Mark’s POV
Pasipol sipol pa ako habang bumababa ng hagdan. Maganda ang gising ko at excited na ako sa mga mangayayari ngayong araw. Maaga akong papasok ngayon ng opisina para makauwi rin ako ng maaga. May importante akong lakad mamayang hapon.
Susunduin ko na si Mary Ann at iuuwi ko na siya mamaya sa bahay.
“Good morning Twinkle!” Bati ko sa kapatid kong nag-aalmusal.
“Morning.” Walang ganang sagot ni Romina.
“What’s with the face? Kaaga-aga ay sambakol ang mukha mo. You should start your day with a smile.” I winked at her.
“Seriously?” Romina rolled her eyes. “You want me to start my day with a smile?”
“Okay you’re right, forget it!” I realized I’m being insensitive. “Excited lang ako ngayon.”
“Why? Anong meron?”
“I’m bringing my girl over,” I announced. “She’ll be staying here for a week.”
“Dito mo naman patutuluyin si Karina? Hanggang kailan mo ba siya balak kupkupin?” She asked in between chews. “Do you want me to move out? I could stay at your condo if you want.”
“Si Mary at hindi si Karina ang kasama kong uuwi rito mamaya.” Kumuha ako ng isang toasted bread.
“Sino naman itong Mary na ito? New girl? Bakit dito mo papatuluyin? I thought flings are off limits here?”
“Who says she’s a fling?” I said chewing. “Be kind to her. She’s special.”
“Mukha nga, dito mo papatulugin eh. But how come I’ve never heard of her before? Matagal na ba kayo?”
“We’re not in a relationship.” Tipid kong sagot.
“Ano? Akala ko ba hindi mo fling?” Inabot ni Romina ang baso ng gatas at uminom roon.
“Hindi nga! But she’s the one who considered me as a fling!”
She choked.
Naging maagap na tumayo ako at hinimas ko ang likod niya.
“What!” Bulalas ni Romina nang mahimasmasan. “Fling ka niya?” Weird! May ganoon ba? Napaka-liberated naman ng babaing ‘yan.”
I sensed the dislike in her tone. “I really like her kaya itago mo ‘yang mga sungay mo.”
“Well, I better leave you two alone. Mamaya sa condo mo na lang ako matutulog.”
“No, I want you to stay here with us.” Mas magiging palagay ang loob ni Mary Ann kung may iba silang kasama sa bahay.
“What for? Papaano kung hindi ko siya magustuhan?”
“Kailangan mo siyang magustuhan, wala kang choice dahil gusto ko si Mary.”
“Papaano kung ayaw niya sa akin?” Pamimilit ni Romina.
“Magpakabait ka para magustuhan ka niya.” I answered smiling.
“Bakit parang puro ako na lang ang kailangang mag-adjust? In the first place bahay ko rin ito at siya ang bisita. I have a feeling na hindi mabait ang Mary na ito kaya pinipilit mo akong maging mabait sa kanya. It’s final, sa condo mo ako matutulog mamaya.”
“Hindi nga pwede! Basta, samahan mo kami. Huwag matigas ang ulo.” I firmly said to her.
“Impossible! You really like this girl huh?”
“Yes, I do! So stop acting like a brat because later you’ll meet the new princess of the house.”
FIFTEEN minutes na akong nakaupo sa couch sa labas ng opisina ni Ethan. Napapansin ko na panay na ang ngiti sa akin ng sekretarya ni Ethan. I told her not to inform either Ethan or Mary that I’m already here.
Napaaga ang dating ko. It’s only thirty minutes past three. Walang traffic kaya mabilis akong nakarating doon.
Pero ayaw kong isipin ni Mary na kaya ako maaga ay dahil excited na akong makasama siya. Masyadong lalaki ang ulo niya at malamang lalo lang niya akong balewalain. Kaya pinigilan ko ang sekretarya ni Ethan na sabihin na naroon na ako.
Hindi naman ako naiinip kasi naaaliw akong pagmasdan ang sekretarya ni Ethan. I wondered if she’s really working. Napapansin ko kasi na almost every ten seconds ay mag-aagat ito ng tingin at ngingitian ako.
“Okay ka lang ba diyan Sir?” Tanong niya sa akin.
“Hindi nga masyado eh.” Tumayo ako para lapitan ang sekretarya ni Ethan. “Dina right?” Binasa ko ang name nakadikit sa likod ng monitor ng computer nito.
“Yes Dina po.” Sagot niya sabay ipit ng buhok sa tengga.
“Dina, okay lang bang makipag-kwentuhan sa iyo sandali?” Tanong ko bago ako umupo sa silya sa harap ng lamesa niya.
“Okay lang po Sir.” Kinikilig na sabi niya.
“How long have you’ve been working here?”
“Two years na po Sir.” Ngiting-ngiting sagot niya.
“Siguro mabait ang boss mo kaya mukhang hindi ka masyadong stress sa trabaho.”
“Magaling lang po talaga ako Sir na mag-handle ng stress kaya pt niyo maganda ako palagi.”
Nangiti ako sa naging sagot ni Dina. Gusto kong makakuha ng information tungkol kay Ethan pero iba yata ang naging dating noon sa kanya. Pinili kong ibahin na lang ang usapan.
“How about Mary? Mabait din ba siya sa iyo or si Ethan sa kanya?”
“Si Ma’am Mary Ann po ba ang tinutukoy ninyo?”
“Oo ‘yung kasama ni Ethan sa loob ng opisina niya ngayon.”
“Ahhh.” Napatango si Dina. “Ann po kasi ang tawag sa kanya ni Sir Ethan eh. Opo mabait din po sa akin si Ma’am Mary Ann. Madalas na siya na po ang nag-aasikaso sa mga kailangan ni Sir. Hindi na po iyon nakakapagtaka kasi ang usap-usapan po dito sa hotel na may relasyon po sila ni Sir Ethan.”
“Relasyon, girlfriend-boyfriend?”
Inilapit ni Dina ang sarili sa akin at bumulong. “Hindi naman po nila inaamin pero sabi po ng mga staff ng hotel. Ang kwarto po na tinutuluyan nila ay may connecting door. Imposible naman pong hindi iyon nabubuksan? Lalo na sa gabi.”
Nawala ang ngiti ko at ganoon din ang gana kong makipag-usap dito. Malamang isa siya sa mga nagkakalat ng malisyosong mga chismis tungkol kina Mary Ann at Ethan.
“Pakisabi sa kanila sa loob na kanina pa ako naghihintay.” Biglang utos ko sa kanya.
“Baka po hindi pa sila tapos mag-usap kasi ang bilin po ni Ma’am Mary Ann, i-hold ko daw po ang lahat ng calls ni Sir.” Pilyang ngiti niya sa akin. “Baka po maistorbo ko po sila Sir.”
“I don’t think Mary Ann would mind kung istorbohin mo man sila. Pakisabi naghihintay sa kanya ang boyfriend niya.” Tumayo at lumayo ako sa lamesa niya.
“Boyfriend?” Halos manghilakbot na bulalas ni Dina. “Boyfriend po kayo ni Ma’am Mary Ann?”
Hindi ko na siya sinagot dahil naagaw na ang atensyon ko nang pagbukas ng pinto ng opisina ni Ethan at nang paglabas ng dalawang taong pinag-uusapan nila ni Dina. Ang laki ng ngiti ni Mary Ann habang naka-akbay rito si Ethan.
Nagkasalubong ang tingin namin ni Ethan at ‘di nakaligtas sa paningin ko ang ginawa niyang pagbulong kay Mary Ann. Hindi nga malayo na ma-chismis ang mga ito. They were acting like lovers.
“Tapos na ba kayo sa loob?” Inis na tanong ko.
“Mark, anong ginagawa mo dito? Ang usapan natin ay six mo ako susunduin.” Halatang nagulat si Mary Ann na makita ako.
“Nagbago na ang isip ko. Gusto kitang isama sa lakad namin nila Jaime.” Ethan’s hand was still on Mary’s shoulder. I didn’t like it.
“Saan?” Tanong ni Mary Ann.
“Mamaya na lang natin pag-usapan sa daan. Let’s get your things. Halika na.” Inabot ko ang kamay ni Mary Ann at hinatak ko siya palayo kay Ethan.
“Pero teka sandali. May mga kailangan pa akong ayusin.” She tried to pull her hand from my hold but I didn’t let go and I tightened my grip.
“Bukas mo na lang ipagpatuloy ang mga dapat mong gawin.”
“Bukas? Akala ko magkasama tayo ng isang linggo? Akala ko kailangan kong magbakasyon?” Pabulong na tanong ni Mary Ann.
Gumanti ako ng bulong at inilapit ako ang bibig sa tengga niya. “Enough na sa akin na katabi kita sa pagtulog. Pero kung gusto mo maghapon at magdamag tayong magkatabi why not?”
Naramdaman ng labi ko ang pag-iinit ng tengga niya at nang ilayo ko ang sarili ko sa kanya, nakita kong namula pati ang mga pisngi niya.
“Umuwi ka na. Huwag mong intindihin ang opisina. Kaya ng gawin ni Dina ang mga naiwan mong trabaho.” Pormal na sabi ni Ethan.
“Halika na,” Yaya ko kay Mary.
“Sigurado ka ba?” Tanong ni Mary Ann kay Ethan.
“Oo, pauwi na rin ako. Hinihintay na ako ni Karina sa bahay.” Sagot ni Ethan.
“I doubt it. Ang alam ko kasama namin siyang mag-dinner nila Jaime. Hindi ka ba niyaya ni Karina? Alam ko nga pati si Nathan kasama.” Pang-iinis ko kay Ethan.
Naiinis ako sa hantarang pambabalewala sa akin ni Mary kapag naroon si Ethan. Kaya bilang ganti, gusto ko ring mang-inis. Nagtagumpay naman ako na makita kong nagsalubong ang mga kilay ni Ethan.
“Kung andoon si Karina bakit hindi ka na lang sumama sa amin.” Alok ni Mary Ann. “Diba Mark pwede naman?” Mary Ann eyes were pleading and she even smiled at me.
“Kung hindi siya sinabihan ni Karina malamang ayaw siyang paimbita ni Jaime. Saka kung hindi nagsabi si Karina sa asawa niya malamang hindi rin iyon magtatagal at magpapahatid na rin agad iyon kay Nathan.”
Naiinis akong lalo dahil obvious na gusto ni Mary na makasama si Ethan.
“Sige sasama ako sa inyo. Susundan ko na lang ang sasakyan ninyo.” Sang-ayon agad ni Ethan.
“Buti naman para may makausap ako roon.” Nakita ko kung papaanong nagningning ang mga mata ni Mary Ann.
“Halika na kunin na natin ang mga gamit mo.” Hinila ko ang kamay niyang kanina ko pa hawak. Halos kaladkarin ko siya palayo kay Ethan.
“Mark, sandali bakit ka ba nagmamadali.” Sabi ni Mary Ann habang pilit na sinasabayan ang malalaking kong hakbang.
Bigla akong huminto at galit na nilingon ko siya.
“Ayokong pinaghihintay ang mga kaibigan ko. Nabanggit ko kasi sa kanila na kasama kita. Excited na silang makilala ang bagong girlfriend ko.”
“Bakit sinabi mo na girlfriend mo ako?” Sita niya sa akin.
“Dahil iyon ang magiging papel mo sa buhay ko. Sa loob ng isang linggo ayoko ng makakarinig pa ng anumang reklamo mula sa iyo. I always wanted my girl to be submissive.” I touched her chin up using my finger. “Did I make myself clear?”
Nakita kong palapit na sa amin si Ethan.
“I hate you!” Pabulong na sabi niya sa akin. Halatang kinokontrol niya na ang sarili na hindi ako sigawan.
“Very Good! Madali ka naman palang kausap eh.” I grinned.
Taming her was not an easy task but for sure I would enjoy every minute of it.