AWTOMATIKONG napabangon si Percival. Napahinga siya nang maluwang nang maisip niyang panaginip lang pala ang lahat. Natawa siya nang sapakin ni Magnus ang kaniyang batok. Napatingin siya sa kaibigan. Gano’n na lang ang gulat sa kaniyang mukha nang makita ito, pati si Athena at Reedrick ay nakita niya sa loob ng kaniyang silid.
Teka, teka! Silid? Tuluyan nagising ang kaniyang diwa nang makitang wala siya sa kaniyang silid. Nasa ibang lugar sila at hindi niya alam kung saan ito pero may idea na siya. Ayaw niya lang aminin! Napatingin siya sa kaniyang suot. Napahinga siya nang makitang walang napunit sa mamahalin biking outfit niya.
Pinagkaiba nga lang, hindi ito ‘yong disyerto na lugar na may humahabol sa kaniya lagi na lobo. Tapos bigla siyang tatalon sa tubig at doon siya magigising. Ngayon, nasa isang lugar sila na puro kakahuyan pa rin ang paligid pero hindi ito katulad ng mga kahoy sa totoong mundo.
Itim ang mga kahoy, pati mga dahon ay itim. Kahit ang mga halaman at d**o, itim. Pati mga bato ay kulay itim o kaya ay abuhin. Wala silang nakikitang ibang kulay kundi puro itim, puti at abuhin. Pwede na yatang gawin ‘tong
“Patay na ba tayo?” Si Athena ang naunang magtanong.
“Hindi panigurado. Hindi ito langit at mas lalong hindi ito impyerno. Lagi akong uma-aattend ng church service nung bata pa ako kaya alam ko ano histsura ng langit. Dapat may kumikinang na ginto, mga bato, malaking gate—”
“Asticus.”
“Ano?” Sabay na napalingon ang mga ito sa kaniya nang bigla niyang sabihin ang pangalan na iyon.
“Bakit kayo ganiyan kasama makatingin sa`kin?”
“Anong Asticus pinagsasabi mo?”
Natawa siya pero napakamot din agad sa ulo nung tanggalin niya ang kaniyang helmet na suot. Paano ba niya ipaliwanag sa mga ito ang nangyayaring kabalaghan ngayon araw? Ah teka, wala sa kaniya ang Efuanti, ah? Nabaling ang kaniyang tingin kay Reedrick na tahimik lang sa tabi. Hindi ito mapakali. Kinuha nito sa bag ang lagayan ng salamin nito at mabilis na sinuot ang salamin.
“Nasaan ang Efuanti?”
“Anong Efuanti?” Panabay na tanong ni Magnus at Athena. Puno ng katanungan ang mukha ng dalawa at gusto niyang matawa nang malakas pero hindi pwede. Baka mabugbog siya ng kaniyang baliw na kaibigan. May saltik pa naman ito! Pareho pala silang may saltik dalawa ni Magnus.
“Kristal. Batong itim.” Si Reedrick ang sumagot at inabot nito sa kaniya ang kristal.
Mabilis niya itong pinaikot-ikot sa kamay at kaagad na tinaas sa ere. Alam niyang ito ang may dahilan kung bakit sila napunta sa mundong ito. Ilang beses niya itong tinaas-taas sa ere at hinihintay na gumalaw ang kaniyang utak.
“Anong ginagawa mo? saan ba tayo? Wala tayo sa Santague Mountain. Ang huli kong naalala, nahulog tayo lahat dahil kay Reedrick.” Tumalim ang mata ni Athena kay Reedrick.
“Hindi ko naman sinabi na iligtas niyo ako.”
“Gago!” Sandaling tumigil ang kaniyang kamay. Sinapak niya sa ulo si Reedrick. Napaaray naman ito at nagtagpo ang kilay na tumingin sa kaniya. “Pinsan pa rin kita. Saka, dala mo pala ‘tong Efuanti. Ibig sabihin, nasa Asticus tayo kung hindi ako magkakamali. Ibang mundo ‘to—”
“Ibang mundo?!”
Nagtagpo ang kaniyang kilay. Kakasabi lang niyang nasa ibang mundo sila at hindi pa siya tapos magsalita, saka naman sumisingit ang mga hinayupak. Nagtaas siya ng kamay at binigyan ang mga ito ng tig-iisang dirty sign.
“Baka may balak kayong patapusin ako sa pagsasalita?”
Natawa naman si Magnus at nagkibit ng balikat si Athena habang si Reedrick ay tahimik pa rin at panay tingin sa paligid.
“Uulitin ko, nasa Asticus tayo.” Sabay laro niya sa kristal sa ere.
Nang sabihin niya ang katagang iyon, nagulat sila lahat nang may lumipad sa itaas. Mabilis niyang naitago sa loob ng bulsa ang Efuanti. Instinct. Ano ‘yon?! Gusto niyang magmura. Huwag naman sanang lumilipad ng lobo. Puta!
Pareho silang nakatingin sa itaas. Matataas ang mga puno kaya hindi nila nakikita kung malaking ibon ba ito o baka naman ay eroplano. Napangisi siya. Malay ba niya at may eroplano rito sa Asticus. Eh, ‘di mas okay iyon! Hindi na sila mahihirapan maglakbay sa lugar na ito.
Pero pareho silang natigilan nang makita nila ang isang uri ng ibon na lumapag sa malaking sanga ng isang kahoy. Mahalintulad nila ang laki nito sa isang malaking drum minus pa ang pakpak nito. Para itong isang uwak.
“Cool!” Kinuha niya ang cellphone sa bag at kinunan ng larawan ang naturang ibon. “Mga ‘pre, lapit! Groupie muna. Say cheese!” Sabay-sabay silang ngumiti sa harap ng kaniyang Iphone.
Nakatatlong shot lang sila nung nag-iba ang hitsura nung ibon. Ang mata nito ay nagkulay pula at nagsilabasan ang matatalim na kuku nito!
“Tangina, pre! M-mukhang kailangan natin tumakbo. Iba ang tingin sa`tin ng uwak, oh.” Si Magnus.
“Wait, kunan ko lang muna ng picture ‘to tapos post sa insta ko.” Kaagad naman na kumuha ng larawan si Athena rito. Nakuha pa nitong mag-selfie!
“Takte! Takbo!!!”
Ang lakas ng kaniyang boses at nagkumahog na tumakbo. Paano ba naman kasi, nauna na si Reedrick tumakbo papalayo. Sumunod din agad si Athena at Magnus. Sabay-sabay silang napasigaw nang habulin sila ng ibon! Mabilis niyang nailagay sa bag ang cellphone pati ang efuanti. Maiwan na ang lahat, huwag lang ang bag niyang pagkamah-mahal bilhin sa mall!
Takte! Takte!!! Ang laki pala ng uwak. Hindi pala ito kasinglaki ng drum, kasinglaki ito ng elepante sa Zoo! At hindi lang iyon, mukhang punterya sila nito. teka, kakainin ba sila ng ibon na ito? Malamang!
“Tangina! Ayuko pa mamatay!”
“Gago! Sino may sabi mamatay ka rito sa Asticus?”
“Takte ka, Percival! Hinahabol tayo ng malaking uwak na ngayon lang natin nakita.” Pasigaw na sagot ni Magnus. Kulang na lang batuhin siya nito ng Helmet nitong suot.
“Gago! Malamang. Kung ayaw mo mamatay, tumakbo ka!”
“Gusto ko ng umuwi!” Naiiyak naman na sigaw ni Athena.
“Dapa!” malakas naman na sigaw niya.
Mabuti na lang at mabilis silang nakadapa lahat. Muntikan silang nahagip sa kuku ng ibon. Hayop! Dapat hindi sila lumabas sa gubat na ito dahil mas mabilis silang makuha nito kung sa malawak na field sila tumakbo. Para lang silang langgam niyon at tiyak na patay sila! Inisip palang ni Percival na gano’n sitwasyon sila mamatay, napalunok siya ng sunod-sunod. Hindi pwede?!
“Ano ba ang nangyayari? Bakit tayo hinahabol ng malaking ibon? Balak pa yata tayong kainin. Takteng ‘yan!”
“Hindi ko rin alam. Takbo ulit!”
Kaagad silang kumilos at tumakbo papalayo mula sa malaking ibon. Mabuti na lamang at maraming mga punong-kahoy, hindi sila kaagad nakukuha nito. mabuti na lang at may nakita silang parang kweba. Kasya lang sila roon kung sakaling doon sila pumasok at magtago.
Kaagad niyang tinuro sa mga kasamahan ang kweba sa unahan. Sa itaas ng kweba at mga puno. “Doon, magtago tayo roon.”
“Baka may ibon din diyan!” Si Reedrick naman na nagdadalawang isip sa kaniyang sinabi.
“Sige, makipaghabulan ka sa ibon na iyan. Tara na!”
Walang magawa ang mga ito kundi ang sumunod sa kaniyang gusto. Siya pa rin ang leader kaya kung gusto ng mga ito na lumabas sila ng buhay, dapat na sumunod ang mga ito sa kaniya dahil siya lang ang may alam kung paano.
Teka, hindi niya rin pala alam!
“Pasok!” Pinauna niyang papasukin ang mga ito saka siya sumunod.
Hooh! Muntikan sila ro’n, ah. Mabuti at hindi na sila inatake ng malaking ibon, lumipad na ito papalayo nung nasa b****a sila ng kweba at nagtago agad sa mga batuhan na naglalakihan do’n.
“Ah guys?” Boses ni Athena ito na halatang natatakot.
“Bakit?” Mabilis sila lumingon dito.
Nakita niyang nakatingin ito sa isang deriksyon at bukas ang flashlight ng helmet nito sa ulo. Napasunod ang kanilang tingin sa deriksyon na tinitingnan nito at lahat sila napalunok ng laway!
“Walang gagalaw…”
Abot-abot ang hininga nila. Paano ba naman kasi, kung kanina ay hinahabol sila ng malaking itim na ibon. Ngayon, ay nakita nila ang mga naglalakihang paniki na natutulog. Kasinglaki ito ng mga kambing!
Puta!
“Dahan-dahan…” pabulong na anas niya, “Patawayin mo na rin ang flashlight mo, Athena.”
Nagkumahog naman na sinunod ni Athena ng kaniyang sinabi pero may pag-iingat pa rin. Gusto niya tuloy tanungin ang sarili kung bakit ganito ang mundo ng Asticus!