Vaughn “Kuya Vaughn!” Kunot noo akong napatingin sa mga kapatid ko. Mainit na mainit ang ulo ko ngayon. Bumeso sila sa akin kahit na halata namang wala talaga ako sa mood. “Condolence sayo kuya,” usal ni Anastasia. Napasapo nalang si Elysha sa noo niya dahil napakahilig mang asar nitong bunso nila. “Hindi nila kami mapipigilan ni Fenich. Hinding hindi ako magpapakasal sa Leslie na yan,” sagot ko na galit pa rin. “Well alam mo na ang kailangan mong gawin kuya. Just run away with her. Yun lang naman ang tamang paraan,” wika ni Anastasi “Hindi muna sa ngayon Sia. Hindi kami dapat magpadalos dalos ni Fenich dahil mapapahamak siya,” sagot ko. “That’s right kuya. Mag isip muna kayo ng plano,” sabi nito sa akin. “Sige na maiwan ko na kayo may kukunin lang ako.” paalam ko sa kanila

