Muling bumagsak ang mga luha ni Gazi sa magkabilang mga pisngi. "Tama ka, I could have done that," sagot niya sa huling sinabi ni Raven. "Pero nawala sa isip ko iyon nang magbanta si Mommy na ipakukulong ka. Gulung-gulo ang utak ko noon— Rave, I was so scared of her dahil sinaktan niya ako. Little did I know that she already had a vile idea in mind after she saw us in your room that morning. Sinaktan niya ako, minanipula ang isip ko, at sinamantala ang pag-aalalang naramdaman ko para kay Niel. I wasn't thinking straight when my mom brought me to the police station— I was in shock. Naririnig ko na lang na sinasabi ni Mommy sa mga pulis na sinaktan mo ako at pinagsamantalahan." Hindi sumagot si Raven, pero itinaas nito ang kamay upang pahiran ang mga luhang naglakbay sa magkabila niya

