HINDI ko mapigilang hindi mapangiti habang kumakain. Habang iniisip ko 'yung conversation namin kanina ni Aly, pakiramdam ko nalalapit na rin mapasakin 'yung reward ni Uno. Kanina nga nang si-nend ko sa group chat naming apat 'yung usapan namin ni Aly, hindi sila makapaniwala 'e. Pero dapat, kapag ako na ang gumawa ng hakbang, maniwala na sila. Sinabi ko naman sa kanila na hindi lilipas ang isang buwan at hindi ko mapapasagot 'yang si Aly. Humanda lang siya bukas. Baka hindi na ako makapagpigil pa at kung saan ko na siyang lugar dalhin para lang makuha ko na kaagad 'yung pera. Ang usapan din namin ni Uno na kapag ginawa ko na 'yung pinag-uutos niya, kailangan ko pa raw i-video. Nung una nagalit ako syempre, pero konting dangal lang naman ang mawawala sa'kin e, si Aly ang mas nakakahiya k

