CHAPTER 11

1544 Words
Sa hospital. Madaling araw, napakatahimik, ang liwanag ng buwan at bituin ay nagniningning sa loob ng Kuwarto. Bumangon si Clover, at iminulat ang kaniyang mata, nagulat pa ito nang makita niya si Aleo sa kaniyang tabi. "Gising ka na?" At hinipo ang noo ng dalaga,kung mainit pa ba ito at sinabi," mmmm wala ka ng lagnat. Malaki ang naitulong ng suero." "A-ano... anong nangyari sa akin? " ramdam ni Clover ang panunuyo at pananakit ng kaniyang lalamunan, lalo na kapag ito ay nagsasalita at lumulunok. " Ang taas ng lagnat mo,umabot pa ito ng 39°C. kaya dinala kita agad dito sa hospital." na nakataas ang kilay at may ngiti sa labi, habang hinihintay ang magandang sasabihin ng dalaga. Lumipas ang dalawang minuto ng katahimikan, ngunit walang narinig na kahit isang magandang salita si Aleo mula kay Clover. Sa sobrang sama ng loob, malamig nanaman ang pakikitungo nito sa dalaga, at makikita ito sa mga mata niya at mukha. " Hey, It is me who rescued you from the disgusting landlord yesterday. It's also me, who sent you to the hospital and give you the best treatment. What's more,its me again who accompanied and took care of you for a whole night. Kaya ngayon wala ka ng lagnat at maayos na ang lagay mo. Wala ka bang sasabihin? " Hinawakan nito ang ba-ba ng dalaga, at tinitigan ito sa mata ng masama. *Wala akong sasabihin na kahit ano sayo. Isa kang salot! Bitawan mo ko" wika ng dalaga. Mas hinigpitan lang ng binata ang pagkakahawak sa ba-ba nito, pinaglapit pa ang mukha nila ng babae at sinabi," Iniligtas kita, Ngunit, kahit isang pasalamat wala akong narinig sayo. Kung galit ka dahil sa mga ginawa ko, sinabi mo nalang sana sa akin na pakasalan ka. At sino ka para tawagin akong salot'? "Bitawan mo nga ako, isa ka talagang salot, manyak.." galit na wika ng dalaga. " Ipapakulam mo pa ako? Narinig ko na sinabi mo yun!" Binuhat niya ang dalaga at sabay silang napahiga sa kama, habang nakakulong ang dalaga sa mahigpit na yakap ng binata, at binigyan niya ito ng mapusok na halik upang matigil ito sa pagsasalita. Wala namang magawa si Clover, hindi sapat ang lakas na meron siya, upang makawala sa mga yakap nito. May pagka dominante pa ang lalaki.. Habang siya ay nagpupumilit makawala sa mga yakap ng binata, Aleo's Cell phone rang. "Ano yun?" Tanong ni Aleo, na naiirita. "President Diaz, pasensya na po sa istorbo, last friday, nagpa schedule kayo Kay Mayor para pag-usapan ang lupain sa Kanlurang Distrito. Ang oras ay, 11 o'clock ngayong umaga, at gaganapin ito sa , Pacquiao Business Center." Wika ni Luna sa kabilang linya. Dahil ang boss niya kahit kailan ay hindi nalalate sa trabaho,at hindi pa niya nakikitang pumasok ito ngayon sa opisana pasado 9:30 na nang umaga. Ang tangin magagawa lang ni Luna ay ang tawagan ito. "Got it. You should make the arrangement in the first place. Be careful and don't neglect those coming from the government. I will arrive on time." Aleo hung up his smartphone. " Little woman, listen, dito ka lang at hintayin mo ako, mag-uusap pa tayo. Or, I warn you, if you dare to run away, you will die!" Pagkatapos niyang sabihin ito, kinagat niya ang ilong ng babae. " Tandaan mo yan!" Pinisil pa nito ang pisngi ng dalaga, at umalis na parang walang nangyari. Sa kabila ng mga pagbabanta ni Aleo sa dalaga, ay umalis pa rin ito ng hospital. Pagkatapos kumain, nagisip na siya kung paano siya makakatakas sa hospital, para magtrabaho,at kumita ng pera pambayad sa upa ng bahay, dahil kung hindi siya makakapagbayad sa lansangan na siya maninirahan. " Ma'am, hindi po mayo maaaring umalis ngayon," wika ng head nurse. " Wala na akong sakit, kaya aalis na ako." Suot ang kaniyang' Hospital gown, at naglakad na ito patungo sa pinto. " Ma'am Kailangan niyo pa po magpahinga, kahit wala na kayong lagnat, mahina pa rin po ang katawan niyo. " Nagmamadaling nagtungo ang head nurse sa pinto. "Pero marami pa akong gagawin! Bakit mo ako pipigalan?" Clover was speechless, Bakit kaya ang higpit ng hospital na ito sa mga pasyente. Labis pa rin ang pagtatangka ni Clover na makalabas ng hospital, habang ang head nurse naman at patuloy lang sa pakiusap na huwag na itong umalis, at sinabi sa kaniya- nagbilin po si Mr. Diaz na kailangan makapagpahinga po kayo ng maayos dito. Ako po ang naka assign para bantayan kayo. Ako rin po ang mananagot, kung makakalabas ka ng walang pahintulot sa mga boss, matatangalin din ako sa trabaho. Pitong taon na po akong nagtratrabaho dito bago ako napiling head nurse, kaya pakiusap po ma'am, ayaw ko po matanggal sa trabaho!" Tinanggal si Clover ng manager niya sa Lukfoo Restaurant, kaya naman naiintindihan niya ang sitwasyon at mga sinasabi ng head nurse, napanguso na lang si Clover at umupo sa sofa, hindi naman kase masama ang ugali niya. Mabilis na binuksan ng head nurse ang TV, at inilagay sa kamay ni Clover ang remote control, ma'am ano pong gusto niyong palabas? Ininom may gusto po kayo? Ikukuha ko po kayo. Wika ng head nurse sa palumanay na boses. "Hindi ako nauuhaw. Kailan ako maaring lumabas ng hospital? " Ayaw na talagang makita ng dalaga si Aleo, ang salot. At natatakot din ito sa tuwing magkasama sila ng binata. Dahil para sa kaniya isa itong masamang lalake! " Hindi ko pa alam ma'am, depende po kay President Diaz, siya po kase ang Top #1 share holder ng hospital na ito, siya po ang may-ari ng pinamalaking shares sa hospital. Kahit ang mga director dito ay walang karapatan na sumuway kay President Diaz." Habang pinag-uusapan nila ng binata, ay makikita sa head nurse na humahanga ito kay Aleo. Tinatamad na humiga sa sofa si Clover, ayaw na muna niyang magkaproblema ang head nurse sa trabaho, ngunit ayaw din naman niyang hintayin dito ang binata. Nakaisip ng magandang plano si Clover, kung paano makakatakas. "Ms. Head nurse,ang dilim dito sa loob. Bakit hindi tayo maglakad lakad sa labas? Tingnan mo, ang ganda ng araw sa labas!" Inubos na agad nito ang lunch niya, at mas maliksi siya ngayon na akala mo hindi galing sa sakit... Tumingin naman agad ang head nurse sa bintana, bakit kaya gusto niyang maglakad sa labas, eh ang init inti summer pa naman ngayon, kaya ang tindi ng init. Wika ng head nurse sa kaniyang sarili. At Nagtatakang tumingin ito Sa dalaga. Ganunpaman, naisip pa rin niya, na ang babaeng ito ay kasama pa rin ni President Diaz,VIP patient pa at. Special din ito, dahil ang President pa ang nagbantay sa kanya magdamag. Kaya naman, pumayag na ang head nurse sa nais ni Clover. Gumamit sila ng stairs patungo sa garden ng hospital, sinadya niyang sa hangdanan dumaan, upang matandaan ang mga maaari niyang daanan sa pagtakas. Ang elevator, ibang hagdanan, mga exits at ang pinaka malapit na daan mula sa gate ng hospital. Maingat na binantayan ng head nurse si Clover habang nasa daan sila, sa takot na baka umalis ito ng di niya nalalaman. Subalit, pagkatapos makita ng dalaga ang mga daraanan sa hospital, nagyaya na agad itong bumalik ng kuwarto, na siya namang nakapagpa relax sa isip ng head nurse. " Ouch! Ang tiyan ko masakit ......" At humiga sa sofa, pagkahiga, nagpaikot ikot ito at sumisigaw. Agad namang pinindot ng head nurse ang buzzer sa loob ng kuwarto. Ilang sandali lang, lahat ng doctor at nurse sa VIP Building ay dumating sa kuwarto ni Clover. " Miss Clover, which part of you feel not uncomfortable?" Asked the physician-in charge. Who treated Clover last night. " Ang tiyan ko po masakit, sobrang sakit,hindi ko alam kung cholecystitis (isang sakit sa gallbladder), o kaya appendicitis, o baka naman ilang mga bato na yan sa tiyan ko....." At umarte pa ito na tila sobrang sakit talaga ng nararamdaman niya sa kaniyang tiyan. " Dalhin niyo siya sa emergency room." Utos ng doctor, ayaw ng doctor na in charge sa dalaga na ipagsawalang bahala ang nararamdaman ng VIP patient at ang Top 1 shareholder pa ang kaniyang kasama. " H-h-hindi, hindi! M-Masakit lang siguro, dahil sa kinain ko. Pupunta nalang ako sa C.r. Babalik din ako agad. Kaya hintayin niyo nalang ako dito, dito lang kayo hintayin niyo ako. " Mabilis itong nagpunta ng restroom, at agad na binuksan ang bintana. Napag-isipan talaga ni Clover ng maayos ang pagtakas sa hospital dahil sa pagyaya niya sa head nurse maglakad kanina. Bagama't nasa 12 floor ang dalaga,hindi niya pinansin ang taas ng kaniysng babagsakan sakaling mahulog siya. Binuksan niya ang bintana at tumawid sa kabilang bintana ng katabing kuwarto. Alam niyang walang tao doon, sapagkat sobrang mahal ng mga Kuwarto dito at hindi afford ng karaniwang pasyente. "Wow nakaka excite talaga! Sabi niya sa kaniyang sarili. Mahilig sa adventure si Clover,kaya naman tuwang tuwa ito, na tatawid siya sa 12 floor sa labas ng bintana. Pagkakataon na niya, habang ang lahat ng staff ay nasa kuwarto niya at naghihintay.. Matagumpay na nakatakas si Clover sa St Luke's private hospital. At hindi na nila maaaring tanggalin sa trabaho ang head nurse, dahil lahat sila na ang mapaparusahan, at hindi alam ni President Diaz kung sino ang sisisihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD