CHAPTER 12

875 Words
Habang suot ang hospital gown ng st. lukes private hospital, naglalakad si Clover sa gilid ng kalsada, nagbabakasaling may dumaang mga bus, subalit sa mahal ng hospital na ito, tiyak lahat ng pupunta dito may sariling sasakyan,nais ko na talagang umuwi sa inuupahan ko, para makapagpalit ng mga damit. Wika ng dalaga. Ngunit ng maalala niya ang ginawa sa kaniya ng may-ari ng bahay, nag-aalinlangan na siyang umuwi. Wala ng mapupuntahan si Clover, isa nalang ang paraan na naisip niya, humingi ng tulong ky Diane ang bestfriend niya. Subalit, nakikitira lang din si Diane sa tito at tita niya, mula pagkabata. Namatay ang ama ni Daine noong bata pa lamang siya,at ang ina naman nito ay nag-asawa ng iba, kaya si Diane napunta sa Tito at tita niya, at ang tingin sa kaniya sa isang pabigat lamang sa buhay. Kahapon sa lukfoo restaurant, natanggal din sa trabaho si Diane, dahil ipinagtanggol niya ang kaibigan. Kaya ngayon, ayaw na ito abalahin ni Clover, dahil sa kaniya nawalan din ito ng trabaho.. "Job Hiring!" Napatingin siya sa harap ng gate ng Miami grant hotel, pinuntahan niya ito at agad na binasa ang nakasulat. " Over 18 years old, female, with pleasing personal,with or w/out experience and more..." Nagkaroon nag pagasa si Clover. Kahit isang mamahaling hotel ito, hindi sila mahigpit sa mga requirements. Kahit naka hospital gown pa si Clover,nagtungo siya sa receptionist sa harapan, "Hello, nagpunta po ako dito para mag apply ng trabaho, yung nakapaskil po sa labas," Tiningnan ng receptionist mula ulo hanggan paa ang dalaga dahil sa suot nitong hospital gown, dahil sa professional ang receptionist, ngumiti ito sa dalaga at nagsalita sa mahinahong boses " paki fill up nalang po ang form, pagkatapos akyat po sa 2nd floor, doon po ang interview. Pakibigay nalang po ang form sa nag ga-guied sa taas, at hintayin po na tawagin ang iyong pangalan.." "Maraming salamat po!" Wika ni Clover. Habang nakatingin ang dalaga sa mga nag-aaply, nagulat ito ng makita ang best friend niya, sumigaw ito, " Diane Choi! Bakit ka nandito?" "Clover!" Nakasuot ng office attire si Diane, habang si Clover naman ay naka hospital gown, mukhang professional si Diane sa suot niya. " Bakit ka nakasuot ng ganyan? may sakit ka ba? " Tanong ni Diane,at hinipo pa ang noo nito upang malaman kung mag lagnat ba ito. Wala na akong lagnat, nagmadali lang ako kanina lumabas ng hospital kaya nakalimutan kong magbihis. Wika ni Clover. Mabuti naman kung ganun. Ani ni Diane sa kaibigan. " Sabi ng kapitbahay namin, sa susunod na linggo mag-oopen na ang hotel na ito, kaya naman mangangailangan sila ng maraming staff. Tatawagan sana kita, unattended naman lage ang cellphone mo. Hindi ko akalain na dito pa tayo magkikita!" Reklamo ni Diane, dahil sa kakatawag sa kaibigan kanina, tapos hindi naman makontak. " Wala kase akong pera pambayad sa upa,kaya yung cellphone ko ang sinanla ko sa may-ari ng bahay last week pa. Ngayon nga yung number mo ang inilagay ko sa application form ko. " "Kawawa ka naman friend! Sana pareho tayong matangap sa trabahong ito!" Wika ni Diane,at inilagay pa nito ang ulo sa balikat ni Clover . " Pero, ang suot ko ay hindi akma sa interview. Oo nga noh?! alam ko na, pareho lang naman tayo ng sukat ng katawan. Pagkatapos ko sa interview, ikaw naman ang magsuot." " Ang galing mo talaga, kaya bestfriend kita! I love you so much!" Wika ni Clover, habang magkayakap ang dalawa! " Bitawan mo nga ako! Magugusot ang suot ko! Maaring malapit na tawagin ang pangalan ko." Wika ni Diane, at tinulak pa ng mahina ang kaibigan. Parehong naupo ang magkaibigan at naghintay na tawagin ang mga pangalan nila. In the St. Lukes private hospital , nakatakas ang isang importanteng pasyente, kaya naman nagkakagulo ang mga staff sa hospital, kalahati sa mga staff sa kalsada naghahanap sa pasyenteng pinapabantayan ng major share holder ng hospital. Si Aleo at ang Mayor ay nag-uusap ukol sa kanilang business agreement habang nag la-lunch. Aanyayahan pa sana ni Aleo si Mayor na mag laro ng golf, ngunit nakatanggap ito ng tawag mula sa director ng hospital. Gustong sumabog sa galit ng binata, dahil hindi seneryoso ng dalaga ang mga pagbabanta niya dito. Kailangan kong mahanap ang pasaway na babaeng yun at nang maturuan ng leksyon. Inutusan niya ang kaniyang vice president Kaide Chua at ang pinagkakatiwalaang assistant Weiley Ching para samahan si Mayor maglaro ng golf. Pagkatapos ng mga sinabi ng binata,umalis na ito sa Pacquiao Business Center. Pagdating sa hospital tiningnan lahat ng surveillance videos. Para makita kung saan dumaan ang pasyente. Hindi siya makapaniwala na, napakuyom ang mga kamao nito, at pinagpawisan. Ayaw mo na talagang mabuhay, pasaway na babae? Sa bintana ka pa talaga dumaan at nasa 12 floor pa. Ang lakas ng loob mong little devil! Napansin ng director na seryosong seryoso na ang mukha ni Aleo, na mas lalong makadagdag ng nervous nito, " President Diaz, l'm so sorry. Something bad happened. We should take the responsibility. Hinahanap na siya ng staff ng hospital, makikita rin siya. "You're good for nothing,.." Aleo did not expect these doctors to provide any help, at useless na rin kung manananatili pa siya sa hospital,hindi na babalik ang babaeng yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD