Raven clenched his teeth and returned his angry gaze to the river. Nahuli niya ang pamumula ng mga mata nito sa hindi niya mawari kung dahil sa galit o muling pamumuo ng mga luha. Hindi niya alam kung nanaisin nitong patuloy na makinig sa kwento niya, pero kung nakatanggap ito ng report mula sa private investigator tungkol sa kasong ini-sampa niya laban kay Hector ay siguradong alam na nito ang mga nangyari. It was probably just hard for him to accept the truth— lalo kung ang katotohanan ay nanggaling mismo sa bibig niya. Sa bibig ng biktima. "Kinarma ako," aniya sabay pakawala ng mapait na ngiti. "Nakulong ka sa reklamong hindi mo naman ginawa, pero iyong taong tunay na demonyo at nakagawa ng krimen ay ni hindi man lang naparusahan." "Gazi..." he uttered in a broken voice as he t

