After the celebration, naggala kami kinabukasan sa ilang tourist attractions dito sa China. Nag-bonding lang kaming magkakaibigan lalo na at ang tagal din namin na hindi nagawa ‘yon. Sobrang dami naming pictures na nakuha dahil napakahilig ni Zinnia sa pagpi-picture. Tapos ang dalawang magkasintahan naman ay madalas na nagpapa-picture sa amin dahil ngayon lang din sila gumala sa ibang bansa na hindi trabaho ang inaatupag. Naging masaya ang buong araw namin kahapon ngunit kinagabihan no’n ay naging abala na ako sa paghahanda ng presentation ko para sa contest. Inayos ko na rin ang compilation ng videos na ipapanood ko sa harap ng maraming tao. Ngayong araw na ang contest day at magaganap ‘yon mamayang gabi kaya may ilang oras pa kami na natitira upang makapag-rehearse. Lalo na at hindi na

