PERO ilang oras na silang maglakad. Wala silang nakikitang kabahayan. Nauuhaw na rin sila at nagugutom. Natuyo na rin ang kanilang damit. Mabuti na lang kamo at walang araw na susunog sa kanilang balat. Makulimlim lang ang langit, halatang nagtatago ang araw sa makapal na ulap. Para bang takot ito.
“Pagod na ako!” Himutok ni Magnus.
Sandali silang huminto sa malaking bato. Umupo sila roon. Hindi lang ito ang pagod, sila rin. Gusto niya ng humilata sa kaniyang malambot na kama at makipagtitigan sa kesame pagkatapos ay kakain sa mga luto ni Perlita.
“Paano na ito? Mukhang puro kakahuyan lang ang nakikita ko at malawak na field. Wala akong nakikitang tao maliban sa`tin. Wala rin akong nakitang mga hayop. Para tayong nasa black and white picture tapos tayo lang ang colorize.”
Natawa siya kahit papaano sa himutok ni Magnus. Binato niya ito ng helmet na kaagad nitong sinalo. “Ayaw mo niyon, tayo lang nandito.”
“Gago ka ba?”
“O, mag-aaway na naman kayong dalawa.” Kaagad na pumagitna si Athena sa kanila. “Mag-isip nga kayo kung paano tayo makaalis agad dito at tatawag pa si Mommy sa`kin.” Kinuha nito ang cellphone. Napangiwi ito nang makitang walang network ang cellphone nito. “Maganda sana kung may connection din dito ‘no? Para may pang-post tayo.”
“Malapit ng gumabi.”
Sabay naman silang napatingin sa kalangitan sa sinabi ni Reedrick. Nag-aagaw na nga ang liwanag at dilim. Nakaramdam si Percival ng kaba. Hindi niya alam kung bakit. “Pakiramdam ko, delikado tayo rito ‘pag nagabihan tayo rito.”
“Gagi, ‘wag kang manakot!” Binato sa kaniya pabalik ni Magnus ang helmet niya na agad niyang sinuot sa ulo.
“Maghanap muna tayo ng matutulugan ngayon gabi. Safe na lugar. Baka mas malala mamaya keysa sa malaking ibon at paniki. Naisip niyo iyon?”
Natigilan naman si Athena at Reedrick sa kaniyang sinabi. Nagpalingon-lingon ito sa paligid. Kaya nagsuhestyon si Percival na sa loob sila ng kagubatan matutulog sa gabing iyon. Doon sila sa malaking kahoy kung saan ang mga ugat nito ay malalaki.
Siya na ang gumawa ng apoy. Mabuti na lang kamo at may dalang lighter si Magnus. Nagsisigarilyo kasi ito samantalang siya ay tamang vape lang na flavor ay cookies at stawberry.
Nawala ang gutom at uhaw nila. Parang kanina lang, gusto ng umiyak ni Athena sa kakareklamo na pagod na ito at gutom pero nung sumandal na ito sa malaking ugat, kaagad itong nakatulog. Gano’n din si Magnus, humihilik na ang kaibigan niya.
“Percival.” Si Reedrick ito. Lumapit ito sa kaniya at tumabi sa kaniya ng upo. Nasa harap siya ng bonfire na ginawa niya. Nagsimula ng kumalat ang lamig at kaniya-kaniyang ingay ang mga insekto.
Pinapanalangin na lang ni Percival na wala na sanang paniki dito sa pinagpahingaan nila. Nakakapagod din tumakbo nang tumakbo. Bukas na sila tumakbo at maghahanap ng pagkain at maiinom na tubig.
“Oh? Ayaw mong tumabi ro’n kay Athena?”
Nagkibit ito ng balikat. Seryuso ang aura nito. “Gusto ko lang sabihin sa`yo na nakiwento sa`kin ni Lolo ‘tong mundong ito.”
Napatigil siya sa paglalagay ng mga panggatong sa apoy. Napatingin siya kay Reedrick at ningisihan ito. “Anong sabi ni Lolo? Gagi to si Lolo, ah. Wala man lang pasabi sa`kin, eh ‘di sana naging handa tayo. Balak yatang maging deadz tayo rito tulad niya, ah.”
Napailing naman ito sa kaniyang sinabi at hindi agad napakibo. “Mabait naman si Lolo. Sadyang ayaw mo lang sa kaniya.”
“Ayaw sa`kin, gago ka ba? Sabihin mo, si Lolo ang ayaw sa`kin kaya ayaw ko rin sa kaniya.”
Totoong ayaw niya sa hukluban matandang iyon. Paano ba naman, nung bata pa siya hanggang sa lumaki ayaw nitong umapak siya sa bahay nito. Ayaw rin siya nitong kausapin. Sa lahat ng mga apo nito, siya lang ang ayaw nito. Kaya sino ang magkakagusto sa matandang hukluban na iyon? hindi sila close ng matandang iyon. buti nga at nagpaalam na rin ito.
Itong efuanti nga na nasa kaniya, pinaabot lang ito kay Reedrick. Ilang beses niya na rin itong tinatapon pero nagtataka siya dahil lagi rin itong bumabalik sa kaniya at hinahayaan na lang niya ang bagay na iyon.
“May rason kasi si Lolo, iyon ang sabi niya noon.”
Nagkibit lang siya ng balikat. “Wala akong pakialam sa rason niya.” Tumayo siya at nag-unat ng kamay. Kating-kati siyang maligo pero walang tubig. “Magpahinga na ako. Ikaw muna ang magbantay, salitan tayo. Ano?”
“Sige, sige. Magpahinga ka na.” sumulyap ito saglit kay Athena at napangiti saka humarap sa apoy na kaniyang ginawa.
Muli siyang nag-unat ng kamay at sumandal sa malaking ugat ng kahoy. Ang sarap matulog. Malamig ang paligid pero dahil sa apoy, hindi siya nilalamig. Nakakapagtaka lang dahil wala man lang lamok na kumagat sa kanila o marahil sa kaniya lang ayaw kumagat ng lamok dahil masyado siyang gwapo? Napangisi siya.
Naghalukipkip siya ng kamay at nagpasyang ipikit ang mata…
BUMAGSAK ang mundo ng Ina ni Percival na si Perlita nang mabalitaan ng Ginang ang balita. Nagkaroon ng landslide sa Santague Mountain at ayon sa mga pulisya, kasama ang anak nitong si Percival at pamangkin si Reedrick sa apat na kabataan na natabunan ng lupa.
Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ng Ginang at hindi nito matanggap ang pagkawala ng anak nito. Tanghali na pero nasa opisina pa rin ng pulisya ito kasama ang magulang ni Magnus at Athena at nang ibang kabataan na sangkot sa mountain biking.
Sinisisi ito ng magulang ng dalawang kabataan kung bakit nasama sa landslide ang anak ng mga ito. Walang magawa si Perlita kundi ang umiyak nang umiyak lalo na at may bagyo pa rin, hindi kayang akyatin ang bundok at irescue ang katawan ng anak nito.
“S-si Percival po kasi… Sinabihan niya kaming mauna na kaya nauna kaming bumaba. Naghintay kami sa b****a ng bundok pero malakas na ang ulan at hangin. Wala kaming magawa kundi ang maunang bumalik ng bayan.” Naluluhang sagot ni Elmer. “Si Anton ang bumalik para pilitin silang bumaba. Kasama ni Percival si Reedrick, Magnus at Athena.”
“Kahit malakas ang ulan, sinuong ko ito at doon ko nakita na nagkaroon ng malaking landslide. Bike na lang nila ang nakita ko at wala na sila.”
“Diyos ko!” nasambit na lang ng Ginang at tuluyan nawalan ng malay. Hindi nito kinaya ang balitang nawala ang namatay ang nag-iisang anak nitong si Percival.
NAALIMPUNGATAN si Percival nang yugyugin ni Reedrick ang kaniyang balikat. Galit na winakli niya ang kamay nito at bumalik sa pagkakatulog nang yugyugin siya nito ulit.
“Ano ba! Tangina mo Reed, natutulog ang tao—”
Kaagad itong sumenyas sa kaniya na huwag siyang maingay. Doon lang naisip ni Percival na may usapan pala sila magpinsan na salitan sa pagbabantay. Nag-unat siya ng kamay at naghikab. Napakunot ang kaniyang noo nang makitang patay na ang apoy.
“Bakit hindi mo nilagyan ng panggatong?” asik niya rito.
Sinapak siya nito at may tinuro itong deriksyon.
Napasunod naman ang kaniyang tingin sa tinuturo nito at napaamang. Kaagad nilang ginising ang dalawang kasama. Nagreklamo pa si Magnus at gusto pang bumalik sa pagkakatulog pero hinila ni Percival ang teynga ng kaibigan. Napaaray-aray ito pero kaagad niyang tinakpan ang bibig.
“Nakita ko sila. Marami.” Mahinang anas ni Reedrick.
Bigla silang naging alisto. Nagtago sila agad sa katawan ng puno at sabay-sabay na sinilip ang mga bulang apoy na nakalinya. Para itong nagpaparada at gumagalaw ang mga ito.
“Ano ‘yan?”
“Santelmo yata.” Si Magnus ang mabilis na sumagot sa tanong ni Athena. Kaniya-kaniya silang pagmamasid kung saan patungo ang malalaking bolang apoy.
“Tingan niyo!” pabulong na saad ni Percival at tinuro ang pinuntahan ng mga bolang apoy.
Nagulat sila pareho nung naging tao ang mga ito. Hubo’t h***d. Literal na walang saplot sa katawan. Gusto sana niyang sigawan pero agad siyang sinapak ni Reedrick. Binigyan lang niya ito ng dirty finger at binaling ang tingin sa mga tao.
Lihim na binilang ito ni Percival sa isip. Hinuha niya, nasa kinse katao ang mga ito. May babae at lalaki. Dahill nakatalikod ito sa kanila, ang kahubaran ng mga ito ang kanilang nakita.
Hinihintay nila ang gagawin ng mga ito. Para itong nagriritwal na hindi nila maintindihan ang mga lenggwaheng ginagamit.
“Tingin mo, anong ginagawa nila?”
“Baka may p**n shooting.” Matabang na sagot niya kay Magnus. “Malamang nagpupulong!”
“Shh. Maririnig nila tayo. Ang ingay niyo.
Nagsitahimik naman sila nang sawayin sila ni Athena. Pinandilatan pa sila ng mata. Nagkibit lang siya ng balikat at hindi pinansin si Athena. Sabay-sabay nilang pinapanood ang mga nakahubad na tao. Medyo naririndi rin si Percival sa mga salitang binabanggit ng mga ito at kasabay niyon ay biglang lumitaw ang bilog na bilog na buwan sa kalangitan.
Napalunok siya. Bakit iba ang pakiramdam niya sa mga sandaling ito? Mukhang panganib. Hindi lang mukhang panganib, panganib talaga ang naaamoy niya!
“Mga pre, tingin ko. Kailangan na natin, lumayo. Pakiramdam ko, panganib ang dala nito.”
“Seryuso ka ba?”
Tumango siya sa tanong ni Reedrick.
“Ako rin. May iba akong nararamdaman. Pero saan tayo tatakbo at magtatago?”
Napalunok si Percival sa naging tanong ni Athena. Saan nga ba sila tatakbo sakali? Puta! Bakit ba kasi walang hangganan itong gubat na napasukan nila! Napakamot siya sa ulo at nag-isip ng ilang sandali.
Pero naputol ang pag-iisip niya nang biglang nag-iba ng anyo ang mga taong nakahubad. Napaatras sila. Nakatitig pa rin sila sa mga ito at kitang-kita nila mula sa ilalim ng sinag ng buwan, nag-iba ng anyo ang mga ito. Mula sa pagiging tao, nagkaroon ng mga ugat ang mga katawan ng bawat isa. Hindi lang basta ugat kundi ang ugat na nagsilabasan sa likod ay naging isang matatalim na pakpak!
Tangina!
Nagsiungol ang mga ito na parang mga hayop na nasasaktan sa naging pag-ibang anyo. Kaniya-kaniyang kalmot ang mga ito sa likuran kung saan lumabas ang mahahabang pakpak na puro patalim ang dulo.
Natulala ang tatlong kasama niya sa nakita. Hindi nakaimik ang mga ito habang si Percival ay paatras nang paatras. Nakahanda na ang kaniyang paang tumakbo oras na lumingon ang mga ito sa kanila. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa aswang o hindi. Pero imposibleng aswang ang mga ito lalo na at wala sila sa mundo ng tao. Nasa ibang dimensyon sila!
Nakuha pa niyang buksan ang bag at kinuha ro’n ang cellphone. Sekreto niyang kinunan ng larawan ang mga nag-tranform na mga tao. Mga dalawang shots lang ang kaniyang kinuha at mabilis na nilagay sa bag ulit. Kinuha niya rin doon ang efuanti at mahigpit na hinawakan. Baka sakaling magamit nila ito just in case of emergency.
“Ayaw niyo pa bang tumakbo?” untag niya sa mga ito.
“M-mga aswang! Mamatay na yata tayo rito…”
Napailing-iling siya sa kadramahan ni Magnus. Mamatay na kung mamatay pero hindi naman sila agad magpapakain! Kailangan na nilang umalis at tumakbo!
“Mauuna na ako sa inyo kung diyan pa rin kayo!”
“Ano?” Napalingon ang tatlo sa kaniya.
“s**t!” Napamura naman siya nang sabay-sabay tumingin sa kanila ang mga taong kanina lang ay nakahubad.
Parang biglang lumubo ang kaniyan ulo nang makita ang pagmumukha ng mga ito. Tangina! Gusto niyang sumigaw sa sindak. Ang papangit ng mga mukha ng mga ito at labas ang malalaking mata at ngipin. Parang demonyo! Nakaluwa rin ang mahabang dila at panot ang ulo habang puro mga ugat-ugat ang katawan.
“Takbo!!!” Ang lakas ng sigaw niya nung sumugod ang mga ito sa kanila.
Nagsigawasan silang apat at nagsitakbuhan sa iisang deriksyon. Nauna siya sa mga itong tumakbo at nakasunod si Reedrick, Magnus at Athena. Habang lumipad paitaas ang mga pangit na nilalang sa ere! Hinahabol sila ng mga ito.
“Takte! Gusto ko pa mabuhay at magkaanak kami ni Athena!”
“Gago! Mag-anak ka mag-isa mo.”
“Mamaya na kayo mag-away. Gagi! Tumakbo kayo at huwag na huwag tayo maghiwalay.”