Three

2088 Words
Fenich Maswerte kami dahil naabutan namin ang first trip ng bus. Alas otso palang ng umaga kaya hindi pa masyadong mainit. Umupo kami sa pandalawahang upuan sa bus at nakapwesto ako sa may bintana. "You can sleep now love," usal sa akin ni Vaughn and he offered me to sleep in his shoulders. I sighed. Uuwi na kami. Uuwi na kami and it means hindi na naman namin malayang makikita ang isa't isa. "Why do you look so sad love?" Nag aalalang tanong nito. "Nah it's nothing. Medyo nalungkot lang ako kasi uuwi na tayo, kapag uuwi na tayo balik na naman tayo sa dati nating set up na tago tago," I answered him. "I'm really sorry if I'm making this hard for you, for us. Sabi ko naman diba we can just tell them or we can just run away. The choice is yours Fenich just tell me what to do," bulong niya at hinalikan ako sa ulo. "You know that those choices are too risky. Wala pa rin tayong kawala sa parents mo kahit na saang lupalop pa tayo magpunta mahahanap at mahahanap pa rin nila tayo." I honestly said. "Napapagod kana ba sa ganitong set up love?" May halong kaba na tanong niya. "Tsk ngayon pa talaga Vaughn? Four years na tayo tapos ngayon pa ako mapapagod? No way! Masyado kitang mahal okay?" Nakangiting sabi ko sa kaniya at mahinang kinurot ang pisngi niya. "Hahaha of course, I'm so handsome at kahit sino naman hindi mapapagod pag ako yung naging boyfriend nila." He proudly said and then winked at me. "Tsk masyadong confident amp." Pang aasar ko sa kaniya. "Mahal na mahal talaga ako ng girlfriend ko." Mahinang bulong niya. Bumalik na ko sa pagsandal sa balikat niya. Sana nga pwedeng mahinto yung oras para mas tumagal yung panahon na magkasama kami. Mahirap rin naman kasi para sakin at para sa kaniya ang ganito. Madalas may mga oras na kailangan namin ang isa't isa pero hindi kami pwedeng magkita. Nakakainggit nga yung ibang mag jowa kasi kahit kelan nila gusto, pwede nilang mayakap at mahawakan ang isa't isa. "Love, tulog ka na ba?" Mas pinili kong hindi sumagot sa kaniya kahit na gising ako dahil gusto kong marinig ang mga susunod niyang sasabihin. He starts playing with my hair. He often smell it and kiss it afterwards and it's sending butterflies to my stomach. "I know this is hard for the both of us but let's hang in there my love okay? Konting konti nalang ay ga-graduate na tayo. It's just two weeks left right? Pagkatapos nun malaya na ako. I'm already planning to buy a house for us away from the city." Nanlaki ang mata ko at agad akong napatingin sa kaniya. "Oh akala ko ba tulog ka?" Gulat na sambit nito. "I was trying to sleep pero masyadong nakakabigla yung pinagsasasabi mo. Anong bahay ang sinasabi mo ha?" Tanong ko sa kaniya. "You heard it. Gusto mo bang ulitin ko?" Nanunuksong wika nito. "I know. I heard it loud and clear Vaughn pero bakit?" Naguguluhang tanong ko. "Anong bakit? Are you really asking me that? Of course I wanna settle down with you Fenich that's why I'm already planning for our future." Seryosong usal nito. "Without your parents knowing? Without their approval?" Sabi ko. "Who cares about their approval? Love ikaw lang yung gusto kong makasama. After we graduate pwede na akong umalis sa bahay. Yun lang naman ang hinihintay natin diba? Ayaw mo ba nun? That's all we wanted, we'll finally have our freedom kasi malaya na ako. It makes me feel bad kasi sa loob ng four years ikaw lang ang palaging nag a-adjust." Frustrated na sabi nito. "Nag a-adjust ka rin naman eh. Parehas lang din naman tayong nahihirapan." Mahinang bulong ko. He guided my head to his shoulders and starts to play with my hair again. "I can surrender and sacrifice everything just to be with you Fenich. All those golds and riches meant nothing to me without you." Kung sana lang ay naging selfish rin ako ay hindi na ako magdadalawang isip na pumayag sa gusto ni Vaughn. Mahal na mahal ko rin naman ang lalaking to dahil siya nalang ang meron ako ngayon. My parents we're long gone since I was a kid at nakatira lang ako sa tiyahin ko. Nasanay na ako sa boring kong buhay dati not until Vaughn came into my life. Nung una ayokong mag risk dahil iniisip ko na iiwan niya rin ako sa future but Vaughn never made me think about that nung naging kami na. He always gives me the assurance that I needed. Walang nagbago sa sweetness niya at sa intensity ng pagmamahal niya sa akin at sapat na yun para patunayan na mahal na mahal nga ako ni Vaughn. "Wala na akong pwedeng i-surrender para sayo Vaughn. I grew up not having a pair of parents to guide me, hindi rin naman ako mayaman at wala akong maipagmamalaki. Wala na akong pwedeng isuko because I don't have anything to start with in the first place kaya hindi na mahirap sa akin na sumama sayo since you're the only one left for me." Madamdaming sambit ko sa kanya habang nilalaro ang isa niyang kamay. "Yan naman pala eh, why do still have those second thoughts? Alam mo namang we can start on our own diba?" Tanong nito. "Dahil magkaiba tayo Vaughn. Madali lang para sakin dahil wala namang mawawala sakin kapag sumama sako sayo, pati puso, isip, at katawan ko nabigay ko na sayo pero ikaw, mawawalan ka ng pera, mana, bahay, pamilya, at magulang kapag sasama ka sa akin. Pati pangalan mo Vaughn masisira." Paliwanag ko sa kaniya. Sinadya kong palambingin ang boses ko dahil alam kong iinit na naman ang ulo ni Vaughn. Ayaw niya kasing komontra ako sa mga ganitong bagay. "All of them are worth losing if ikaw naman ang magiging kapalit Fenich please bakit mo ba ako pinapahirapan love?" Sumakit ang dibdib ko nang marinig siyang pumiyok. "I've been dying to stay close to you too Vaughn. Pero hindi ko lang talaga makuhang maging selfish sa mga bagay na to. Alam kong hindi mo kayang talikuran ang pamilya mo lalo na ang mga kapatid mo. I know how much you love your sisters at ayokong ilayo ka sa kanila," sagot ko. "They will understand love. Botong boto naman sayo ang mga kapatid ko so you don't have to worry about them. Maiintindihan nila ako at isa pa, makikita ko pa naman sila eh," wika nito. Ayaw talaga magpatalo ng kumag na to sa mga ganitong bagay. "Eh pano ka mamumuhay niyan ha? Back to zero ka at wala kang makukuha ni isang sentimo. Alam kong gagawin ng parents mo ang lahat para bumalik ka lang sa kanila Vaughn. At ayokong maranasan mo ang ganung hirap." Pinisil pisil ko pa ang kamay niya habang pinapaliwanag iyon. "Of course I can start with nothing as long s I have you Fenich. Papautangin naman ako ng mga kaibigan mo and I believe that my credentials will give me a great opportunity in business. Maniwala ka lang sakin please?" Pagsusumamo nito. "Eh pano na yung mga future kids natin? Ayokong lumaki sila na kinamumuhian ng lolo at lola nila," sambit ko habang nakatingin sa mga mata niya. Bigla namang nagliwanag ang mukha ng mokong na to. Parang wala lang nangyari ah! "Oh ba't pangiti ngiti kana dyan?" Nagtatakang tanong ko. Minsan talaga nagiging bipolar tong kumag na to eh. "So you're thinking of having a baby with me ganun ba? Ikaw ah advance ka mag isip." Pang aasar niya sa akin. I rolled my eyes while trying to hold back my laughter. "Hindi naman kasi ganun yung ibig kong sabihin eh! Ikaw talaga kung ano ano na naman yang iniisip mo ah!" Saway ko sa kaniya. "What? You clearly said 'future kids' so you like babies? As in madami?" Nanunuksong sambit niya sa akin. "Whatever Vaughn." Natatawang sagot ko sa kaniya. "Just tell me love, we can definitely make love inside the bus," usal nito at nag wink pa sakin. Baliw talaga tong lalaking to! Kung ano ano yung iniisip pati ba naman sa bus? "Shut up ka nga Vaughn baka marinig tayo ng iba dyan! Ikaw talaga!" Bulong ko sa kaniya. He just laughed and offered his shoulder again and I gladly laid my head on top of it. "Basta love wag mo akong hiwalayan ah?" Sumakit yung dibdib ko sa pakiusap na yun. Sa totoo lang ay palagi kong hinahanda ang sarili ko sa kahit na ano mang posibleng mangyari. Minsan naiisip ko na pano pala kapag isang araw bigla nalang malaman ng mga magulang ni Vaughn ang relasyon namin at sapilitan nilang ilayo si Vaughn? O baka naman bigla nalang akong sumbatan ng mommy niya ang bigyan ng magkambal na sampal? What if she'll bribe me with thousands and millions of money just to stay away from her son? Hindi ko maisip kung paano ako magsisimula kung wala si Vaughn. He is my safest place, my comfort zone, at siya lang yung naging kakampi ko. I can't imagine how bland and bitter my life would ve without him. "Love? Hindi ka ba sasagot?" Nabalik sa kaniya yung attensyon ko nang magsalita siya muli. "O-oo naman, bakit naman kita hihiwalayan," sagot ko. "That's good. Kasi kapag iiwan mo ako, gagawin kong miserable yung buhay ko." Wala sa sariling sagot niya. "Bakit mo naman gagawin yun? Alam mo namang hindi ko magugustuhan yun diba?" Nalulungkot na sabi ko sa kaniya. "Kaya ko nga gagawin yun eh. Para makita mo how miserable I am if you're not mine, or if you're not with me. At dahil ayaw mo yung mangyari syempre hindi mo ako iiwan kasi hindi mo naman ako matitiis diba?" Parang batang usal niya. "Ang taas talaga ng confidence! Sure na sure siyang hindi ko siya iiwan oh." Pang aasar ko sa kaniya. "Oo naman. Malakas ako sa girlfriend ko eh," sagot niya at mahinang kinurot ang ilong ko. I hugged one of his arm and tried to close my eyes. "Bakit ba ako yung nagustuhan mo Vaughn?" Sa loob ng apat na taon ng pagiging girlfriend ni Vaughn ay ngayon ko lang naisipang itanong yan sa kaniya. "I hope you won't be disappointed sa sagot ko." Nagdadalawang isip na sambit nito. Umayos naman ako ng upo at tumingin sa kaniya. "No I won't. Just tell me the reason." Nakangiting wika ko sa kaniya. "I really don't have an answer to that Fenich. I just woke up one day wanting every pieces of your soul. Para akong mamamatay kapag hindi ka naging akin. You were that one girl na sobrang tahimik and I never saw you na naghabol sa akin when all those other girls are willing to open their legs for me. At that moment I knew that you we're the one." Nangilid ang luha ko sa sinabi niya. That's the purest answer I've heard all my life! Well si Vaughn palang din naman ang naging boyfriend ko eh. At gusto ko siya na rin ang huli. Bumalik ako sa pagkakahiga sa balikat niya para di niya makita ang luha ko. "Eh ikaw, bakit mo ako sinagot?" Tanong nito sa akin. "H-hindi ko rin alam eh." Panimula ko. "I grew up not having parents, lumaki akong independent at ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang makipag boyfriend. Alam mo yung feeling na para bang bumabangon nalang ako palagi and do the same routine. But it all changed when you came. You put a little fun and excitement in my life. You made me feel na it's okay to have someone to lean on kasi honestly sarili ko lang palagi yung nandyan para sakin at minsan nakakapagod narin." Humihikbing sagot ko sa kaniya. He didn't answered and he just rubbed my back to confort me. "I was lost and then you came running towards me and finally I was found. Natatakot ako baka kapag nawala ka mawala na rin yung kulay sa buhay ko Vaughn. Kung sana lang lumaki ako sa mayamang pamilya baka matanggap pa tayo ng mga magulang mo and we no longer need to hide from them." Umiyak na talaga ako nang sabihin ko yun sa kaniya. "Shhh stop crying love please. Pinapasakit mo yung puso ko. It's not your fault okay? We will make everything para matanggap nila tayo okay? We will end up together I promise." Sana nga Vaughn. Sana nga ikaw na talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD