Hera’s POV Sinukat ko ang wedding gown kaninang hapon. Napakaganda at napakahusay ng pagkakagawa. Pati mga small detail ay napakalinis. Hindi pa tapos ang pagkakabit ng mga beads pero kita ko na ang ganda ng gown sa kabuuhan. Nakakalugkot lang. Kahit anong ganda no’n, hindi ko pa rin ipagpapalit ang gown na napili at nabili namin ni Eros. Sa kwarto na ako nag-dinner, may zoom meeting pa kasi sila ni mommy. “Ang cute cute ng baby ko na ’yan no.” Gigil kong usal kay Chico. Makasama ko lang ang aso na ’to, nakakasaya na ng araw. Lalo na siguro kapag makita ko ang daddy niya. Lumundag siya at pumunta sa balcony na animoy may sinusundang amoy. “Hey!” napasinghal naman ako ng makita ko siya. This man is a real spider man! “Shh, baka may makarinig.” Bulong naman ni Eros sa akin. “H

