Alyssa POV Unti-unti kong minulat ang mata ko nang maramdaman kong nagkukumawala na ang bituka sa tiyan ko. Nagugutom na ako. Habang iniikot ko ang tingin, igagalaw ko na sana ang kamay ko, ngunit natigilan ako nang makita ko si Brix. Nakahiga siya sa tabi ko, at ang kamay niya...nakahawak sa kamay ko. Upang hindi siya magising sa malalim niyang pagkakahimlay, hinayaan ko munang nakapatong ang kamay niya sa kamay ko, habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Halos apat na buwan na rin simula nang magsama kami sa bahay ni Brix, pero ngayon ko pa lamang siya nakitang natutulog sa tabi ko. Binabantayan niya kaya ako simula kanina? Hala! Oo nga pala, naka kwarto niya ako! Pero himala, hindi niya ako pinaalis. Lumalambot na ba ang puso ni Brix? Hindi mo aakalain na ang maamong muk

