Mary “Sobrang nakakatuwa si Mark.” Sabi ni Arianna habang hinihila siya nito patayo. “Dali lapitan mo na baka maagaw pa ng iba.” Itinutulak siya nito palapit kay Mark. She enjoyed watching Mark and his friends sang and danced to the tune of Backstreet Boys song. Halatang walang practice at kung ano-ano lang ang ginawa ng mga itong pagsasayaw pero sobrang nakakatuwa pa rin. Imagine, four good looking hunk danced like an uncaring fool. For what? Para pasayahin sila, siya, si Katrina at Arianna? Akala niya tapos na ang kasiyahan ng matapos ang pagkanta at pagsayaw ng mga ito, pero hindi pa pala. Solo na ngayong kumakanta si Mark ng isang love song. Hindi siya pamilyar sa kanta, ngayon nga lang niya iyon narinig. Maliban sa maganda ang lyrics ng kanta

