Fenich
Tanghali na nang makarating na kami ulit sa syudad. Pinalabas na muna namin lahat ng pasahero sa loob ng bus.
Matapos ang madamdaming pag uusap namin kanina ni Vaughn ay nakatulog ako dala narin ng pagod na ginawa namin kagabi.
"We're here." Malungkot na sabi ni Vaughn.
"I know. Hindi na naman tayo basta bastang makakapag date," usal ko.
"It's okay love. We can find a way okay?" Kumbinse nito sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya bago sumagot.
"I can wait for you naman. And we can see each other inside the university and that's enough for me," sagot ko.
"Sapat na yun para sayo?" Tanong nito.
"Ang alin love?" Tanong ko rin.
"Ang makita ako sa loob ng campus?" Usal niya.
"Oo naman! Kesa naman sa hindi kita makita noh," sagot ko sa kaniya.
"Bakit mo natanong?" Dugtong ko pa.
"Eh ako nga halos masakal na ako sa sobrang pag pipigil na yakapin at halikan ka sa twing nakikita kita sa campus! Andaya naman kung sapat na sayo ang makita ako." Nagtatampong sambit nito.
Sometimes I still find Vaughn so fascinating. Kung gano siya ka clingy nung bago palang naging kami, ganun pa rin siya hanggang ngayon. He never changed at all. The great intensity of his love for me is still the same.
I am so lucky to own this man.
"Syempre hindi! Gusto rin kaya kitang yakapin at i-kiss sa twing nagkikita tayo. Gusto ko ngang sapakin yung mga girls na nagpapapansin sayo eh! Pero wala naman tayong magagawa eh alangan namang harap harapan tayong magharutan," sagot ko sa kaniya.
He finally showed his cute cheeky smile after I said those words.
"Oohh masyado namang jelly fish tong girlfriend ko, ang bilis mag selos." Pang aasar niya sa akin.
"Kwits lang tayo kasi gusto ko ring sapakin yung mga lalaking nagpapansin sayo." Dugtong niya pa kaya bahagya akong natawa.
"Tsk wala nga akong napapansin eh," sabi ko.
"Mas okay na yan. Wag mo na sila pansinin kasi wala pa sila sa kalingkingan ng kagwapuhan ko okay?" Confident na sabi nito.
"Oo na. Oo na po Mr. Carter, you have my full attention now okay? Don't worry hindi na kita papalitan." Nakangiting sagot ko.
He playfully brushed my hair.
"Bukas nga pala love mag classmates tayo sa isang subject," usal ko sa kaniya.
"Yeah I know. Tabi tayo ng upuan bukas okay?" Sambit nito.
"Tsk you'll just distract me Vaughn," sambit ko. Kunwari ayaw ko syang katabi.
"What?! Eh hindi nga tayo nagpapansinan sa loob ng room eh." Malungkot na sagot nito.
"Sino ba naman kasing hindi madi-distract kung kasing gwapo mo yung katabi ko." Banat ko sa kaniya.
"Hahaha wag mo naman ipahalata sakin na patay na patay ka sakin love." Nakahawak pa siya sa tyan niya habang tumatawa.
"Whatever hahaha basta hanap nalang tayo ng paraan bukas para magkatabi tayo ng upuan," sabi ko.
"I think we can go on a date tomorrow love," sabi niya.
"At pano mo naman nasabi yan ah?"
"Two weeks nalang yung klase at tapos na rin naman ang exams, yung natirang two weeks para nalang yun sa mga students na hindi pa nakapag comply," wika niya.
Sabagay tama rin naman siya. Napangiti ako nang maalala ko na si Vaughn pala ang Suma c*m Laude ng batch namin ngayon.
I was blessed to have a smart and gentle boyfriend. Sino pa ba naman ang magsasayang kung perfect package na ang magiging boyfriend mo.
"Why are you smiling?" Tanong nito.
"I just remembered that you're the Suma c*m Laude love. I'm so proud of you," sambit ko sa kaniya.
"Congrats din sayo Ms. Magna c*m Laude," sagot niya na ikinangiti ko rin.
Both of us will graduate with flying colors. Aba dapat ko talagang i-maintain yung ganung grades kung ayaw kong matanggalan ng scholarship.
"Maam, sir, wala ho ba kayong planong bumaba?"
Sabay kaming napatingin kay manong konduktor nang sabihin niya iyon. Saka lang namin napansin na wala na palang tao sa loob ng bus!
"Ay sorry pi bababa na po kami." Paumanhin ko at dali daling tumayo at kinuha ang mga bag namin. Ganun rin ang ginawa ni Vaughn.
"Tsk aral nga kasi muna mga hijo, hija," usal nung konduktor.
"Excuse me, we will be graduating two weeks from now and we'll both graduate with flying colors. Hindi mo ba alam sir na Magna at Summa c*m Laude kaming dalawa?"
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin yun ni Vaughn. Naiwang speechless yung konduktor. Baliw talaga to!
"Oy ano ka ba! Halika na nga," sambit ko at hinila pa siya.
"Manong sorry po talaga bababa na kami." Paumanhin ko.
Hindi na rin nagsalita si Vaughn at nagpahatak na sa akin hanggang sa makalabas na kami ng bus.
"Ano ka ba bakit mo ginawa yun!" Sermon ko sa kaniya nang tuluyan na kaming makalabas.
"It's his fault. Wala siyang karapatan to judge us." Masungit na sagot nito.
"Kahit na hindi mo nalang sana sinabi yun." Malambing na wika ko sa kaniya.
"I'm just trying to show off love. Ayaw mo nun, nalaman niyang Magna c*m Laude ka hahaha."
I rolled my eyes while laughing at what he said. Minsan talaga bipolar tong kumag na to eh.
"Yun naman pala eh! Hahaha!"
"Wow ang saya naman ng mag lovers na yan. Kanina pa ako nag aantay sa inyo oh!"
Sabay kaming napatingin ni Vaughn kay Claude, yung kaibigan niya.
"Dude! There you are." Bati sa kaniya ni Vaughn.
"Kanina pa nakahinto yung bus pero bakit ngayon lang kayo bumaba? May ginawa kayong milagro noh?!" Claude suspiciously asked which made my cheeks turn red.
"Shut up Claude! You're making my girl uncomfortable. Wala kaming ginawa okay? Sinulit lang namin yung natitirang oras," sagot sa kaniya ni Vaughn.
"Fine! Fine! Hi there Fenich you look stunning, hindi ka ba pinahirapan ni Vaughn sa vacation niyo?" Tanong sa akin ni Vaughn.
"I know my girl is beautiful but you don't need to compliment her dude." Naiinis na usal ni Vaughn at bahagya pang tinulak si Claude.
"Ohh chill bro kalma wala naman akong ginagawang masama, stop overreacting hahaha,"sagot ni Claude.
"Okay lang ako Claude, salamat talaga sa tulong mo." Nahihiyang pasalamat ko sa kaniya.
Si Claude lang talaga yung kaibigan ni Vaughn na palaging tumutulong sa amin lara lusutan ang mga magulang niya.
"No problem guys. Nakakainggit nga kayo eh, kailan kaya ako magkakaroon ng ka lovey dovey." Malungkot ang tono ng pananalita nito.
"Hahahaha baka single kana forever dude." Pang aasar sa kaniya ni Vaughn.
"Shut up Carter! Halina na nga kayo at ihahatid ko pa kayo!"
"Hala sasakay nalang ako ng jeep wag niyo na akong ihahatid nakakahiya!" Sambit ko.
Vaughn looked at me and shooting daggers to my eyes. Napakamainitin talagang ulo ng mokong na to!
"Uh oh, I guess that's not a good idea Fenich," wika ni Claude.
Nagbuntong hininga nalang ako at hinawakan siya sa kamay.
"Fine tara na." Sumusukong usal ko at agad namang ngumiti si Vaughn.
Bipolar amp.
Claude lead the way at sumunod lang kami sa kaniya. He lead us to his ferari na nakapark sa isang parte ng bus terminal.
Habang nasa byahe ay wala ng ibang ginawa si Vaughn kundi ang maging clingy sa akin at si Claude naman ay inis na inis.
"My God Vaughn please stop that dude it's so gross!" Napipikon na sambit ni Claude habang nakatingin sa rear view mirror.
"You shut up Claude wag mo akong istorbohin at wag na wag mo akong idamay sa pagiging bitter mo!" Sagot sa kaniya ni Vaughn.
Nag make face lang si Claude kaya natawa kami sa kaniya.
"Uuwi kana ba after this love?" Tanong ko kay Vaughn na nakahiga sa mga balikat ko at nakayakap sa bewang ko.
"Oo love wala na rin kasi akong gagawin eh, magpapasama muna ako kay Claude para kunyari totoo talagang nag boys night out kami," sagot niya.
Mas okay sana kung wala yung mga magulang ni Vaughn kasi hindi siya mahihirapang magpalusot pero sabi niya na umuwi daw yung mga magulang niya ng maaga para daw sa nalalapit na graduation niya kaya medyo doble ingat kami ngayon.
"Claude dyan mo nalang ako ibaba, magtataka yung mga kapit bahah kapag bababa ako sa ganito kagarang kotse baka ichismis na may sugar daddy ako hahaha." Pakiusap ko may Claude.
"Tsk napaka gwapong sugar daddy naman ni Vaughn Fenich hahaha!" Usal nito.
Hininto ni Claude sa eskinita yung sasakyan. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Vaughn sa akin.
"Love? Sige na it's time to go home na." Malambing na sambit ko sa kaniya.
"C'mon dude don't be such a baby! Magkikita naman kayo bukas sa campus don't act like Fenich is going abroad!" Pang aasar ni Claude.
"Claude can you get outside for a while? Mag uusap lang kami saglit." Pakiusap ni Vaughn.
"Wow! Ako pa talaga ang papalabasin mo Carter? Sa sariling kotse ko pa talaga?!"
Natawa ako sa kanilang dalawa. Bagay nga silang mag best friend dahil parehas silang timang.
Claude sighed in defeat and quickly got out kf his own car.
"I'm gonna miss you my love," he whispered in my ears in such a sweet tone.
"Magde-date naman tayo bukas diba?" Tanong ko sa kaniya.
"Of course, see you tomorrow sa school love," he said at kissed my forehead.
"Hindi mo ba ako iki-kiss sa lips?" Paglalambing ko.
"Of course I will."
*Tsup*
He gave me a smack at nakahinga ako ng maluwag dun. I thought he'll deepen the kiss pero buti nalang at hindi baka gumawa na rin kami ng milagro dito.
"Tara na?" Aya ko sa kaniya.
He helped me get out of the car.
"Wow akala ko maabutan ako ng isang oras dito sa labas eh!" Maktol ni Claude.
"Thank you talaga sa tulong mo Claude sana makabawi na ako sayo next time." Nahihiyang pasasalamat ko sa kaniya.
"Don't mention it Fenich, both of you guys are my friends so it's my pleasure to help you," sagot nito.
"Aalis na ako love, make sure to eat pag uwi mo ah?" Bilin ko sa kaniya.
He smiled at nodded.
I mouthed I love you at him and waved my hand and he did the same.
Nagsimula na akong maglakad pauwi at umalis na rin sina Claude at Vaughn sakay ang ferari niya.
"Andito na po ako," sambit ko pagkapasok ko sa bahay ng tiyahin ko.
"Wow umuwi ka pa talaga?!"
Nagulat ako sa sigaw ng pinsan kong si Clarisse.
"Asan si auntie?" Tanong ko sa kaniya.
Clarisse is my mortal enemy. Kung hindi ko lang talaga to pinsan at kung hindi lang talaga ako nakikitira sa kanila, malaman matagal ko ng nakalbo to.
"Oh Fenich ba't umuwi ka pa?" Sambit ni auntie na kakalabas lang mula sa kusina.
"A-auntie nagpaalam naman ako sayo na may pupuntahan ako seminar diba?" Kinakabahang usal ko.
Alam kong nagsinungaling ako na seminar ang pupuntahan ko pero nagpaalam pa rin naman ako na aalis ako ng ilang araw eh!
"May pera ka ba dyan? Hindi pa ako nakakapagbayad sa utang kay aling Pasing," sambit nito.
"Po? Eh wala na po akong pera eh, hindi na po ako nagtu-tutor kasi patapos na po yung pasukan sorry po. Diba nagbigay na ako sa inyo last week? Akala ko po ba pinangbayad niyo na yun." Mahinang sagot ko sa kaniya.
"Aba ang lakas ng loob mong kwentahin yung mga binigay mo sakin ah! Pinangsugal ko yun bakit may magagawa ka ba?" Galit na sagot nito sa akin.
Wow kasalanan ko pa talagang di siya nakabayad ah? Eh pinangsugal niya lang naman yung binigay ko sa kaniya.
"Auntie wala na talaga akong pera eh," wika ko.
"Sus madamot ka lang talaga! Kung ako sayo ma, palayasin mo nalang yan wala rin naman yang kwenta dito dadagdag lang yan sa papakainin mo."
I glared at Clarisse. Ginagatungan niya pa talaga yung nanay niya! Parehas talaga silang masasama ang ugali!
"Alam mo tama si Clarisse eh. Halika ka nga dito!" Sigaw niya ang hinablot ang buhok ko.
"Aray auntie! Auntie! Ang sakit po ah!" Daing ko. Masyadong malakas ang pagkakahila niya sa buhok ko kaya nasasaktan ako.
Hinila niya ako papunta sa maliit kong kwarto at tinulak sa kama.
"Mag impake kana! Pinapalayas na kita sa pamamahay ko!"