CHAPTER 18

1380 Words

Mukhang hindi kumbinsido ang bestfriend niya pero itinuro naman kung paano magpunta sa kusina kung saan daw may restroom. Naglakad siya palayo at pasimple uli hinanap ng tingin si Apolinario. Nakaupo na ito katabi ang ama sa isang lamesa. May kausap itong babae na sa pagkakarinig niya kanina ay unica hija raw ng isang businessman na kaibigan din ng tatay ni Jesilyn. She was the type of woman that suits Apolinario Montes’ fifty-year-life-plan. Huminga siya ng malalim, inalis ang tingin sa grupo at mabilis na naglakad palayo. Nakahinga ng maluwag si Sheila kasi bukod sa dalawang kusinera ay wala nang tao sa kusina. Nagtagal siya sa banyo, kinakalma ang sarili. Nang sa tingin niya okay na siya ay saka lang siya lumabas. Nagulat si Sheila at napaatras nang makitang nasa kusina si Apolinario.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD