❀⊱Adriana's POV⊰❀ "Nalulungkot ka na naman ba?" Napalingon ako sa boses ni Gavin. Pero napakunot noo ako ng makita ko ang malaking pasa sa mukha niya. Napaano naman kaya siya? Sa sobrang pag-aalala ko ay agad ko siyang nilapitan at tinignan ang pasa sa mukha niya. "Napaano ka? Bakit ang laki naman ng pasa sa mukha mo? Sino ang may gawa niyan sayo? Napa-away ka ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin at hinimas niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ako sa pisngi at naupo siya sa sofa. Sumunod ako sa kanya at nakatayo ako sa harapan niya. Hinila niya ang kamay ko at pinaupo niya ako sa tabi niya. Narinig ko ang malalim na buntung hininga niya at isinandig ang ulo sa sandalan ng sofa. "May tangang nagwawala sa restaurant kanina. Napagkamalan lang akong magnanakaw

