan mo, iniwan niya talaga 'yung panyo ni Brix sa bibig ng babae. Nakakahiya!" natatawa niyang sabi. "Brix?" tawag naman sa akin ni Uno, kaya bumalik ako sa ulirat. "Kaya mo pa ba?" tanong niya. Lumunok muna ako ng laway na namuo sa lalamunan ko. "O..ofcourse! Kaya ko!" pautal-utal kong sabi. Ngayon pa lang na pinagmamasdan ko pa lang sa malayo si Alyssa, kinakabahan na ako, paano pa kaya kapag kukuhanin ko na ang virginity niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD