Hindi pinansin ni Gazi ang galit sa anyo ni Raven, mabilis siyang humakbang paakyat at nilapitan ito. Huminto siya dalawang dipa mula sa kinatatayuan nito. "Bakit pinapalayas mo na ako ngayon? Hindi ba pwedeng pag-usapan muna ito? Kung tungkol lang sa nangyari kay Rachel ay humihingi ako ng dispensa— pero dapat mo ring i-konsidera na hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon—" "I brought you here as an employee; as my daughter's piano teacher. I can send you off whenever I want if your service is not needed anymore." Kasing-lamig ng yelo ang tinig nito nang sabihin nito iyon sa kaniya. "Please don't do this, Raven. Gusto ko pang makasama ang anak ko," pakiusap niya. "Alam kong sa oras na umalis ako rito ay hindi mo na ako pagbibigyang makita at makasama si Rache. At a

