Chapter Three - Alone

1804 Words
Mary Ann’s POV “We’re here!” Masayang sabi ni Mark sa akin.             Parang biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ako kumilos kahit na ng marinig kong bumaba siya ng sasakyan. Nagpanggap akong natutulog. Nang marinig kong bumukas ang pinto sa side ko, kinabahan na ako.               “Baby, wake up.” Sabi Mark sabay tapik sa braso ko.             Nagkunwari akong hindi naririnig ang sinabi niya at mas lalo ko pang ipinikit ang mga mata ko.          “Mary, kapag hindi mo pa itigil ang pagpapanggap mong natutulog, I would be eager to play the role of your prince charming.”         Pinigilan ko ang sarili na ismiran at taasan siya ng kilay. Pinagpatuloy ko ang pagkukunwaring tulog. Pero nataranta ako ng maramdaman ko ang paghawak niya sa kanang pisngi ko, nahigit ko ang paghininga at kinabahan ako sa susunod niyang gagawin. Pakiramdam ko ay napakalapit na niya sa akin.             I even felt his breath fanning my face.             “I would love to taste those lips again. Baka sakali na magising ka sa pamamagitan ng halik.”             Pagkarinig ko ng salitang ‘halik’ ay agad na dumilat ako para mapigilan ko siya sa tangkang pananamantala na naman sa akin. Napakalapit na ng mukha ni Mark sa akin at maging ang mga labi niya ay gahibla na lang ang layo sa aking mga labi.             I didn’t move, because if I do, my lips would touch his             But I’m wrong to think opening my eyes could stop him from closing the gap.          He lightly brushed his lips against mine before he moved a few inches away. “Good girl! Muntikan ko ng isipin na gusto mo talagang halikan kita uli.”         “Dumilat na ako bakit hinalikan mo pa rin ako!” Sita ko sa kanya.          “You called that a kiss?” Kunot noong tanong ni Mark. “Di ko sinasadyang magdikit ang mga labi natin.”         Yes, technically it was not a kiss but still, he had no right to act it’s just normal thing to do.         “Remember what happened in the parking lot, although I’m not very proud of it, that’s what you called a kiss.”         How could I forget? Iyon ang unang kong halik.           “So that’s what you called kiss? Thank you for educating me” Sarkastikong sabi ko sa kanya.         Hinawakan ako ni Mark ang baba ko. “I would never kiss you that way again. Next time I will make sure to kiss you…” His gaze focused on my lips as his thumb traced it. “I’ll kiss you with so much tenderness that you would end up begging me for more.”          Napalunok ako. Daliri lang niya ang dumampi sa labi ko kaya walang dahilan para maapektuhan ako. Pero bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Hindi ako dapat kabahan. Hindi naman ako papayag na mahalikan niya uli. Kahit pa damping di sinasadya o madiin gaya noong dati. Hindi na iyon mauulit pa.          Kung sakali naman na tangkain niyang halikan ako, mabilis akong iiwas. Mabilis ko siyang itutulak palayo. “Bakit natahimik ka? Are you imaging me kissing you already?” Pang-iinis ni Mark.          “Syempre hindi!” Mabilis kong tanggi.         “There’s no use in denying it. I can see it in your eyes baby. You wanted to know what it feels like?” Kantiyaw ni Mark.         “Ikaw ang nag-imagine na may nakikita ka sa mata ko.” Pagtatama ko sa mali niyang akala.         “Siguro nga.” Nakangiti pa ring sabi ni Mark. “Mukhang ayaw mo naman talagang magpahalik sa akin pero ang ganito okay lang sa iyo?” He traced my lips again with his thumb.          Kung hindi pa binanggit ni Mark, hindi ko mapapansin na hindi nga ako umaangal sa ginagawa niyang pagdama sa mga labi ko. Napahiyang nag-iwas ako ng mukha. Pero hindi niya ako hinayaang makawala at sa halip, he hold my face.         “Mark…” Sinubukan kong alisin ang mga kamay niya.         “Be still.” Saway niya sa tangka kong pagpiglas. “Mula ngayon iwasan mo ng mahiya sa akin. You will be staying in my house and I want you to feel at home. Hindi ko mamasain kung sa halip na ipakita mong naiinis ka ay sabihan mo lang agad ako kapag gusto mo na i-kiss kita.” Itinulis pa ni Mark ang nguso.         “Dream on!” Itinulak ko siya sa dibdib. Nagpaubaya naman si Mark at lumayo na siya sa akin.         “Pasok na tayo sa loob.” Yaya ni Mark sabay lahad ng kamay para maalalayan akong makababa ng kotse.         Inabot ko ang kamay niya. Nang makababa ako, sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero ayaw niya iyong bitawan.         “You can let go now.” Sabi ko sa kanya.         “You’ll be meeting my sister. May pangil iyon kaya it’s better that you hold my hand.” Pananakot ni Mark.         “Ano bang kapatid mo bampira?” i asked.         “Mas matindi pa sa bampira. Kasi hindi iyon takot sa bawang at malakas pa ang toyo sa ulo!”   Mark'a POV “I should have been there!” Mataas ang tonong salubong sa amin ni Romina.             Tama ang kutob ko. May toyo na naman ang kapatid ko.             “Mary, meet my lovable sister, Romina. Twinkle, meet Mary my girlfriend.”             “Hi...” Tipid na bati ni Romina kay Mary at pagkaraan ay muli na naman nitong ibinaling ang pansin sa akin. “Narinig mo ba ang sinabi ko? Dapat naroon ako sa baby shower ni Katrina. She called asking why I didn’t make it. Bakit hindi mo sinabi sa akin para nakapunta ako?”             She looked like she’s about to cry. For sure any moment now she would stomp her feet and storm to her room.            “Sana nagpunta ako. Ginanap pa naman sa bar ni Ding. Dapat nandoon ako.” Nagtatampong dagdag ni Romina.             “Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa iyo.” Paninita ko. “You still act like a fifteen year old brat. Matanda ka na kaya start acting like one.”             “You wanted me to act like an adult but you are the one treating me like a kid. Itigil mo na ang pakikialam sa relasyon namin ni Ding. I’m no longer in my teens so you shouldn’t refrain me from dating the man I like.”             “Romina! Kasal na si Ding!” Nauubos na ang pasensya ko.             “Kaya nga dapat ay hinayaan mo akong pumunta sa party ni Katrina para nakapag-usap kami. Marami siyang dapat ipaliwanag sa akin.”             “For Pete sake, stop and give Gyiah a chance.”             “Anong kinalaman ni Gyiah?” Nanlaki ang mga mata ni Romina. “Don’t tell me na siya ang asawa ni Ding. Swear, I’ll shave her head.”             “She’ll still be beautiful even if you do that.” I stated a fact. “Itigil mo na itong kahibangan mo. Tama ng may isa lang na habol ng habol sa isa sa mga barkada ko. It’s Gyiah’s turn to do the chasing and you should start accepting the fact that Ding is already taken. Go find another guy.”             “Ayoko! I will never stop!” As expected, she stomped her feet and walk away.             “Where are you going?” Pahabol kong tanong, sa halip kasi na padabog itong umakyat sa itaas ng bahay nila ay ibang direksyon ang tinatahak nito. She’s heading to the front door.             “Kay Ding!” Sagot nitong pasigaw na hindi man lang lumilingon sa akin.             “Romina! Bumalik ka dito!”             “Hayaan mo na ‘yang kapatid mo. She’s old enough to handle her issues.” Sabi ni Mary.             Masyadong natuon ang pansin ko sa kalokohan ng kapatid ko na nakalimutan kong kasama ko si Mary.             “Nakikinig ka ba?” Nabaling ang inis ko sa kanya. “May asawa na si Ding kaya dapat ay huminto na siya sa paghahabol rito.”             “Hindi iyon ganoon kadali lalo na kung talagang mahal siya ng kapatid mo. Narinig ko na may relasyon sila, mas mahirap mag-let go kung mutual ang feelings nila sa isa’t isa. Trust her, hindi naman siguro siya gagawa ng masama.”             “Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi pa ba masama na ipagpatuloy niya ang paghabol kay Ding kahit alam niyang may-asawa na ito?”             “Hayaan mo na lang muna na makausap ng kapatid mo ang kaibigan mo. Para kapwa sila maliwanagan sa mga pangyayari. Malay mo iyon lang ang kailangan para magkaintindihan sila.”             Nagsalubong lalo ang mga kilay ko.             “Are you defending my sister because you can relate? Ganyan din ba ang nararamdaman mo kaya hindi mo magawang bumitiw kay Ethan kahit na alam mong may-asawa na siya.”             “This is not about me. I am just trying to help you understand your sister.”             I ignored her words. “But how can I trust my sister na wala siyang gagawing masama. Baka matulad siya sa iyo na gagawin ang lahat kahit na may masaktang ibang tao mapasakanya lang ang mahal niya sa buhay.” I paused. “Even if it means she would be a homewrecker.”             Nakita kong sandaling dumaan ang lungkot sa mga mata ni Mary bago pa man niya maiiwas ang tingin.             “Why would I waste my time explaining these things to you, hindi mo naman maiintindihan kahit na anong paliwanag ang gawin ko. Anong alam ng isang playboy na kagaya mo sa pag-ibig samantalang puro paglalaro lang ang alam mong gawin.”             “Pag-ibig ang tawag mo sa pagkahumaling mo kay Ethan.”             “Bahala ka kung ano ang isipin mo. I’m not here to impress you. I am keeping my end of the bargain and I expect you to do the same by the end of this week.”             Naningkit ang mga mata ko. Let’s see how far she’s willing to ‘keep her end of the bargain.’             “Itigil na natin ang usapan. Mauna ka ng umakyat. Ang pangalawang pinto sa kaliwa ang kwarto ko at ang magiging kwarto mo sa loob ng isang linggo.” I paused and grinned. “Go ahead, mag-shower ka na. Gusto ko tapos ka ng maligo pag-akyat ko..”             Nakita kong napalunok si Mary.             Mahal nga niya talaga si Ethan.             But I had this strong effect on her.             Regardless of what to call it, it’s enough reason for me to take chances, to gamble and fight for her.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD