Kabanata 21

2531 Words
Hana's Pov "Anong pinag usapan niyo ng Reyna at Hari?" Tanong ko kay Mark habang umiinom ako ng tubig dahil tapos na akong kumain. "Pinapapunta ako sa Aisnworth Palace para tumulong doon sa labanan," sabi niya sa akin at nagulat naman ako. Ibig sabihin ba nito aalis siya? "Ibig sabihin ba nito aalis ka? Kailan ka makakabalik?" Tanong ko sa kanya bigla naman siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko. "Ngayon na ako aalis at kasama ka." Pag kasabi niya niyon lalo akong nagulat. "Totoo ba iyang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya at tumango tango naman siya kaya naman napasigaw ako sa sobrang excited ko. "Edi mag iimpake na pala ako? Saglit!" sabi ko sa kanya sabay nag hanap ako ng pag lalagyan ko ng mga damit ko. "Hayaan mo na iyong mga katulong na sila iyong mag ayos niyan." Narinig ko naman na sinabi ni Mark kaya naman napahinto ako. "Talaga? Sige mag bihis na ako," sabi ko sa kanya pero pinigilan niya ulit ako. "Okay na iyang suot mo mag armor ka nalang," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako sabay tumango. "Ikaw din dapat nakaarmor," sabi ko sa kanya. "Mag aarmor naman talaga ako samahan mo ako sa Sword Room nandoon kasi," sabi niya sa akin kaya naman pag tapos kong suotin armor ko sumunod na ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya habang nag lalakad kami papuntang Sword Armor. Nakarating na kami at agad pumasok si Mark sinuot niya agad iyon at inayos niya pa ang buhok niya. Napakagwapo niya talaga ang sarap niyang titigan. "Nakatitig ka na naman sa akin." Nagulat ako dahil nasa harapan ko na pala mismo si Mark at tinignan niya ako. "Bawal ka ba titigan? Atsaka boyfriend naman kita," sabi ko sa kanya sabay napangiti siya sa akin at nagulat akong halikan niya ako. "Tara na." Pag sabi niya niyon tumibok ng mabilis ang puso ko. Pag labas namin nakita ko iyong karwahe namin na nilalagay na iyong mga gamit namin doon. Nag pasalamat naman si Mark at inalalayan niya ako makaakyat sabay pumasok ako sa loob. "Young Majesty, ito na po iyong Long Bow at Sword na pinakuha niyo po." Narinig ko iyong sinabi ng isang katulong at nagulat ako ng ibigay sa akin iyong Long Bow. "Kailangan mo 'to kaya pinadala ko na," sabi niya sa akin at tinitignan ko naman ang Sword. "Bakit mo pinadala? Meron naman siguro sila doon na mga sandata hindi ba?" Tanong ko sa kanya. "Kaya ko pinadala dahil para isipin mo nasa pag sasanay ka pa din," sabi niya sa akin at nanlaki ang mga mata ko. "Ganoon ba? Sige ikaw nag sabi niyan," sabi ko sa kanya sabay nanahimik nalang at tumingin ako sa labas. Naramdaman kong hinawakan ni Mark ang kamay ko kaya naman napangiti ako. Lumipas ng ilang oras nasa biyahe pa din kami narinig kong humihilik si Mark kaya naman natawa ako. "Kung dala ko lang sana iyong phone ko edi sana na record ko na lahat." Bulong ko sa sarili ko at napatitig ako sa kanya. Maya maya may nakita ako na barko pero ibang barko nakikita ko. Pang pirata 'to ah?! Kaya naman ginising ko si Mark noong huminto ang karwahe at pag labas namin nandoon ang apat na mag kakapatid na Ainsworth nakasuot din ng armor. "Hey! Hindi namin alam na kasama mo si Hana!" Narinig ko na nag salita si Mac. "Hello hindi ko din inaakala na makakasama ako," sabi ko sabay ngumiti at nagulat ako na may mga gamit silang dala. "Mag sisimula na ba agad?" Tanong ko biglang naging seryoso naman si Mark. "Hindi pa pero kailangan na natin kumilos," sabi niya sa akin at nag lakad naman siya ng mabilis kaya naman kinuha ko mga gamit ko. Ang bilis nilang mag lakad hindi ko pa nasasanay masyado iyong mag lakad ng mabilis. Oo nga pala kapag ganito na labanan, seryoso si Mark at wala siyang paki kung mabagal ako o hindi. Napatingin ulit ako sa barko na sasakyan namin at habang umaakyat ang mga Ainsworth napahinto si Mark at napalingon sa akin. "Bilisan mo," sabi niya kaya naman agad akong umakyat papasok ng barko at puro lalaki ang nandito kaya naman nahihiya ako. "Kamusta ka Mark! Ang tagal mong hindi nakasama sa mga labanan ha?" May narinig ako na boses medyo matanda at pag lingon ko isang lalaki na matangkad at nakasuot ito ng medyo sira na damit. "Pirata ba 'to?" Tanong ko sa Ainsworth. "Oo siya iyong Ama namin." Nagulat ako sa sinabi ni Leo kaya naman napatakip ako ng bibig at bigla itong napatingin sa akin. "Sino itong babaeng kasama mo? Siya ba iyong gagawin mong patibong?" Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya ako na mismo nag sabi kung anong magagawa ko sa laban na 'to. "Ako si Hana Belle tutulong ako sa laban niyo dito, "sabi ko at nagulat ako ng tumawa silang lahat kaya naman napapoker face ako. "Ikaw lalaban? Mga babae naiiwan lang sa palasyo at nag aalaga ng mga anak," sabi niya sa akin kaya naman napahinga ako ng malalim kahit na matangkad siya wala akong paki. "Hindi mo ba alam na kung anong kayang gawin ng mga lalaki kaya din gawin ng mga babae?" sabi ko sa kanya sabay napangisi siya. "I like this girl." Seryoso ang boses niya sabay ginulo ang buhok ko. "Ayusin niyo na ang mga gamit niyo!" Sigaw nito at sabay tumalikod sa akin. "Pasado ka na." Narinig kong sabi ni Mark sabay hinawakan niya ang kamay ko papunta sa magiging kwarto namin dalawa. "Gusto mo pa ba matulog? Malapit na din mag umaga," sabi sa akin ni Mark sabay humiga naman ako. "Lapit ka muna dito," sabi ko sa kanya sabay lumapit naman siya sa akin. "Hindi mo pala ako ituturing na kasintahan kapag nasa labanan tayo?" Tanong ko sa kanya sabay ngumisi naman siya. "Kung mamamatay kana ituturing kitang kasintahan ko ililigtas kita malamang," sabi niya sa akin sabay hinalikan ko naman siya. Pinasok ko ang dila ko sa bibig niya sabay hinapit naman niya ang bewang ko at pag kalas ko nakita ko na namumula siya. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Tanong niya sa akin. "Gusto ko lang naman halikan ka," sabi ko sa kanya sabay hahalikan ko na sana siya ng iharang niya iyong kamay niya sa mukha ko. "Matulog ka kahit saglit lang," sabi niya sa akin at tinanggal niya iyong armor na nasa katawan ko. Nilagay niya ang kumot sa akin sabay umupo sa gilid ko. "Matulog ka na nakikita kitang gising pa." Narinig kong sabi niya kaya naman nag tago ako sa kumot sabay sumilip sa kanya. "Hindi ako makatulog eh," sabi ko sa kanya sabay tumingin naman siya sa akin. "Bakit naman?" Tanong niya sa akin. "Kasi sabi mo malapit na mag umaga baka malate ako magising at nag simula na kayo mag usap diyan. Syempre kailangan kasama ako sa pag uusap na 'yan," sabi ko sakanya bigla naman siyang tumawa. "Bakit ka natatawa diyan?" Tanong ko sa kanya sabay tumayo naman siya. "Gusto mo mag ensayo habang wala pang umaga?" sabi niya sa akin kaya naman napabangon ako bigla. "Sige gusto ko iyan!" sabi ko sa kanya sabay lumabas naman siya at ako naman kinuha ko iyong panyo na maliit na pinang tatakip ko sa mga mata ko. Lumabas ako at kinuha ko ang espada ko sabay tumingin dito iyong mga lalaki na kasama sa labanan. Sumunod lang ako kay Mark at sabay huminto siya  kaya huminto na din ako. "Are you ready?" Tanong niya sa akin sabay napangisi ako at binitawan ko ang espada ko muna para ikabit sa mata ko iyong panyo para matakpan iyong mata ko. "Teka nakatakip iyong mga mata niya?!" Narinig kong sabi ng isang lalaki sa gilid ko. "Hayaan niyo siya," sabi naman ni Mark kaya naman napangisi ako. Kinuha ko iyong espada ko sa lapag sabay pinakinggan ko kung saan siya pwepwesto. Ngumisi naman ako sabay sumugod agad ako at naramdaman ko ang espada niya na tumama sa espada ka. "Nice try." Seryoso niyang sabi. Narinig ko iyong mga palakpak pero isinawalang bahala ko iyon. Nag focus ako ng maigi sa yapak ng paa ni Mark at nang maramdaman kong huminto siya sumugod ulit ako pero wala siya doon kaya naman natawa iyong mga nanunuod sa amin. "Try more princess." Narinig ko iyong boses ng kapitan nila. "Do not understimate me." Seryoso kong sabi. Ginawa ko naman iyong inensayo ko na sumasayaw dahil iyong nasa ball room ako na walang tao ni practice ko 'to. "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Mark sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Agad naman akong sumugod sa kanya at naramdaman kong natumba kaming parehas. Inalis ko iyong panyo sa mata ko sabay ngumisi ako. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. "Alam ko na iyong ginawa mo," sabi niya sa akin sabay tinulungan ko siya makatayo. "Alam ng lahat iyon kung anong ginawa ko," sabi ko sa kanya sabay napatingin siya sa mga tao dito na nag tatawanan dahil na talo siya. "Hindi ako makapaniwala na matatalo ka Mark!" sabi ni Leo sabay tawa ng tawa. "Tumahimik kayo," sabi naman ni Mark kaya pati ako napatawa na din nagulat naman ako ng buhatin niya ako. "Excuse us," sabi niya kaya naman napakindat ako sa mga nanunuod sa amin. "Tulong! tulong!" Pag bibiro ko sabay nakapasok na kami sa kwarto namin. "Pinahiya mo naman ako." Narinig kong sabi niya pag kababa niya sa akin sa may kama sabay nalungkot naman siya kaya naman niyakap ko siya. "Akala ko magagalit ka sa akin. Sinusubukan ko lang kung magagalit ka sa akin," sabi ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin. "Magagalit ako kapag ng eensayo ka tapos mali nagawa mo pero iyong ganto hindi syempre kasi mahal na mahal kita," sabi niya sa akin sabay hinalikan ako sa noo. "Matulog ka kahit kaunti, baka antukin ka kinabukasan," sabi niya saakin kaya naman sumunod nalang ako sa kanya. Inalis ko iyong armor ko sabay humiga na ako. Pinikit ko na ang mga mata ko para makatulog ako kahit kaunti lang daw. Maya maya nagising ako dahil may naririnig ako na mga usapan sa labas. Oo ganoon kalakas pandinig ko kaya naman bumangon ako sabay umunat na din ako. "Saan kaya ako maliligo nito?" Bulong ko sa sarili ko at inilibot ko ang mga mata ko pero mukhang walang banyo dito na pwedeng pag liguan. Kaya naman lumabas ako at nagulat ako sa mga nakita ko kaya napasigaw ako at bumalik ako sa loob. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil lahat  ng mga lalaki nakahubad at naliligo sila?! Nasaan kaya si Mark? Siguro kasama din siya doon kaya naman napaupo nalang ako dito sa sahig para antayin siya makabalik dito. "Oh bakit bumalik ka sa loob ayaw mo ba makita mga katawan ng mga iyon?" Nagulat naman ako sa tanong ni Mark at pag harap ko sa kanya wala siyang pang taas kaya tumalikod ulit ako. "Buti pa kayo nakakaligo. Saan naman ako maliligo?" Tanong ko sa kanya. "Hihinto itong barko sa isang river," sabi niya sa akin. "Bantayan mo ako maligo," sabi ko sa kanya at naramdaman kong uminit ang pisngi ko. "Babantayan talaga kita. Madaming mahilig sa babae diyan kaya mag ingat ka din minsan," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako at humarap ako sa kanya kahit na wala pa siyang pang taas. "I love you!" sabi ko sa kanya sabay naramdaman kong huminto ang barko na sinasakyan namin kaya naman pag labas namin ni Mark nandito na kami sa river na sinasabi niya. Kinuha ko naman ang mga gamit ko sabay lumabas ako pero bakit ganoon iyong mga tingin nila sa akin. "Bilisan mo," sabi niya sa akin kaya naman bumaba na ako. Hinawakan naman ni Mark iyong kamay ko kaya nakaramdam ako na safe ako. "Huwag kang matakot sa mga tingin nila kasi ngayon lang sila may kasama na babae," sabi niya sa akin at nakarating na kami dito sa falls. "Sige na maligo kana dito lang ako," sabi niya sa akin sabay umupo siya sa may bato at nakatalikod siya. "Pwede ka naman humarap kung gusto mo." Nauutal kong sabi sa kanya sabay humarap naman siya at saktong hinubad ko na iyong pang taas ko. "Gusto mo lang ako kasabay maligo," sabi niya sa akin sabay nag hubad naman siya ng pang taas niya pero hindi siya nag hubad ng pantalon niya. "Teka lang kakapalit mo lang ng pantalon mo bakit hindi mo hinubad?!" Sigaw ko sa kanya pero nakalapit na siya sa akin sabay hinawakan niya ang balikat ko. "Gusto mo ba na may mangyari sa atin dito lugar na 'to?" sabi niya sa akin sabay umiling iling naman ako. "Wala. Gusto ko malapit ka lang sa akin para kapag may sumilip sa akin makikita mo kaagad," sabi ko sa kanya habang nakaiwas ako ng tingin. Hinawakan niya ang pisngi ko sabay pinalingon sa kanya. Nakita ko na namumula iyong pisngi niya nagulat naman ako ng halikan niya ako. Pag ka kalas niya binuhusan niya ako ng tubig sa ulo kaya naman nabasa na iyong buhok ko. May dala talaga siyang maliit na timba eh. "Ako na mag papaligo sayo para mabilis," sabi niya sa akin at binasa niya naman ako ng binasa. "Teka lang! Mag sasabon pa ako!" sabi ko sa kanya sabay nag lagay naman ako ng shampoo ko sa ulo ko pati na din sa katawan ko. Nakapanty ako at bra wag kayong mag alala hindi niya makikita buong kaluluwa ko. "Ang sexy mo talaga," sabi niya sa akin sabay hinawakan niya iyong bewang ko kahit na may sabon pa iyon. "Tigilan mo iyan Mark baka masapak kita," sabi ko sa kanya sabay nag buhos na ako ng tubig sa ulo ko. Pag tapos kong maligo nakatitig pa din siya sa katawan ko kaya naman tinakpan ko iyon ng kamay ko. "Tapos na ako pwede ka na mag suot ng pang taas mo," sabi ko sa kanya sabay pinunasan ko iyong sarili ko. Habang nag pupunas ako nakita ko siya na sinusuot na niya iyong damit niya. Sinuot ko na din iyong damit ko na kulay pula naman palda siya tapos sinuot ko na din iyong boots ko na brown. "Tara na," sabi niya sa akin sabay sumunod naman ako sa kanya habang pinapatuyo ko iyong buhok ko kasi mahangin dito eh. Bumalik na kami sa barko sabay umupo ako sa isang tabi para patuyuin ko iyong buhok ko. "Diyan ka lang muna?" Tanong niya sa akin. "Oo dito lang muna ako patuyuin ko buhok ko malakas hangin eh," sabi ko sa kanya sabay kinuha naman niya sa akin iyong mga ginamit ko pang ligo. "Mag suklay ka din," sabi niya sa akin. "Oo alam ko iyon," sabi ko sa kanya sabay sinuklay ko iyong buhok ko kahit na basa pa. Tapos pinapatuyo ko pa din siya. Naramdaman kong umandar na iyong barko kaya naman napatingin ako sa malayo tinignan ko iyong mga ibon na lumilipad. May nabasa din ako sa libro na pinabasa sa akin ni Mark na kapag nakakita ako ng ibon na kulay itim ibig sabihin nag dadala ng mensahe iyon. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD