Pagkatapos ng surprise proposal sa akin ni Vaughn ay umupo muna kami sa isang bench na nandun lang rin sa garden. "Love, anong oras na, baka hinahanap ka na sa inyo," sabi ko habang nakatingin pa rin sa singsing na nasa kamay ko. "Mag iisang oras ka ng nakatingin sa engagement ring mo ah." Nakangiting sabi nito. He reached for my hand and held it tight. "Pake mo ba eh sa masaya ako ngayon eh," sagot ko. "Don't worry love dadagdagan ko pa yan. Wedding ring na ang kasunod," he said full of hope. Hihintayin ko ang araw na yan Vaughn. Sana sa darating na panahon ay matatanggap tayo ng mga magulang mo. "Sabi mo yan ah, mag aantay talaga ako." Nakangiting sagot ko sa kaniya. "Kuya! Andyan ka lang pala eh!" Napatingin kami sa likod nang makita namin si Anastasia na hinihingal na

