Hana's Pov
"Gusto mo bang lumabas? Sabi mo kasi maaga pa," sabi sa akin ni Mark habang nag lalakad kami. Parang nalibot na namin iyong buong palasyo.
"Ano naman gagawin natin sa labas?" Tanong ko sa kanya humikab naman ako sa harapan niya.
"Kahit ano kung ano iyong makita natin na bagay na pwedeng gawin," sabi niya sa akin kaya naman napaisip ako. Wala naman kasi dito mall hindi kagaya sa taon namin may mall doon.
"Wala bang dagat dito? Gusto ko sana tumingin," sabi ko sa kanya at bigla naman siyang napangisi sa akin.
"May alam ako kung saan iyong dagat na iyon," sabi niya sa akin sabay tumakbo naman siya kaya naman napatakbo na din ako.
Pumunta kami sa garden dahil nandoon daw ang kabayo niya. Nakarating na kami doon at binuhat niya ako para makasakay ako sa kabayo. Sumakay na din siya sabay pinatakbo na niya iyong kabayo.
"Saan po kayo pupunta Young Majesty?" Tanong ng guard dito sa palasyo.
"Paki sabi kay Ina na mamayang gabi kami makakauwi." Pag kasabi niya niyon pinatakbo na niya iyong kabayo papalayo sa palasyo.
Napakapit naman ako sa bewang niya at niyakap ko siya para naman hindi ako mahulog. Habang pinapatakbo niya iyong kabayo, nakatingin ako sa mga dinadaanan namin na lugar marami din nakatingin sa amin na mga tao.
Parang sumakay lang ako sa motor tapos naka kapit ako sa bewang niya pero walang helmet kasi hindi naman delikado sa taon nila puro kabayo ang ginagamit sa biyahe.
"Nandito na tayo." Narinig ko naman ang sinabi ni Mark kaya naman napaangat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko dahil napakaganda ng dagat na pinuntahan namin.
Bumaba naman siya sabay ako naman ang sunod na bumaba. Inalalayan niya pa ako makababa tinali niya muna iyong kabayo sa gilid ng puno at kami naman nag lakad papalapit sa dagat.
"Maganda ba?" Tanong niya sa akin napangiti naman ako.
"Oo napakaganda niya. Maganda tumambay dito habang wala tayong magawa," sabi ko sa kanya sabay umupo naman ako kahit na nakapalda ako.
"Ayos lang sayo na umupo diyan kahit walang sapin?" Tanong sa akin ni Mark at kakatanggal lang niya ng coat niya.
"Oo ayos lang bakit may pang sapin ka ba?" Tanong ko sa kanya sabay pinatayo naman niya ako at pinagpag niya iyong palda ko dahil punong puno na iyon ng buhangin.
Sabay nilatag niya iyong coat niya at pinupo ako kaya naman napangiti ako. Tumibok iyong puso ko dahil umupo na din siya at dumikit siya sa akin.
"Okay lang na wala kang sapin?" Tanong ko sa kanya sabay hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Ayos lang saakin basta ikaw meron sapin," sabi niya sa akin, nag init naman bigla ang pisngi ko sabay tumibok ang puso ko.
"Ang bait mo talaga." Aniya ko sa kanya habang nakatingin ako sa dagat na umaalon.
"Mas mabait ka." Narinig kong sabi niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kamay namin na mag kahawak.
"Mark papayag ka ba na kapag nakabalik ako sa taon ko, makakahanap ako ng ibang papakasalan ko?" Tanong ko sa kanya sabay napadiin ang pag kakahawak niya sa kamay ko.
"Hindi ako papayag," sabi niya sa akin.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil gusto ko akin ka lang." Seryoso iyong boses niya sa pag kakasabi niya niyon kaya naman napabalik iyong tingin ko sa dagat ulit.
"Gusto ko akin ka lang din," sabi ko sa kanya sabay nag ka tinginan kaming dalawa.
"Totoo ba iyang narinig ko?" Tanong niya sa akin sabay tumango tango naman ako, pinatong naman niya iyong ulo niya sa balikat ko.
"Hanggang anong oras gusto mo na nakatambay tayo dito?" Narinig kong tanong niya sa akin.
"Kahit hanggang ala-sais tayo kasi baka mapahamak tayo kapag lumagpas tayo sa ala-sais," sabi ko sa kanya sabay dinikit ko ang ulo ko sa ulo niya.
"Masarap din pala iyong hangin dito. Gusto mo ba dito ganapin iyong kasal natin?" Nagulat naman ako sa bigla niyang sinabi.
"Pwede ba iyon? Ang alam ko sa palasyo lang tayo pwede mag pakasal kung saan maganda na lugar doon," sabi ko sa kanya.
"Kung anong gusto ng prinsesa ko syempre ikaw ang masusunod," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako ng unti unti.
"Edi ibig sabihin pwede mamili? Paano kung gusto ko sa malayong lugar kung saan maganda na maganda talaga?" Tanong ko sa kanya at bigla naman siyang tumawa kaya naman napa poker face ako.
"Bakit ka tumatawa diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi napakalayo naman kung gusto mo doon sa malayo na malayo na iyon," sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Akala ko ba kahit anong gusto ng prinsesa mo? Hindi ba ako iyong prinsesa na iyon?" Tanong ko sa kanya sabay tumingin siya sa akin.
"Oo nga pero wag naman sana iyong malayong layo iyong mahihirapan pang pumunta sila Ina at Ama doon," sabi niya sa akin kaya naman napaisip ako sabay natawa ako. Naalala ko nga pala medyo matanda na ang Reyna at Hari.
"Oo nga pala sige mamimili nalang ako ng lugar kung ano iyong maganda na maganda," sabi ko sa kanya sabay sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"Pangako ko sayo lahat ng gusto mo masusunod," sabi niya sa akin sabay naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.
"Pangako ko din na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa mamatay ako." Dugtong niyang sabi sa akin. Tumibok naman ng mabilis ang puso ko.
Nakokonsensya nanaman ako dahil kapag bumalik ako sa taon ko siguradong pati ako sobrang masasaktan kapag nag kahiwalay kaming dalawa. Hindi ko namalayan na pumatak iyong luha ko.
"Bakit umiiyak ka nanaman?" Tanong kaagad sa akin ni Mark kaya naman napaalis ako sa pag kakasandal sa kanya at pinunasan ko iyong luha ko pero biglang hinawakan ni Mark ang kamay ko.
Siya mismo nag pahid ng luha ko habang patuloy pa din pumapatak. Hindi ko ba alam kung bakit ganito iyong nararamdaman ko ayaw pa talaga tumigil ng luha ko kakapatak nakakahiya tuloy kay Mark.
"Iniisip mo nanaman ba iyong pag balik mo sa taon mo?" Tanong niya sa akin at nanlaki ang mga mata ko lalo akong naiyak kaya inalis ko ang kamay niya sa pag kakahawak ng pisngi ko.
"Oo kasi nakokonsensya ako," sabi ko sa kanya. Wala naman na akong matatago pa para kay Mark kasi sa ngayon mahal na mahal ko na siya dahil sa mga ginawa niya para sa akin.
"Ang bilis tumakbo iyong araw hindi ko namalayan na mahal na mahal na kita Mark." Aniya ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.
"Mas mahal na mahal kita Hana mas nauna akong ibuhos lahat ng pag mamahal ko sayo," sabi niya sa akin sabay hinawakan niya ang pisngi ko.
Unti unti naman niya nilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako.
Siya mismo ang kumalas at ramdam ko pa din iyong init ng pisngi ko ngayon. Napangiti naman siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw iyong kamay ko at hinalikan ko ulit siya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko. Hinawakan ko naman ang batok niya para hindi siya kumalas unti unti kong naramdaman na pinasok niya iyong dila niya sa loob ng bibig ko.
Naramdaman kong hiniga niya ako sabay kumalas siya ng pag kakahalik niya sa akin.
"Gusto mo bang ituloy sa palasyo?" Tanong niya saakin kaya ngayon lang ako bumalik sa diwa ko.
"Hindi ah!" Nauutal kong sabi sabay bumangon ako at pinagpag ko iyong buhok ko dahil lumapag sa buhangin iyong ulo ko.
"Mukhang gusto mo gawin," sabi niya sa akin at bumilis ang t***k ng puso ko.
"Hindi sa ganoon. Hindi ko alam kusa lang gumalaw iyong kamay ko," sabi ko sa kanya habang pinag lalaruan ko 'yong kamay niya.
"Kusa lang ba talagang gumalaw?" Tanong niya sa akin sabay nilapit niya ulit mukha niya sa akin. Hahalikan niya na sana ulit ako ng takpan ko iyong mukha ko.
Narinig ko naman siyang tumawa kaya sumilip ako sa kanya. Nakita ko na nakangiti nalang siya kaya naman inalis ko na ang harang sa mukha ko.
"Nag bibiro lang ako ikaw naman," sabi niya sa akin at nakahinga naman ako ng malalim sa sinabi niya sa akin.
"Gusto mo mag biro din ako ha?" Aniya ko sa kanya sabay tawa nanaman siya kaya naman kinurot ko siya sa kamay.
"Aray ko naman!" Sigaw niya sabay ako naman iyong tumawa.
"Ang kulit mo kasi eh tinatawanan mo ako," sabi ko sa kanya sabay tinignan niya ako at pinipigilan niya iyong tawa niya kaya naman sinubukan ko siyang kilitiin.
"Ikaw Mark ang kulit kulit mo bakit mo ba ako tinatawanan. May masama ba na ako mismo iyong humalik sayo?" Tanong ko sa kanya sabay kiniliti ko siya pero parang wala naman siyang kiliti.
"Kahit kilitiin mo pa ako wala kang mahahanap diyan sa katawan ko na makikiliti ako," sabi niya sa akin kaya naman tumigil ako sabay ngumuso.
"Baka ikaw ang may kiliti." Nagulat naman ako ng bigla niya akong kilitiin sa bewang ko at tawa ako ng tawa dahil sobrang nakikiliti ako.
"Tama na Mark! Ayoko na!" Sigaw ko habang natatawa na naiiyak kasi naman eh ang diin niya mag kiliti sa akin. Tagos sa taba ko.
"I love you Hana," sabi niya bigla sabay tumigil siya sa pag kikiliti sa akin.
"Hindi na kita mahal kasi kinikiliti mo ako!" Pag bibiro ko sa kanya at nagulat ako ng lalo niya akong kilitiin kaya natatawa ako na ewan dito.
"Tama na Mark nag bibiro lang ako eh!" sabi ko sa kanya at huminto naman siya.
"Sabihin mo muna mahal mo din ako," sabi niya sa akin sabay sinabi iyong mahal ko din siya.
"I love you too Mark. Kahit na ganyan ka," sabi ko sa kanya sabay tumawa ako dahil alam niya iyong ibig kong sabihin na kahit ganyan siya na nang aasar sa akin at kinikiliti ako.
"Ikaw talaga napakakulit mo," sabi niya sa akin at hindi namin namalayan na gabi na pala.
"Hindi ko namalayan na gabi na pala gusto mo na ba bumalik?" Tanong niya sa akin.
"Malamang babalik na tayo baka nga lagpas na tayo sa ala-sais sa sinabi ko sayo eh," sabi ko sa kanya at tumayo naman siya. Tinulungan naman niya ako makatayo at kinuha ang coat niya na sinapin sa pinag uupuan ko.
Mark's Pov
Pumunta kami sa kabayo ko na nakatali dito malapit sa puno. Inuna ko siyang isakay magaan naman siya buhatin sumunod ako naman ang umakyat.
"Kumapit ka ng maigi kasi mabilis ko papatakbuhin itong kabayo," sabi ko sa kanya at naramdaman ko naman na humawak siya sa bewang ko. Naramdaman ko din na dinikit niya ulo niya sa likuran ko.
"Opo mahigipit na kapit ko." Narinig kong sagot niya sa akin. Napangiti naman ako sabay pinatakbo ko na ang kabayo.
Habang pinapatakbo ko iyong kabayo, unti unti kong pinapabilis iyong takbo niya. Maya maya nandiyan na kami sa palasyo at agad binuksan iyong gate noong makita kami ng guwardya dito.
Pinahinto ko naman ang kabayo at ako unang bumaba. Binuhat ko ulit si Hana para makababa siya at ako naman tinali ko sa may kulungan iyong kabayo.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya habang inaayos niya iyong buhok niya. Malakas kasi hangin sa labas mukhang uulan pa nga.
Pumasok naman kami sa loob at mag kahawak kami ng kamay ngayon habang papunta kami sa hapag kainan napatingin ako sa kanya. Inaayos pa din niya iyong buhok niya.
"Hindi mo ba maayos buhok mo?" Tanong ko sa kanya at napahinto naman ako sabay napahinto din siya.
Hinawakan ko ang buhok niya sabay tinulungan siya tanggalin iyong pag kakabuhol. Bigla siyang napahinto sa pag tanggal ng buhol ng buhok niya parang pinapakiramdaman niya ako.
"Bakit huminto ka?" Tanong ko sa kanya.
"Mas mabilis kamay mo sa pag tanggal ng buhol eh," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako sa sinabi niya.
Pag tapos kong tanggalin iyong mga buhol may katulong na lumapit sa amin.
"Young Majesty, kailangan na po kayo sa hapag kainan may pag uusapan daw po kayo. Sa kwarto nalang po kakain si Hana," sabi sa akin at nag ka tinginan naman kami ni Hana.
"Sige na Mark pumunta kana doon kailangan ka. Ayos lang ako na kumain doon sa kwarto," sabi niya kaagad sa akin sabay bumitaw ng kamay pero pinigilan ko siya.
"Mabilis lang 'to antayin mo ako bago ka kumain," sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka ba? Baka umabot ng matagal iyan at magutom na ako," sabi niya sa akin sabay hinalikan ko naman siya sa noo niya.
"Saglit lang ito baka tungkol lang sa trabaho ito," sabi ko sa kanya at tumango tango lang siya.
"Sige na pumunta ka na doon," sabi niya sa akin sabay hinatid naman siya ng mga katulong dala iyong pagkain niya.
Ako naman binilisan ko mag lakad papuntang hapag kainan. Pag pasok ko doon nandoon si Ina at Ama na nag hihintay sa akin.
"Buti naman at nandito ka na. Ayos lang ba si Hana na doon siya kumain sa kwarto?" Tanong sa akin ni Ina.
"Opo ayos lang daw na doon siya kumain. Ano po iyong pag uusapan natin?" Tanong ko pag ka upo ko sabay hinawakan ang kutsara at tinidor.
"Kailangan mo pumunta sa Ainsworth Palace. Tutulungan mo sila makipag laban sa mga pirata." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ilang araw ito aabotin Ina?" Tanong ko sa kanya.
"Siguro mahigit isang buwan ka doon dahil mahirap makipag laban kapag hindi ka nakapag handa." Narinig ko naman na sabi ni Ama sa akin.
"Ganoon po ba? Sige po pupunta ako doon bukas na ba ako mag sisimula?" Tanong ko sa kanila.
"Kailangn ngayon gabi ka na makaalis kaya mag paalam ka na kay Hana," sabi niya sa akin kaya naman napangisi ako.
"Puwede kong isama si Hana dahil marunong na siya makipag laban," sabi ko sa kanila at bigla naman napailing si Ina.
"Hindi mo siya puwedeng isama Anak dahil puro lalaki makakalaban niyo doon. Paano kung maaksidente siya at natuon mo iyong focus mo doon edi pati ikaw mamamatay?" sabi sa akin ni Ina kaya naman napayuko ako.
"Magaling naman po si Hana sa Archery at espada ako nag turo sa kanya Ina mag tiwala ka sa akin." Seryoso kong sabi sa kanya at parang nag iisip pa siya.
"Sige papayag ako pero sa isang kondisyon." Aniya niya.
"Kapag nag tagumpay kayo, mag papakasal kayong dalawa." Nagulat naman ako sa sinabi niya sa akin. Ngumiti siya sa akin napakabait talaga ni Ina.
"Kapag natalo kayo pauuwiin mo na si Hana kung saan siya nakatira," sabi niya sa akin kaya naman uminom muna ako ng tubig bago sumagot.
"Masusunod Ina at Ama salamat po pala sa pag kain ngayon gabi," sabi ko sa kanila sabay tumayo na ako at lumabas na ako.
Habang nag lalakad ako binilisan ko ulit iyong pag lalakad ko para pumunta sa kwarto namin ni Hana at pag dating ko doon nakita ko siyang kumakain pa.
"Ang bilis mo naman," sabi niya sabay ngumiti sa akin kaya napangiti din ako.
**