CHAPTER 17

1259 Words

MAYAMAYA pa nagpaalam na si Apolinario na aalis na ito. “Huwag mo na ako ihatid palabas. Kailangan mo na rin maligo at magbihis kasi papasok ka sa trabaho ‘di ba?” Na-touch na naman siya sa concern nito at tumango. Palabas na ito ng pinto nang mapansin niyang wala itong suot na relo. Mabilis siyang bumalik sa kama at hinablot ang wristwatch nito sa bedside table. Pagkatapos tumakbo siya pahabol kay Apolinario. “May nakalimutan ka.” Huminto sa akmang paglayo ang binata at humarap sa kaniya. Inabot niya rito ang relo. Nagkatitigan sila. Ngumiti si Sheila. “Ingat sa biyahe.” Tumango ito at tuluyan nang naglakad palayo. Sinundan niya ito ng tingin. Nawala ang ngiti niya at may kirot siyang naramdaman sa puso niya. Ayaw niya aminin kahit sa sarili niya pero sa tuwing umaalis ito kinaumagahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD