"Wait," pasubali niya nang ilalagay ko na sana ang seatbelt ko. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko nang dukutin niya ang seatbelt sa left side ko at ilagay 'yon sa'kin. Ramdam na ramdam ko 'yung mabigat niyang paghinga. Juskolord! Para akong hihimatayin. Napakabango din ni Brix. Shuta! Wala man lang sa kalahati ng pabango ko. Tapos...yung ilong niya...yung pilikmata. Yung matang nagsusumamo pati na yung labi! Shet. No, Aly! Stop. Huwag mong pagnasaan si Brix. You didn't know him well. Huwag kang kiliging impakta ka! "I'll always keep you safe," bulong pa niya sa'kin, kaya biglang nagtindig lahat ng balahibo ko sa katawan! Siguro kung hindi ko lang napigilan, pati kulot kong buhok, uunat na rin! Pagkatapos niyang nilagay yung seatbelt niya, pinaandar na niya kaagad ang makina ng k

