Mark's Pov Pag labas ko ng kwarto namin ni Hana, tumingin ako sa kanya na nag papatuyo pa din ng buhok habang sinusuklayan niya iyon. Napatingin naman ako sa mga lalaki na nakatingin sa kanya. Kaya naman humarang ako sa tinitignan nila at buti nalang madali silang makahalata sa akin. Napatingin naman sila sa akin. "Mag uusap na." Seryoso kong sabi sabay lumapit naman sila sa akin. "Nasaan na iyong mapa?" Tanong ko kay Mac. "Andito," sabi naman ni Leo at binigay niya sa akin iyon. Nilatag ko siya sa lamesa dito sa gitna. "Mag uusap na?" Biglang sumingit si Hana sa akin sabay ngumiti siya. "Oo kaya dito ka na sa tabi ko," sabi ko sa kanya sabay pumasok naman siya at nandito siya sa harapan ko. Tumibok tuloy ng mabilis iyong puso ko kasi nababangga ng pwet niya iyong maselan na parte k

