Kabanata 19

2439 Words
Hana's Pov Tapos na kami mag basa ng sandamakmak na libro tungkol sa labanan. Pagod na pagod iyong utak ko kakabasa ng libro buti pa si Mark energetic nag babasa pa din hanggang ngayon. "Hindi ba napapagod iyong mata mo kakabasa diyan?" Tanong ko sa kanya at umiling iling naman siya kaya naman sinubsob ko iyong mukha ko sa libro. "Ayoko na suko na ako. Marami na akong nalaman tungkol sa mga laban pwede na siguro iyon," sabi ko sa kanya habang nakasubsob iyong mukha ko sa libro. Naramdaman ko naman na hinimas niya ang ulo ko. Tumibok naman ang puso ko ng sobrang bilis sabay napangiti ako. "Okay lang kahit ayaw mo na. Tapos na din ako mag basa itago na natin itong mga libro," sabi niya sa akin at kinuha naman niya ang tatlong libro. Ako naman kinuha ko din ang tatlong libro na binasa ko. Sumunod ako sa kanya kung saan niya ilalagay ang mga libro na kinuha niya. Nakita ko na huminto siya at doon niya nilagay ang tatlo sabay humarap sa akin at kinuha ang libro na dala ko. "Mukhang nabibigatan ka na. Kawawa ka naman." Narinig kong sabi niya kaya naman hinampas ko siya at tawa siya ng tawa. Nag lakad na ulit siya kung saan niya kinuha ang natitirang tatlong libro pag tapos huminto siya at doon niya inilagay iyon sa may taas. "Mukhang gabi na kailangan na natin pumunta sa hapag kainan," sabi niya sa akin at tumango naman ako. Sumunod ako sa kanya palabas. Habang nag lalakad kami, napatingin ako sa likuran niya kasi nauuna na naman siya. Ngayon ko lang napansin na malapad pala iyong balikat niya. Tumingin ako sa kamay niya na medyo may ugat bigla naman akong nauntog sabay napatingala ako sakanya na huminto. "Ayaw mo ba makipag holding hands?" Narinig kong tanong niya sa akin kaya naman natawa ako. Humawak naman ako sa kamay niya sabay ngumiti ako. "Gusto ko!" sabi ko sa kanya. Nag patuloy na ulit kami mag lakad papuntang hapag kainan. Nakarating na kami doon at nandoon ang Reyna at Hari pero mas lalo akong nagulat ng makita ko iyong pinsan ni Mark ngumiti siya sa akin sabay tumingin siya kay Mark. "Maupo na kayo," aniya ng Reyna sa amin kaya umupo naman ako. Katabi ko ang Reyna at si Mark naman katabi iyong Sofia kaya naramdaman ko ang lungkot ko na naman. Habang kumakain kami naririnig ko ang kwentuhan nilang lahat. Habang ako kumakain lang ako dito pakiramdam ko hindi na naman ako belong dito. Pag tapos kong kumain kinuha ko ang wine na nasa harapan ko sabay nilagay ko iyon sa baso ko. "Hindi ko alam na umiinom ka pala ng wine Hana," sabi sa akin ng Reyna at tumango lang ako sabay diretso kong ininom ang wine. "Hana tigilan mo iyang wine." Narinig kong seryoso na nag salita si Mark kaya napatingin ako sa kanya pero mas lalo akong napatingin sa pinsan niya na nakangisi sa akin. "Salamat po sa pag kain." Tumayo ako sabay umalis. Habang nag lalakad ako, naramdaman kong nahihilo ako. Matutumba na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko. Pag lingon ko si Mark iyon. "Nagiging childish ka sa harapan ni Ina at Ama," sabi niya sa akin kaya naman napaiyak ako. "Nag seselos lang naman ako, masama ba?!" sigaw ko sa kanya sabay binuhat naman niya ako. "Ibaba mo ako!" Singhal ko habang buhat buhat niya ako. Unti unti kong naipikit mga mata ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Mark's Pov Inihiga ko na si Hana dahil mahimbing na iyong tulog niya kaya naman pag katapos ko siyang kumutan, lumabas ako ng kwarto para puntahan si Sofia dahil papagalitan ko siya. Habang nag lalakad ako, nakita ko siya na papunta dito sa gawi ko kaya naman nag pamulsa. Huminto ako at napahinto din siya. "Mark may problema ba?" Tanong niya sa akin. "Oo malaki problema ko at ikaw iyon." Seryoso kong sabi sa kanya at napaatras naman siya. "Wala naman akong ginawang masama Mark. Kung nag seselos siya ano naman paki ko. Hindi naman siya prinsesa. Hindi siya mahalaga dito," sabi niya sa akin kaya naman hindi ko napigilan sarili ko na sampalin siya. "Huwag mo ng uulitin iyong ginawa mo na iyon dahil hindi kita mapapatawad. Lalong hindi na kita papupuntahin dito sa palasyo namin," sabi ko sa kanya sabay umalis naman ako kaagad dahil naiinis ako. Nag lakad muna ako papuntang library at doon ako nag pakalma. Habang nakaupo ako bigla kong naisip si Hana na nakaupo dito sa tabi ko parang kailan lang nag kakilala kami. Buti naman at mabilis akong kumalma ngayon kaya naman lumabas na ako ng library at bumalik na ako sa kwarto namin dalawa. Pag pasok ko sa loob nakita ko si Hana na nakaupo at gising siya kaya naman lumapit ako sa kanya. Umupo naman ako sa may tabi niya. "Sorry kung nalasing agad ako kahit na alam kong wine lang ininom ko. First time ko lang kasi uminom ng wine," sabi niya sa akin kaya naman natawa ako ng kaunti. "Huwag ka na mag alala doon. Hindi ba sinabi ko sayo hindi ko kayang magalit sayo?" sabi ko sa kanya at napatingin naman siya nakita ko na basang basa iyong mga mata niya sa luha. Niyakap ko naman siya sabay hinimas ang ulo niya. "Huwag ka na din umiyak diyan. Pinagalitan ko na iyong pinsan ko." Aniya ko sa kanya habang yakap yakap ko siya. Pag tapos ko siyang yakapin siya mismo ang kumalas. Tumingin siya sa akin sabay hinawakan niya ang pisngi ko kaya naman napahawak ako sa kamay niya sabay hinalikan ko iyon? "Matulog kana ituloy mo na iyong tulog mo," sabi ko sa kanya at pinahiga ko naman siya sabay kinumutan ko siya. "Ikaw din matulog ka na," sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Mag tatanggal lang ako ng coat ko kasi mainit," sabi ko sa kanya sabay inalis ko naman ang coat ko pati na din ang sapatos ko. Pag tapos niyon humiga na din ako at dumikit ako sa kanya. "Yakapin mo ako Mark." Narinig kong sabi niya kaya naman biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nag init na din ang pisngi ko. "Sige basta ikaw," sabi ko sa kanya sabay niyakap ko naman siya. Maya maya nakita ko na tulog na siya kaya naman pinikit ko na ang mga mata ko para matulog na din. Kinaumagahan naramdaman kong wala sa tabi ko si Hana kaya naman napabangon ako. Nilibot ko ang mga mata ko pero wala siya siguro nauna ng naligo pero saan naman kaya unang pupunta iyon? Hana's Pov Nandito ako ngayon sa Sword Room habang nag sasanay ako mag isa inaalala ko lahat ng mga nabasa ko sa libro, kung paano lumaban pag ka ikot ko bigla kong nakita si Mark na kakapasok lang. "Hindi mo ako ginising. Nauna ka na pala dito," sabi niya sa akin at binaba ko naman ang sword ko na kahoy lang sabay lumapit sa kanya. "Ang himbing kasi ng tulog mo nakakahiya kung ginising kaagad kita," sabi ko sa kanya sabay pinunasan ko ang pawis ko. Habag siya naman nag kakabit ng armor sa katawan niya. "Handa ka na ba? Na sa susunod na tayo na gagawin ibig sabihin medyo mahirap na iyong ituturo ko sayo," sabi niya sa akin at kinuha naman niya ang sword niya na totoo na talaga. "Kunin mo iyong sword mo na totoo," sabi niya sa akin kaya naman sumunod ako at kinuha ko iyong akin. Pumorma na kaagad siya kaya naman ganoon na din ang ginawa ko. Sumugod agad siya sa akin kaya naman nag simula kami mag laban. Habang nag lalaban kami, nakatingin siya sa mga mata ko kaya ganoon din ang ginawa ko. Pero lalo niyang diniinan ang pag kakahawak niya sa sword niya kaya naman pinilit kong itaas iyon pero hindi ko nagawa kaya bumagsak ako pati na din siya napasubsob. "Kailangan maging malakas iyang katawan mo para makayanan mo 'yong ginawa ko kasi karamihan makakalaban mo puro lalaki," sabi niya sa akin at tinulungan naman niya ako makatayo. "Oo na pero dapat mag palakas muna ako hindi ba?" Tanong ko sa kanya at nagulat naman ako ng lagyan niya ng panyo ang mata ko. "Subukan mo lumaban ng hindi mo nakikita kasi nakita ko na mas magaling ka kapag wala kang nakikita, naririnig at nararamdaman mo lang," sabi niya sa akin kaya naman napangisi ako. "Sige ikaw nag sabi niyan." Aniya ko sa kanya at kahit na hindi ko nakikita naririnig ko mga yapak ng paa niya kaya naman napaatras ako. Narinig ko na lumanding sa lapag iyong espada niya. Narinig ko maya maya iyong yapak ng paa niya kaya naman tinaas ko ang espada ko at naramdaman kong tumama sa espada niya iyon. Napangisi naman ako dahil pakiramdam ko mas malakas ako kapag nakatakim iyong mga mata ko. Bigla kong diniinan at narinig kong bumagsak si Mark kaya inalis ko ang naka takip sa mata ko at nakita ko na nakangisi siya sa akin sabay napapalakpak siya. "Magaling! Siguro mas mabuti na nakatakip iyang mata mo sa labanan," sabi niya sa akin, pero napakadelikado naman niyon baka hindi ko maramdaman na may sumaksak na pala sa akin. "Hindi ba delikado iyon? Baka biglang may sumaksak sa likuran ko kasi naka focus lang ako sa harapan ko na kalaban," sabi ko sa kanya. "Kasama mo naman ako sa labanan kung meron labanan. Na sa likuran mo lang ako kaya hindi ka masasaktan," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako. "Gusto mo ba mag pahinga muna? Kanina ka pa 'yata dito simula umaga," sabi niya sa akin sabay umupo naman ako dito sa sahig dahil tama siya kanina pa akong umaga dito. "Tama ka kanina pa akong umaga dito pagod na pagod na nga ako eh. Kakaensayo sa sarili ko." Aniya ko sa kanya habang umiinom ako ng tubig na binigay niya. "Grabe pagod na pagod ako doon. Sabihin mo sa akin ngayon kung paano mag palakas ng kamay?" Tanong ko sa kanya at bigla naman siyang tumawa. "Mahirap iyong since mga lalaki lang gumagawa niyon," sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako. "Ganoon ba? Subukan ko pa din malay mo matutunan ko. Tsaka kakasabi ko lang sayo kung anong kaya ng lalaki, kaya din ng babae." Sagot ko sa kanya sabay kumain ako ng tinapay dito na dinala ng katulong. Habang kumakain ako ng tinapay, nakita ko na tumayo si Mark sabay tumingin siya sa akin. "Panuorin mo ako," sabi niya sa akin kaya naman tinignan ko siya at pinanuod ko kung paano niya iwasiwas iyong espada. Tinignan ko kung paano niya hawakan ang espada at habang iniikot niya iyon sa kamay niya namangha ako. Ang galing naman sana kaya ko din iyon kaso mukhang mahirap iyon. Habang pinapakita niya sa akin naubos ko na ang tinapay na kinakain ko sabay uminom ako ng tubig. Pinunasan ko muna iyong pawis ko sabay tumayo na din ako at lumapit sa kanya. "Handa na ulit ako mag sanay," sabi ko sa kanya at kinuha ko ang espada ko sabay tinutok sa kanya iyon. "Sigurado ka na handa ka na din mag takip ng mata ulit?" sabi niya sa akin kaya naman nagulat ako. Kailangan na talaga takpan iyong mata pag mag sasanay ako? "Kailangan na takpan iyong mata ko pag mag sasanay araw araw?" Tanong ko sa kanya at tumango tango naman siya kaya naman napapoker face ako. "Grabe ka naman hindi mo man lang ako sanayin na walang takip sa mata para naman gumaling ako kapag walang takip sa mata," sabi ko sa kanya at kinuha ko ang pulang panyo dahil ito iyong ginamit sa akin ni Mark kanina. Nilagay na niya sa mata ko iyong pulang panyo sabay naramdaman kong binuhol niya na kaya naman pinakinggan ko kung saan siya pwepwesto kaya naman napangisi ako ng marinig ko ang yapak ng paa niya kung saan siya pumwesto. Tumalikod ako sabay tinaas ko ang espada ko. "Akala mo ba hindi kita mararamdaman?" Tanong ko sa kanya pero bakit parang walang sumasagot kaya naman sumugod ako pero walang tao doon sa pinag hampasan ko ng espada ko. "Akala ko ba mararamdaman mo ako ng mabilisan?" Narinig ko ang boses niya sa likuran kaya naman humarap agad ako at tinaas ko ang espada ko. "Hindi ko napansin!" Singhal ko sa kanya narinig kong tumunog ang espada namin dalawa pag ka bunggo ng dalawang espada namin. "Sabi ko sayo mag focus ka sa nararamdaman mo na mga yapak ng paa. Hindi iyong iniisip mo kaagad kung paano ka aatake." Narinig kong sabi niya sa akin sabay napaatras ako. Napangisi naman ako sabay huminga ako ng malalim. Pinakiramdaman ko muna kung gagalaw siya sa pwesto niya ulit pero mukhang hindi ko naman narinig kaya sumugod ulit ako. Pero wala na naman akong nahampas doon kaya naman nadapa ako. Napaaray ako dahil nakaskas iyong kamay ko sa sahig tinanggal ko kaagad iyong nakatakip sa mata ko. "Ayos ka lang ba?!" Alala niyang tanong sa akin sabay tinignan iyong braso ko na may sugat. "Hindi ka kasi nag iingat." "Paanong mag iingat ako naka takip kaya iyong mata ko Mark. Tulog ka pa ba hanggang ngayon?" sabi ko at nag biro ako sa bandang huli na sinabi ko sa kanya. "Hindi ako tulog. Hindi ka lang talaga nag iingat. Kapag sumusugod ka pakiramdaman mo din iyong tatapakan mo," sabi niya sa akin kaya naman napanguso na lang ako at hindi ako umimik. Tumawag siya ng katulong para mag bigay dito ng gamot sa sugat ko sa braso. Iyong una sa kamay ngayon naman sa braso hindi ko na alam kung saan iyong susunod na masusugatan sa akin. Dumating na iyong katulong na may dalang gamot. Kinuha naman kaagad ni Mark iyon at siya mismo nag lagay ng gamot sa braso ko kaya napangiti ako. "Galit ka ba niyan?" Tanong ko sa kanya habang nilalagyan niya ng tuwalyang maliit na malinis iyong sugat ko. Pag tapos niyang lagyan iyon nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinalikan niya iyon at parang nag dasal pa 'yata siya. "Hindi ako galit. Gusto ko lang nag iingat ka palagi . Ayokong nasasaktan ka o nakikita kang masaktan." Seryoso ang boses niya tumibok naman ang puso ko ng sobrang bilis. "Tigil na iyong pag sasanay natin. Kailangan mo na mag pahinga," sabi niya sa akin at siya mismo nag alis ng armor sa katawan ko kaya naman napangiti ako. "Ano na gagawin natin? Ang aga pa oh," sabi ko sa kanya at hindi naman siya umimik siguro nag iisip. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD