Chapter 7 - I'm In

1833 Words
“H-hindi ba ‘yan nangangain ng tao?” “Tingin mo?” asik naman ni Athena sa tanong ni Reedrick. “Gusto mo, ikaw ang kainin ko?” Natawa sila nang malakas ni Magnus at nag-highfive. Bars! Ang galing din bumanat nitong pinsan niyang gago, eh. Pero sandali lang iyon, dahil nung maisip nila ni Magnus na katangahan pala ang ginawa nilang pagtawa. Fuck s**t! Takbo! Kaniya-kaniya silang takbo nung nagising ang mga paniki. Malalaki ang mga mata ng mga ito na kulay pula at naglalaway pa ang malaking bibig! Crazy bat! Nagtakbuhan silang apat habang panay sisihan. Gagi, dito yata sila madadali sa mga paniking ito! “Tulong!” Ayan na nga ang kaniyang sinasabi. Nadapa si Reedrick, kaya mabilis niya itong dinaluhan at hinila ito. Tangina talaga nitong pinsan niya, ang hilig madapa ‘pag sa ganitong sitwasyon na sila. Hinabol sila ng mga paniki. Mas lalo nilang binilisan ang kanilang takbo at bawal silang maabutan ng mga ito. Weird place! Gusto niyang sabihin ang katagang iyon sa mga kasama. Sila lang yata ang tumatakbong may kulay na suot. Halos nakikita ng mga mata niya ay parang naka-black and white. Creepy! Mas creepy itong lugar na ito kesa sa Santague Mountain. “s**t!” Napamura siya. Napahinto at napatitig sa ibaba. Bangin ang kaniyang nakikita at sa ibaba niyon ay rumaragasang tubig. Kung hindi nagkakamali si Percival, nasa 100 feet ang taas ng bangin! “Hayop! Paano na ito?” Hintakot na tanong ni Magnus. “Let’s jump.” “Ano?!” Sabay-sabay na saad ng tatlo. Natawa siya at napakamot sa ulo. Wala siyang maisip na paraan. Ano nga ba? Meron silang dalawang option magkakasama. Una, hayaan na kainin at dagitin sila ng mga uwak. Pangalawa, tumalon sila sa bangin na sa ibaba ay paniguradong hindi nila alam kung ano ang nasa ilalim at pangatlo. s**t! May pangatlo pa palang option, none of the above. “Gago! Talon!” Hinawakan niya ang kamay ni Athena at Reedrick at mabilis na tumalon sa tubig. “Puta ka Percival!” “Ayuko pa mamatayyyy!!!” Bumagsak sila sa tubig. Lumubog ang katawan nila pero dahil likas na athletic ang katawan nilang magpinsan, kaagad silang lumitaw sa tubig. Hinanap niya si Athena, napahinga siya nang maluwang nang makita itong lumitaw at sandaling napaubo. “Guys, paano ako?” Napangiwi si Percival nang makita ang kaibigan sa itaas. Nagdadalawang isip itong tumalon. “Tumalon ka na! andiyan na ang mga paniki sa itaas mo!” “Pero hindi ako marunong lumangoy!” Oo nga pala, nakalimutan  niya. Hindi marunong lumangoy si Magnus. Napamura siya sa isip pero bahala na. “Basta tumalon ka! Andito kami sa ibaba dali!” “Takte ‘yan! Darna!” Ang lakas ng sigaw nito at tumalon na parang si Darna na lilipad. Bumagsak ito sa tubig at lumubog. Mabilis naman niyang dinaluhan ang kaibigan at sumisid sa ilalim at iyon nga ang taninga, nasa ilalim nagpupumilit lumangoy paitaas. Mabilis niyang hinila ang kamay nito paitaas sa tubig. Napaubo naman ang walang hiyang kaibigan niya at nakikita ang takot sa mata nito. “Akala ko pangalawang patay na natin ‘to.” Tinawanan lang niya ang kaibigan at sabay silang napatingin sa mga paniki. Nag-ikot-ikot ang lipad ng mga ito na para bang hinahanap sila at kalaunan ay kaniya-kaniyang nagsilaisan ang mga ito. Napahinga sila nang maluwang. Akala nila, lulusong din ang mga ito sa tubig. “Alam niyo, umalis na tayo sa tubig na ito at baka kung anong nilalang pa ang makita natin dito,” suhestyon ng pinsan niya. “Yes, Reedrick is right.” Mabilis na sagot ni Athena. Gusto pa sana niyang asarin ang dalawa pero may punto ang mga ito. Baka niyan, may malaking ahas o piranha sa ilalim. Sa kulay pa ng tubig na parang wala ngang nabubuhay na isda sa ilalim. Creepy na creepy tingnan. Takte! Nadudumihan tuloy siya sa tubig. Kaagad silang lumangoy papalayo sa tubig. Sa kabilang bahagi sila ng gubat napunta. Kaniya-kaniya silang tanggal ng helmet sa kanilang ulo. Ginulo niya ang kaniyang buhok na basang-basa at napamura. Mabuti na lang at may dala siyang pamalit sa kaniyang waterproof bag. “May pamalit ba kayong dala?” “Meron!” sabay-sabay na sagot ng mga ito. “Good. pero hindi tayo rito magpapalit at baka biglang may lumabas sa ilalim ng tubig. Ano, aratz na!” Nagkukumahog naman silang umalis doon. Siya ang nauna sa mga ito pero ang totoo, hindi rin alam ni Percival saan sila pupunta. Puro kakahuyan lang ang kanilang nakikita. Walang mga bunga ang mga ito. Wala nga rin bulaklak. Ipupusta niya ang pustiso ni Perlita na under sa curse ang kagubatan na ito. “Saan ba tayo pupunta?” Mayamaya ay tanong ni Athena. Giniginaw na ito. At ang torpe niyang pinsan, kaagad na kumuha sa bag ng maliit na tuwalya at binigay sa babae. Ay wow! Boy scout talaga ‘tong pinsan niyang torpe pagdating sa crush nito. “Hindi ko rin alam. Basta dikit-dikit lang tayo. Hindi natin alam ang mundong ito.” “Teka-teka nga Percival, kanina ka pa nagsasabi na nasa ibang mundo tayo. Pakiliwanag nga at hanggang ngayon tangina kumakabog pa rin ang puso ko sa kaba!” umarte pa si Magnus na parang hinahabol sa takot. Palingon-lingon ito saka tumingin sa kaniya. “Takte pre! Ngayon lang ako nakakita ng malaking ibon at paniki. Hindi kaya patay na talaga tayo at ito ‘yong impyerno?” “Ay wow?” Sabay naman silang napagano’n sa kaibigan niyang exaggerated masyado magsalita. “Kung patay na tayo, malamang ikaw lang nasa impyerno. Kami nasa langit.” Binatukan niya ang kaibigan. “Sabi ko lang. Ano na, Percival! Magkwento ka at para alam  naman namin at hindi kami parang tanga na nalilito sa nangyayari sa paligid.” “Magnus is right!” Habang ang pinsan niya ay nagkibit lang ng balikat. Nag-unat naman siya ng kamay at tinaggal ang helmet sa ulo. Sandali siyang naghanap ng kahoy na masasandalan at nakakahapo rin maglakad nang maglakad sa gitna ng gubat na ito na parang haunted forest. Nagkaniya-kaniyang upo naman ang tatlo sa malalaking ugat. Handang-handa na makikinig sa sasabihin niya. Hindi nga lang niya alam kung maniniwala ang mga ito pero pasaan ba at mapapaniwala niya ang mga ito. Nasa Asticus sila pero ang tanong,  paano sila makakalabas? Walang may alam. Hindi niya rin ang sagot.  Kagwapuhan niya, oo. Alam na alam niya ito. Yeah! “Ganito kasi ‘yon. Asticus. Alam ko ang mundong ito dahil simple lang mga lods, nakikita ko ito palagi sa panaginip ito. Dati inisip kong normal na panaginip lang hanggang sa paulit-ulit ko na lang napapaginipan. Nagsimula ito nung nakaraan buwan lang at alam kong may pakana ito.” Nilabas niya mula sa bag ang kristal na efuanti. Pinaglaruan niya ito sa kamay. “Pamana ito ni Lolo sa ‘kin na pwede naman kay Reedrick sana. Ewan ko sa huklubang iyon.” Natawa siya. Hindi naman kasi talaga sila close ng aguelo niya kaya nagtataka siya at bakit sa kaniya nito iniwan ang kristal nung namatay ito limang buwan na ang nakaraan. “Oh tapos? Ano pa?” naiinip na tanong agad ni Magnus. “Hindi ka makahintay?” “Bagal, eh. May pasigway ka pa diyan, eh. Direct to the point na!” Sinamaan lang niya ng tingin ang kaibigan at muling nagkwento. “Hindi ko alam anong meron sa batong ito pero isa lang masasabi ko, ito ‘yong gumawa ng portal kung bakit tayo napunta rito. kung hindi, eh ‘di sana patay na tayo.” “Yeah sorry about that guys, ako ang may dahilan.” Napakamot naman ng ulo si Reedrick at sinisi ang sarili nito kung bakit sila nahulog lahat sa bangin. “Baka kailangan din natin ihulog si Reedrick sa bangin para gumana ‘yan at makabalik tayo?” Suhestyon naman ni Athena at napatingin sa pinsan niya. “I think it wont work. Tumalon tayo kanina. Iyan ang isa ko sa naisip pero walang portal na lumabas.” “Paano ngayon ito?” Nag-alalang tanong naman ni Magnus. “Tiyak na nag-aalala na mga magulang natin.” Napakamot naman si Percival sa ulo. Baka nga. Siguro sa mga oras na ito, hinahanap na silang apat. Iiyak na naman ang madramang Ina niyang si Perlita. “Wala tayong magawa kundi ang magpatuloy. Baka sa daan natin makikita ang sagot kung paano tayo makalabas.” “May punto rin si Percival.” Si Magnus ang sumagot. “Pero baka may misyon talaga tayo rito sa mundong ito kaya tayo napunta rito.” Sabay silang napatingin tatlo kay Reedrick. Napakunot-noo sila at naghihintay ng kasunod nitong sasabihin. Pwede rin, baka talaga sila napunta sa Asticus dahil mga power ranger sila. Natawa si Percival sa kalokohan naisip. “Hindi ba pansin niyo, sa mga netflix movies. ‘Pag napupunta sa ibang mundo, its either may mission silang gagawin doon o quest.” “Quest? Tulad nung sa Squid Game?” “Tanga! Nasa Korea lang ‘yon at hindi iyon quest, laro iyon!” Siya ang sumagot sa tanong ni Magnus. Natawa naman ang kaibigan niya at nagkibit ng balikat. “So, sige sabihin na natin na sa Asticus tayo at bago tayo makauwi sa ‘tin. Dapat may quest or mission muna tayong gawin? Ha?” Nalilitong tanong ni Athena. “Pwede! Tulad ng sa Jumanjji!” anas niya. “Right?!” Sabay-sabay silang sumang-ayon. Malaking posibilidad iyon kaya sila nandito sa lugar na ito without notice. Baka kailangan sila ng lugar na ito kaya niya ito napapaginipan at kaya parang lagi siyang tinatawag ng Santague Mountain. Oh yeah! Ito ang gusto niya. Challenging! Adventure! Nakakatakot na experienced. Yes yes. This is life! May totoong adventure maliban sa biking. “I’m in! kailangan natin magawa ang misyon na iyan para makabalik tayo sa mundo natin.” Napabuntong-hingan naman si Magnus at nagdadalawang isip si Athena. “I guess I don’t have a choice.” “Same here.” Si Athena na sinang-ayunan ang sinabi ni Magnus. “I’m in.” Ito naman ang sagot ni Reedrick. Napangisi si Percival at tinaas ang kamay sa ere saka nilagay sa gitna. “In?” “In!” Nilagay ng mga ito ang kamay sa ibabaw ng kamay niya at para silang isang team na susugod na. “Team cutie!” Sumama ang tingin niya kay Magnus. Anong team cutie? Hindi sila team cutie. Team Angas sila! Yeah. “Ano na ang hinihintay natin? Lakad na tayo at baka may makita tayong malapit na kabahayan. Imposibleng walang bahay ang mundong ito.” Kaagad na sumunod ito sa kaniyang sinabi. Nagsitayo ito mula sa pagkakaupo at nagsimula na silang maglakad para sa mahabang paglalakbay. Kung alam lang ni Percival na mangyayari ito sa totoong buhay, nagdala na sana siya ng isang malaking packbag na puno ng pagkain, lotion at pampagwapo set niya. Tsk! Paano pala ang skincare routine niya nito. Tangina naman, oo.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD