Dahan-dahang binuksan ni Raven ang pinto ng silid at sandaling tumayo roon upang pagmasdan si Gazi sa kama na nanatiling tulog. Yakap-yakap nito ang unan na ginamit niya kanina, ang kumot ay nanatiling nakatakip sa hubad nitong katawan, at ang paghinga'y payapa. He let out a light smile. He must have tired her that much. Matapos niyang ihatid si Rachel sa bahay nila ay sandali lang siyang nanatili roon upang samahan ito hanggang sa makatulog. Kinausap niya ang yaya nito at sinabing kailangan niyang muling umalis at baka hindi kaagad makauwi. He wasn't really planning to spend the night at his house— he was eager to go back to Gazi's and spend the night with her. Kaya nga dinala niya ang susi ng townhouse nito na nakita niyang nakapatong sa ibabaw ng chest of drawers sa gilid

