THIRD POV MAHIMBING nang natutulog si Alyssa sa kanyang kwarto, habang ang kanyang ina naman ay dumiretso sa sala at doon muli umiyak. Sa buong buhay niya ay tinuon niya ang kanyang atensyon sa kanyang pamilya pati na sa pagtatrabaho, ngunit hindi niya napapansin na kulang pa rin pala ang paggabay niya sa kanyang anak kaya nagkaganon. Narinig niyang bumukas ang kanilang gate, kaya dali-dali niyang pinunasan ang luha sa mata. Ayaw muna niyang sabihin sa kanyang asawa ang nangyari kay Alyssa, dahil baka ano pang magawa nito, lalo na ngayon na mukhang lasing si Arman. "Mahal..." tawag ni Arman sa kanya. Inayos naman niya ang kanyang sarili at prenteng ngumiti habang naglalakad patungo sa tapat ng pinto upang salubungin ang asawa. Kaagad niyang gianwad ang kanyang balikat at dinantay doon

