Chapter Two - Crowded

1473 Words
Mary Ann’s POV Every minute I’m with him was like torture. He proudly introduced me as his girlfriend and I pretended to be ecstatic about it. But deep inside I wanted to p**e.             There’s no way I could even be dating this guy. His oozing confidence irritated me. He was all over me but still, he had time to be sweet and kind to each and every girl in the crowd. He greeted them by kissing them on the cheeks and shower them with compliments. What a total player!             “Pregnancy suits you. Lalo kang naging mas maganda kay Karina.” Sabi ni Mark kay Katrina.             “Thank you.” Katrina’s smile widened. “Lagot ka kay Karina kapag narinig ka noon.” Pananakot ni Katrina kay Mark bago ito bumaling sa akin. “Sa wakas napasagot ka na rin ni Mark.”             I faked a smile. “Gullible kasi ako, nadaan ako sa mga pambobola.” I tried my best to hide the sarcasm in my voice.             Katrina laughed. “Hala Mark, you hear that? You need to convince her more.”             “Later, I’ll make sure she’ll no longer doubt my feelings.” He said and stared at me lovingly.             Then again, I felt his left hand caressing my sides. He was taking advantage of the situation. Kung hindi sa balikat ko ay nasa bewang ko ang braso niya.                “I am just joking. I am very much aware of his feelings for me. Malinaw iyon sa aming dalawa simula pa lang.” Pag-amin ko..             “Really?” Hinapit pa ako lalo ni Mark sa katawan niya at pinisil pa niya ang balakang ko. “Sige nga, tell Katrina kung anong relasyon meron tayo.”             Nakangiti ako pero pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata.             I really despised him!             “We don’t have a conventional relationship. There’s no courtship, anniversary or any love confession. Pero alam ko na kailangan ko siya at kailangan niya ako. Enough na iyon diba?” I told Katrina.             “More than enough,” Katrina commented. “Nasaan na ba si Jaime? Bigla kong na-miss ang asawa ko. I can vouch for Mark, you made the right choice. He’s a good man.” Katrina winked at Mark. “Maiwan ko na muna kayo ha.”             Mga ilang hakbang na nakakalayo si Katrina sa kanila nang subukan kong baklasin ang kamay niya sa bewang ko pero halatang iniinis niya ako, mas diniinan niya ang paghawak sa bewang ko.             “Wala na tayong audience kaya alisin mo na ang kamay mo at lumayo-layo ka naman sa akin. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit mo.” Reklamo ko.             “Ngayon pa lang hindi ka na makahinga? Ganoon na ba kalakas ang epekto ko sa iyo? What more pa kaya mamaya? Can you take if I spoon hug you while we sleep?”             Spoon hug!             I immediately blushed when I pictured him hugging me tightly.             Mark laughed seeing my burning cheeks. “Na-imagine mo na ba?”             “I really hate you!” Nanggigil na bulong ko.             “Later, you’ll sing a different tune.” Inilapit niya ang bibig sa tengga ko. “I love you baby. Please don’t stop.”             “Bastos!” Inilayo ko ang sarili sa kanya at siniko ko siya ng malakas.             “You two need to get a room.” Komento ng isa sa dalawang kaibigan ni Mark.             Hindi ko na itinago sa kanila ang pagsimangot ko.             “Ayaw ng baby ko ng ganyang mga biro.”             Nagpaubaya na lang ako ng muling hinapit niya ako sa bewang. Nakakapagod makipag-iringan kay Mark. Worst, napapansin ko na lalo lang niya akong iniinis kapag nakikita niya na napipikon ako.              Darn!             “Sorry.” Paumanhin ng lalaking chinito. “Hindi ikaw ang gusto naming inisin, si Mark. Obvious na ayaw ka ng pakawalan. Kanina pa namin kayo pinagmamasdan, bantay sarado talaga siya sa iyo.”             Nginitian ko ang kaibigan ni Mark. He seemed to be nice.             “Sorry din nasimangutan ko kayo. Kasi itong si Mark ang bastos!” Hindi ko napigilang magsumbong. “I’m sorry I forgot your name.”             “William. At eto naman si Ding, ang may-ari nitong bar.”             Ipinakilala na kanina sa sila kanina sa akin ni Mark. Hindi ko lang masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga pangalan nila.             Katulad ni William, nakipagkamay din si Ding sa akin. “Mas maganda ka kapag nakangiti. You should smile more often.” Ani Ding.             “Thank you.” I smiled back.             “Ding, don’t you dare.” Sabi ni Mark.             William and Ding laughed.             “Kapag ikaw pwedeng manggulo ng relasyon namin pero kami hindi pwede?” Mapang-inis na tanong ni Ding.             “Because you’re already married that’s why.” Mark sneered at Ding.             “Ako pwede, I am single.” Sabi naman ni William.             “But you’re no longer available.” A female voice interrupted.             “Gyiah! Hanggang dito ba naman nakasunod ka?” Napapailing na sabi ni Mark.             “Hi, Mary Ann!” Gyiah ignored what Mark said and greeted me instead. “It’s nice to see you again!”             “Same here Ms. Ramos.” Pormal na bati ko sa kanya.             Ano ang ibig sabihin ni Mark na nakasunod ito hanggang doon? Isa ba ito sa mga nakarelasyon ni Mark? Imposible naman na related ito kila Jaime or kay Katrina.             “Gyiah na lang Ann. Huwag na tayong masyadong maging pormal.” Sabi sa akin ni Gyiah ng nakangiti. “Wala ba isa man sa inyo na magpapakilala sa akin kay Mary Ann?” Intimidating ang presence ni Gyiah. Tumahimik ang tatlong lalaki. Si Ding ay halatang amused, si Mark ay naka-kunot ang noo samantalang blanko at walang reaksyon ang mukha ni William.             “Okay fine!” Tumaas ang kilay ni Gyiah at halatang naiinis sa pananahimik ng tatlo. “Ann, I’m Mark’s ex girlfriend.”             Natawa si Ding sa sinabi ni Gyiah pero si William wala pa ring kibo, he looked bored.             “Gyiah this is not funny!” Samantalang si Mark naman ay nainis.             “Ann didn’t even blink her eyes.” Gyiah noticed her uncaring reaction. “Either she’s very confident in your relationship or she didn’t like you at all. Tell me Ann, tama ba ako wala ka talagang gusto kay Mark?”             “Don’t mind her Baby.” Sabi ni Mark sa akin bago niya sinaway si Gyiah. “Gyiah, pati ba naman ako?”             “Why do you want to know? You want him back?” Tanong ko kay Gyiah.             Napataas ang kilay ko. Pati ba naman kay Mark magkakaroon pa rin ako ng kaagaw?             “What if I say yes.” Gyiah smiled mischievously. “Would you give him back to me?”               “No, he’s mine now. If you want, you could wait until I’m done with him. But until such time, don’t interfere with our affair.” I bravely talked back.             Sawa na akong magbait-baitan. Palagi na lang ako ang nagpaparaya. Iba na ngayon. Ipaglalabanan ko ang akin at hindi na ako papayag ng may kahati.                “Ann, sorry I am just joking, hindi ako ex ni Mark” Pagatatama ni Gyiah sabay buntunghiniga. “Mark, I’m wrong, she’s into to you. Nakakainggit. Parang si William lang din sa akin noon.”             Walang paalam na tumalikod si William at lumakad palayo sa kanila.             “William, wait up!” Gyiah left too and started chasing William.              “Mabuti pang sundan ko muna ang dalawang iyon. Baka hindi na makapagpigil si William.” Natatawang sabi ni Ding.             Naiwan kaming dalawa ni Mark. Nakakahiya na tinarayan ko si Gyiah gayong nagbibiro lang pala ito.             “See baby? Hindi lang ako ang nakakapansin. Obvious na ‘you’re so into me’!” Mark seductively whispered.  “Say it again baby na I’m yours.”             “I don’t mean it. Umaarte lang ako.” Nag-iwas ako ng tingin.             Bakit ganoon? Mas naiilang ako kapag naiiwan na lang kaming mag-isa. It felt like the room was shrinking and the place seemed to be crowded.              “Coward! Ang tapang mong kalabanin si Gyiah pero ang laki ng takot mong aminin sa sarili mo ang totoo.” Nakangising sabi ni Mark.             “Anong aaminin ko? I know very well what I want. Ikaw ang hindi makatanggap sa kung ano ang totoo. Stubborn!” Inirapan ko siya.             “Coward and stubborn? I think we are perfectly made for each other.” Mark insisted.             She rolled her eyes. Perfectly made? Hopefully not! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD