Hannah's POV
Nandito na kami ni Tina sa classroom. Umatend na ako sa panghapun kung klase.
Magkatabi kami ng upuan sa bandang likuran. Sa loob ng classroom na ito napapansin mo na halos lahat may kaya sa buhay or should I say lahat sila may kaya sa buhay malibang kay Tina.
Nalaman ko na mahirap lang pala sina Tina, siya lang ang nandito sa manila at ang pamilya niya ay nasa probinsya. Mataas ang pangarap niya sa buhay ay maiahon ang pamilya niya sa hirap. Nagpapart time job pala siya sa isang resturant bilang waitress pang gabi ang duty niya. Kailangan daw niya un para sa pang araw-araw na gastusin umuupa lang pala siya ng tirahan dahil wala naman daw siyang pamilya dito. Bilib ako sa kanya.
Bigla akung may naisip na magandang idea.
"Uhm Tina" mahinang tawag ko, abala siya sa pag-susulat ng kung ano sa notebook niya siya lang yata ang seryoso sa pag-aaral sa classroom na'to.
"Bakit?" tanong niya ng makalingon siya sa'kin.
"Kung gusto mo sa apartment ko na lang ikaw tumira para naman may kasama ako" sagistion ko ng nakangite.
"Nako Hannah nakakahiya naman sayo ngaun pa lang kasi tayo nagkakilala baka sabihin ng iba ginagamit lang kita" umiiling sagot nito paano ko kaya siya mapapayag? gusto ko kasi siya tulongan kahit sa maliit bagay lang.
"Ah alam ko na! ganito na lang hati na lang tayo sa upa para hindi kana mailang. ok ba un? pumayag kana please lihim kung nanalangin na sana pumayag siya sa alok ko.
"Sige na nga kung hindi ko lang kailangan ng malilipatan" malungkot na sabi niya.
Napakunot ang noo ko at binigyan siya ng natatanong ng tingin
"Pinapaalis na kasi ako dun sa inuupahan ko,hindi ko kasi nabayaran ung huling upa ko kasi pinadala ko kila nanay ung sinahod ko nung nakaraan buwan" kwento niya nung napansin niyang nakakunot ako.
"Eh yun naman pala edi sa akin kana tumira kailan kaba lilipat para matulongan kita sa paghahakot?" excited kung tanong.
"Nako wagna ako na lang nakakahiya naman sayo at tiyaka kunti lang naman gamit ko" Sabi niya ñ, salamat talaga Hannah ah wag kang mag-alala magbabayad talaga ako ng upa at tutulongan kita sa gastusin."
"Ano kaba kahit wag na!" masayang sabi ko
This time siya naman ang nakakunot ang noo at nakakatitid sakin nag iwas ako ng tingin sa kanya.
Sh*t na malagkit wala nga pala siya idea about sa totoo kung pagkatao ang tanging alam lang niya at isa din ako tulad niya na simple lang din ang buhay.
"Uhmm ibig kung sabihin next time kana lang magbayad kung nakaluwag luwag kana" Sabi ko at ngumiti siya sa'kin bilang sagot, humuhot ako ng malalim na hininga muntik na ako dun ah.
Sino nga ba ako?
Ako po si Hannah Marie Adaipmil, 18 years old, 3rd year collage taking up Business Management. Kung tatanungin niyo ako kung ano pa ang pangarap ko sa buhay dahil sa karangyaan tinatamasan ko? Well un ay maranasan kung paano mamuhay ng simple at normal.
Ang labo ko no? Yung iba gusto makaranas ng maginhawang buhay pero ako kabaliktaran nila katulad lamang ni Tina, pangarap niya makaahon sa hirap ng buhay.
Bakit gusto kung maranasan ang simple at ordinaryong bagay sa mind? Dahil ang Mommy ko laki siya sa hirap Pero di niya pinag-sisihan na lumaki siya ng walang karangyaan nagustuhan ko yung pagmamahal niya sa mga simpleng bagay.
Ang daddy ko naman pinanganak na may golden spoon sa bibig. Yes! golden talaga dahil member siya ng Adaipmil Empire, ang pinakamayaman angkan sa lugar ng San Andress.
I'm the daughter of Hermes Paul Adaipmil, the business tycoon and the owner of Empire Group of Companies. Sa tingin ng iba mabagsik ang daddy ko but no absolutely not. My dad is different from the other businessman. Bakit? Eh kasi siya lang ang businessman na kilala ko na kumakain sa karinderya at isawan that was because of my mom.
Pinakita ni mommy ko kung gaano kaganda ang buhay kung susubukan natin mamuhay ng simple at wag masyadong intindihin ang halaga ng pera.
And that what I am doing right now, ang mamuhay ng simple. Ang mommy ko ang kauna-unahang sumusupota sa'kin ng mapagdesitionan ko ito bago ko pa kausapin si Daddy.
Napakaswerte ko kasi may magulang ako na katulad nila. Samahan mo pa ng isang kuya na sobrang sweet mula ulo hanggang para. Si kuya Harold Mick nasa America siya ngaun nag-aaral ng medicine pangarap niya maging doctor simula nung bata pa.
At ang mga pinsan kung lalaki na walang kasing ingay pero mahal na mahal ako di nila alam itong ginagawa ko mgaun at ayoko din malaman nila ang plano ko.
----------------
Tina POV
I'm Tina Bautista,18 years old taking up of Business Management. Simpleng studyante lang ako nangangarap para sa pamilya ko.
Tumahimik ang lahat at bumalik sa kanya kanyang upoan ng bigla na lang pumasok ang professor namin sa room. Alam kasi ng lahat na terror ang prof ma ito.
Tahimik lang naman si Hanna sa tabi ko ng sulyapan ko siya. Maganda siya nung unang kita ko pa lang sa kanya pero di niya yata alam un oh talagang wala lang talaga siya pakialan.
Masaya ako kasi may kaibigan na ako bukod sa mga asungot na lalaki ng basketball team.
"Be ready for graded recitation in this whole period" napuno ng ingay ang buong classroom ng sabihin nito ng professor namin sa marketing.
"Ang one more thing you shoul____ " naputol ang dagat na sasabihin ni prof.
"Yo!" nagpasukan ang ibang players ng basketball team.
"Good afternoon prof." bati ni Kevin isa sa mga players siya lang yata ang pinakamatino, well at si Captain na din Pero mainsang lang.
"Yo! Ms.Manager" bati ni Tristan na nakatingin sa gawi ko with matching kaway pa kaya tinanguan ko lang siya. Binigyan ako ni Hannah ng nagtatakanh tingin.
At yung iba nag kanya kaya na ng umupo di man lang bumati sa Prof mga bastos talaga kahit kailan bali pito sila pumasok si Kevin, Tristan, Jonathan, Elvin, Elmar, Anthony and Alfred. Labing tatlo silang lahat sa team kasama si captain. Nung napansin kung wala ung iba tinanong ko si Tristan na'sa kanan ko at na'sa kaliwa ko naman si Hannah.
Magkaparehas lahat ng schedule para kapag may practice and un ang lahat. Well madali lang gawan ng parang un dahil ang isa sa kanila ay anak ng may ari ng school na ito malalaman niyo din kung sino siya sooner or later.
"Asan si Captain?" pabulong tanong ko."
"Ayun pinaparusahan ung Lima na-late sa practice kanina at may hangover pa" sagot ni Tristan na parang sinusukyapan si Hannah na'sa tabi ko.
Di ko pa pala nasasabi sa Inyo na ako ang manager ng basketball team ng Montreal University. Isa ito sa binigay sa'kin ni Dean na gawain bilang isa sa mga schoolar ang tumulong at tulungan ang mga players sa mga kailangan nila.
Ang school ang sumasagot sa lahat ng gastos ng team at dahil halos lahat ng player may kaya sa buhay walang problema sa kanila kung ano man ang pangangailangan ng team.
Madami na din akoung alam sa kanila almost 3 years ko na din silang kasama kaya naman masasabi ko na kilala kuna talaga sila at kilala nila ako. High school pa lang magkasama na sila halos magkakapatid na ang turingan nila sa isat isa nasa Montereal Academy pa lang sila noon kung gaano nila kamahal ang isat isa ganun dinnila kamahal ang basketball. Naging Sakai ako sa paghihirap nila para lang makarating sa final at malapit na nilang magawa ung tatlong laban na lang kaya siguro nag hihigpit si Captain.