CHAPTER FOUR

2048 Words
Alyssa's POV Habang nagtuturo ang aming professor sa harap, kinalabit ako ni Jane na nasa likuran ko naman. Dahan-dahan akong humarap sa kanya, habang nakatuon pa rin ang pansin kay Mr. Vasques. Mas mahalaga kasi itong tinuturo ni Mr. Vasquez kaysa sa chismis ni Jane. "Aly!" bulong niya, sabay paulit-ulit akong kinalabit. "Ano ba 'yun? Hindi na ba makakapaghintay 'yan mamaya?" tanong ko sa kanya. Bigla naman niyang inurong ang upuan niya palapit sa akin. Mabuti na lang at nakatalikod na ngayon ang aming prof at nagsusulat sa pisara, kung hindi baka pareho pa kaming palabasin ni Jane. "Bakla...Mukhang ang lakas ng tama sa'yo ni Brix ha? Ang isa sa mga tinatawag na Quatros!" Pahampas-hampas pa niyang paliwag. Sa totoo lang ay wala namang malisya sa akin 'yong kanina na naligaw 'kuno' ang Salvador na iyon sa room namin. Obvious naman kasi e. Ano siya tatanga-tanga? Ang layo-layo ng room ng mga Engineering sa amin. "Ewan ko doon. Wala naman akong pakialam. Baka may bago na naman siyang pinopormahan?" wala kong ganang sagot. Bigla naman akong hinampas sa leeg ni Jane. Napangiwi ako sa sakit dahil sa talim ng kanyang daliri. Nakakainis. Gusto ko siyang sigawan pero hindi pwede. "Gaga! Malay mo ikaw ang type no'n!" usyoso pa niya. Natigil naman ako sa pagsusulat sa notebook ko at humarap sa kanya. "Sa tingin mo ba, may oras pa ako para sa ganyan? Graduating na tayo, Jane. Saka na 'yang landi, kapag natapos na natin ang thesis!" wika ko sabay inirapan siya. "Hm! Napaka ano mo talaga, Aly. Kaya hindi ka nagkakajowa e!" pang-aasar pa niya. Bigla namang humarap ang prof sa pwesto namin saka kami nito sinamaan ng tingin. Bigla naman akong natakot dahil parang mananaksak ang tingin ni Mr. Vasquez sa amin. Pagkatunog ng bell, hudyat para sa aming breaktime, dali-daling nagpaalam si Mr. Vasquez, kaya naman ang iba ko pang mga kaklase ay nagsitakbuhan na sa labas. Ewan ko ba, forth year college na kami, pero ang iba sa amin ay isip bata pa rin. "Grabe! Ang guwapo at ang bango talaga ni Brix! Ang sarap namang sakyan no'n!" kinikilig na sabi ni Maricar—Ang malanding presidente ng class A. Napairap na lang ako. Sa pagkakaalam ko kasi ilang lalaki na rin ang nagdaan sa kanya. Ewan ko ba, ginagamit niya ang pagiging maganda at sexy niya para sa ganyang relasyon. Ang pagkakaalam ko rin, naging ka one night stand na niya si Damon. Ang isa sa mga Quatros! Habang nagliligpit ako ng gamit, kaagad akong nilapitan nina Jane, Andrea at Jade. Alam ko na kapag ganito ang hitsura nila. Para silang mga batang naghihintay ng lollipop sa kanilang mama. "Aly ano? Wala ka pa bang aamin?" nakangusong sabi ni Jade. Sinukbit ko naman ang shoulder bag tsaka tiningnan nang masama si Jade. "Pinagsasabi mo?" "Aly, kaibigan mo naman kami e. Wala ka ba talagang aaminin?" pangungulit rin ni Andrea. Naguguluhan na ako sa mga ito. Iisa lang ang tinatanong nila sa akin. "Na ano ba?" inis kong tanong sa kanila. "Kayo na ba ni Brix?" sabay-sabay nilang sabi, kaya nanlaki ang mata ko. Napatingin din ang iba pa naming classmate sa akin at ang mga estudyanteng dumaraan. "Jusko. Mahabaging langit! Mapapaaway pa ako sa inyo e. Ano bang pinagsasabi ninyo?" Hinawakan ko ang kanilang bag at pilit ang ngiting inaya ko sila sa labas. "Hindi ba kayo nahihiya? Anong pinagsasabi niyo?!" inis kong tanong sa kanila nang makalabas na kami ng room. Tiningnan ko muna kung meron pang estudyante na dadaan, bago ko sila sermonan. "Eh kasi...kasi iba 'yung tingin ni Brix sa'yo kanina e. Akala namin may namamagitan na. Chat-chat ganon.." ani Jane. Napabuga ang hininga sa kanila. Tiningnan ko sila ng mata sa mata para matigil na sila sa kanilang iniisip. "Wala. Walang namamagitan sa amin ng Brix na iyon. Tsaka hindi ko siya type 'no! Alam naman nating babaero 'yon. Tsaka paano kapag naging kami? Mamaya pag nahuli 'yon ni papa, barilin pa siya sa noo," pagpapatawa ko, kaya naman natigil na sila sa diskusyon. Dumiretso kami sa isang malapit na Cafeteria. Tatlo kasi ang Cafeteria sa campus. Mas malapit ang isang 'to sa susunod naming subject, kaysa maglakad pa kami ng ilang kilometro. Kaagad kaming humanap ng mauupuan sa loob at sakto namang may bakanteng isang mesa at apat na upuan sa tabi ng bintana. Sakto na 'yon para sa amin. Si Jane ang nakaatang na mamili ngayon ng pagkain namin. Araw-araw kasi ay nakaschedule kami ng pamimili, kaya naman pagbigay namin ng pera, kaagad siyang pumila sa harapan. Kinuha ko naman ang phone sa bag ko, para habang naghihintay ay hindi ako mainip. Ganon din ang ginawa ng dalawa, kaya walang nagsasalita sa amin. Habang abala ako sa pagtatype sa cellphone, bigla naman kaming nakarinig ng mga nagtitilian. Napakunot ang noo ko nang marinig ang mga babaeng iyon na akala mo ay naiipitan ng kanilang badiay. "Grabe ang pogi!" sigaw ng nasa unahan namin. Nang mainis na ako sa kakatili ng mga babae, tumingin na ako sa pinto kung sino iyong pinagkakaguluhan nila. Bigla akong nagulat nang makitang paparating ang Quatros! "Aly! Si Brix! Ang mga Quatros magkakasama!" tili ni Jade na may pagpisil pa sa kamay ko. "Aray ko naman!" reklamo ko nang maramdaman kong bumaon ang kuko niya sa braso ko. "Grabe 'no, sikat na sikat sila!" dagdag pa ni Andrea. "Siguro kung girlfriend ako ng isa sa mga 'yan, papabuntis na agad ako!" kinikilig na sabi nito. Mabilis namang dumapo ang kamay ko sa ulo niya, kaya napairap siya. "Aray ah!" aniya sa akin. "Ano-ano kasing pinagsasabi mo!" inis kong sabi. Nang makapasok na sa cafeteria ang apat, napayuko na lamang ako at kunwaring nagce-cellphone. Ayaw ko namang makidagdagpasa mga babaeng ito. Hindi ko naman type ang mga 'yan. Habang kunwari akong nagta-type, napapaisip ako. Wala namang educ students sa mga Quatros na ito pero bakit mas pinili pa nilang dito kumain sa Cafeteria namin? Kung hindi ako nagkakamali, si Damon, ang course niya is Psychology. Si Uno naman na mayabang at hambog, public administration naman sa kaniya. Si Jake ay architecture, habang itong isa pang mayabang na kumakaway pa na si Brix ay engineer naman. Kaya bakit sila rito kakain? Pero teka.. "Hindi ko naman napansin na nilapag na ni Jane ang isang tray na naglalaman ng aming pagkain. Hindi ko na pinapansin ang mga nagtitilian, pero ang tatlong kaibigan ko na ito, hinihintay pa yatang dumaan sa harapan namin ang apat na mokong na 'yon. Habang pinipisil ko ang kalamansi sa maliit na platito, bigla namang kumunot ang noo ko nang may masagap akong mabahong amoy ng lalaki. Kasabay ng pagtili nina Jade, Jane at Andrea. "Oh..my..G!" sabay-sabay nilang sabi nang dumaan sa harapan namin ang apat na magkakaibigan. Dahil allergic ako sa amoy ng isa sa kanila, hindi ko mapigilang hindi mabaging. Biglang nagtinginan sa akin ang mga estudyante na akala mo ay dismayado. Napatigil din sa paglalakad ang apat at napatingin sa akin. Lord! Ipalamon mo na ako sa lupa! Now na! Sa sobrang hiya ko, mabilis akong yumuko at hinanap ang panyo sa loob ng bag, ngunit hindi ko iyon makita. Bigla akong natigilan nang.. Patay! Kung sasamain ka nga naman, nakalimutan ko pa sa bahay! "Miss." Biglang may nagpakita ng panyo sa harapan ko. "I think..you need this," wika ng isang lalaki. Pagtingala ko, habang nakatakip pa rin ng kamay ang bibig ko, natulala ako ng inaabot iyon ni Brix. Ayaw ko pa sanang kuhanin, pero nanganganib na naman akong bahingin, dahil sa kanya ko pala naamoy ang mabahong pabangong iyon. Pagbahing ko, kinuha ko agad ang panyo na inaalok niya. Narinig ko pa siyang tumawa, bago sila ayain ni Uno sa malayong table. "Shocks!" pigil na kilig ni Andrea, Jade at Jane nang makita nila ang pangyayari. "Oh girl!" sabay kunwari lipat ng korona sa akin. "Pak! Sa iyo na ang korona para kay Brix! Grabe! Hindi ko expect 'yon ha!" ani Andrea. Kahit din ako. Hindi ko expect ang kahihiyang magagawa ko ngayong araw. Napayuko na lamang ako, kahit pa pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob ng cafeteria. Binilisan na lang namin ang pagkain dahil hindi ko na matagalan ang awkwardness dito sa loob, lalo na lahat ng mata ng mga babaeng nagkakagusto kay Brix, e parang sinasaksak na ako sa kanilang tingin. Pagkatapos kong sinubo ang paghuling pagkain, kaagad akong uminom ng malamig na tubig, kahit pa bumara iyon sa lalamunan ko at mabulunan, ayos lang. Basta makaalis na sa lugar na ito. Pagkatayo ko, iniwan ko sa mesa ang panyo na inabot sa akin ni Brix. Kulay pink pa man din iyon. Kahit paborito kong kulay ang panyong iyon, hindi ko naman kukunin 'no! Baka sabihin pa ni Brix e pinagnanasaan ko siya. Ew! Simula ngayon, hindi ko na favorite ang pink! Magpapalit na ako ng paboritong kulay. "Huy, Aly! Teka lang. Hindi pa kami tapos e," singhal no Jade na binibilisan na sa kanyang pagnguya. Sina Jane at Andrea naman ay tapos na rin. Sadyang makupad lang talaga sa pagkain 'tong si Jade. "Bahala ka," wika ko. Tumingin naman ako sa dalawa, saka sinukbit ko ang bag sa balikat. "Halina kayo. Mala-late pa tayo sa next class," pagkukunwari ko. Magsasalita pa sana si Jade at aalma na wala naman talagang next class dahil nagtext na ang prof namin doon na may pupuntahan daw siya, pero pinaningkitan ko siya ng mata kaya natahimik na lang siya. Aalis na sana kami ngunit bigla akong natigilan nang may narinig akong nagbubulungan. "Hala? Ang arte pa oh, si Brix na nga ang lumalapit nagpapakipot pa! Kala mo naman kagandahan," bulong ng babaeng napaka kapal ng blush on, kaya nagmumukha itong tarantula. "Kaya nga e, 'diba educ student 'yan? Kung ako diyan, aamomuy-amoyin ko hanggang pagtulog 'yung binigay na panyo ni Brix!" kinikilig pang sabi ng kasamahan nitong haliparot. Kagat labi ko silang tiningnan. Kung kanina nakakapagtimpi pa ako sa kahihiyang ginagawa ni Brix sa akin kaninang nasa room pa kami, ngayon hindi ko na palalampasin 'to. Kinuha ko muli ang panyo na nilapag ko sa mesa. Gulat na gulat silang lahat na nakatingin sa akin. Naglakad ako papunta sa table ng dalawang babae, dahil kanina pa nagpipintig ang tainga ko sa kanila. Sa ngayon, hindi na nila kayang makipagtitigan sa akin, pero ako... "Oh!" Nalamukos ko ang panyo at pinakain ito sa babaeng kamukha ni Barakuda. "Amuy-amuyin mo hanggang mamatay ka!" saad ko. Nabigla ang lahat sa ginawa ko, pero nginitian ko lang ang katabi nitong mukhang tarantula. "Ikaw naman... sa susunod na pagchismisan mo pa ako, baka hindi lang mukha mo ang walang latay," bulong ko sa kanya na lalong ikinalaki ng kanyang mata. Pagkatapos kong ginawa iyon, dire-diretso akong lumabaa ng cafeteria. Alam ko nakatingin pa rin ang mga estudyante sa likuran ko, pero wala na akong pakialam ngayon. Pagkalabas, sumalubong sa akin ang init ng araw pati na ang malamig na hangin. Medyo nakahinga ako nang maayos, kaya naman nilingon ko na sina Jade, Jane at Andrea na kanina pa ako tinatawag. "Girl! Ang harsh mo naman kay Ms. Tarantula!" nangongonsensya, ngunit tatawa-tawang sabi ni Andrea. "Alam niyo naman kapag napuno na ako 'diba? Tsaka kanina pa ako nagtitimpi sa Brix na 'yan. Anong trip ng lalaking 'yan at bigla-bigla na lang susulpot sa harapan ko." Muli ko pang tiningnan si Brix mula sa loob at nakita ko siyang nakikipagtawanan sa kanyang kaibigan. Napakademonyo talaga ng ngiti ni Brix! Nakakasuklam! "Girl, malay mo naman 'diba. Type ka ng tao," patutsyada ni Jade. "Tsaka hindi naman imposible 'yun! Bagay kaya kayo. Ang ganda mo, super pogi naman siya! Kaya keri na 'yan," dagdag pa niya. Napasinghal na lang ako. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, baka kanina ko pa siya binatukan. "Pwes, hindi ko siya type. Tsaka ayokong masama sa mga naging koleksyon niyang babae 'no!" dispensa ko. Ayaw kong sirain ang imaheng matagal na iningatan nina mama at papa. Ayokong ako mismo ang magpabagsak sa kanila. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. "Hali na nga kayo. Magpunta na lang tayo sa dating pinagtatambayan natin," ani Jane. Sumang-ayon naman kami. Tutal para makapag-relax din ako. Parang drain na drain ako ngayon. Hanggang alas otso pa naman ang klase namin, pero ngayon pa lang, ubos na ubos na ang lakas ko. Nakakainis kasing Brix 'yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD