Pagbaba namin ng eroplano, kaagad akong sinalubong ni Mang Edgar. Binigay ko sa kanya ang maleta ko, habang ako naman ay pinalibot ang tingin sa paligid. Matagal-tagal din akong nawala sa syudad. Napakainit pa rin pala rito. Habang naglalalakad kami ni mang Edgar papunta kung saan niya na-park ang sasakyan, tila may gusto siyang itanong sa akin, kaya palinga-linga siya ng tingin. Mukhang nahihiya lang siyang magtanong sa akin, kaya ako na ang nag-insist. "Kumusta ka naman rito, Mang Edgar? Ang tagal din nating hindi nagkita?" Sinabayan ko siya sa paglalakad. "Ayos lang ho sir. Siya nga pala, nasaan na po si Ma'am Jessy? Hindi niyo po ba siya kasamang bumyahe?" tanong niya. Tiningnan ko siya. "Maiiwan muna siya doon. Saglit lang naman ako dito e, kaya babalikan ko na lang siya," sag

