Alyssa POV Maagang natapos ang klase namin kay Mrs. Santos. Kaagad kaming dumiretso sa bahay nina Jade, dahil 'yon naman talaga ang usapan. Hindi ko ba alam sa mga 'to, kung anong binabalak nilang gawin sa'kin. Eh, mas excited pa sila e. Bago ako make-up-an ni Jane, tinext ko muna si mama na baka 7:00 na ako makakauwi. Syempre nagpalusot ako na pagpapatuloy naming 'yung thesis. Hay. Natututo na rin akong magsinungaling dahil sa mga 'to. Kakainis kasi si Jade e, edi sana ngayon diretso na lang ako sa bahay, tapos magpapahinga sa balcony. Eh ang kaso, eto na nga. Nandito na kami sa bahay nina Jade, at pinaghanda pa kami ni tita Rasha ng miryenda. Kung hindi ba naman nakakahiya ,'tong ginagawa nila. Pero..kanina pa ako napapaisip. Hindi kaya nakakahiya kay Brix? Baka sabihin no'n napaka ea

