Sa pamamagitan ni Rosita ay nalaman ni Gazi na ligtas na sa kapahamakan si Rache at inilipat na sa isang pribadong unit. Kinailangan pang manatili roon sa ospital ng kaniyang anak ng isang gabi pa upang ma-obserbahan, at tumawag daw si Raven upang magpahatid ng damit na pamalit nito at ni Rache. Nang maihanda ni Rosita ang mga gamit na kailangang dalhin sa ospital ay tinawagan niya si Raven sa cellphone nito. Her first two calls were dismissed— tila nito iniwasang makausap siya— subalit sa pangatlong pagkakataon ay sinagot na nito ang tawag. Pero sandali siyang natigilan nang marinig ang malamig nitong tinig. "What do you want?" "I... I heard that Rache is safe now." "Yes, she is— what do you care?" Mariin niyang kinagat ang ibabang labi upang p

