bc

Theory of Project Power: Prequel of Class 8

book_age16+
609
FOLLOW
1.2K
READ
confident
inspirational
drama
no-couple
office/work place
high-tech world
superpower
supernatural
special ability
scientist
like
intro-logo
Blurb

— PREQUEL STORY —

“It all begins and ends in your mind. What you give power to, has the power over you, if you allow it.”

The prequel story of CLASS 8 wherein the PROJECT POWER begins.

READ CLASS 8 STORY FIRST BEFORE READING THIS STORY. THANK YOU!

chap-preview
Free preview
The Dream
“Malieya, tara na! Dalaga ka na pero ang bagal mo pa rin kumilos!” rinig kong sigaw ni Mommy sa labas ng bahay namin. Ihahatid niya kasi ako papunta ngayon sa Harrow International University dahil papasok rin siya sa work niya sa InvestSpend Company,the company that my dad owns. “Sandali lang, Mommy! Magsa-sapatos na lang ako!” sigaw ko pabalik sa kaniya. Minadali ko na ang pag-aayos ko saka ako nanakbo palabas ng bahay at pumasok sa loob ng kotse namin. Sinamaan ako ng tingin ni Mommy. “This is your first day of college in HIU pero late ka pa! For God’s sake Malieya, you’re not an high school anymore,” sermon niya sa akin. “I’m sorry, Mom. Hindi pa kasi ako sanay na may pasok na ulit dahil sa vacation. I’ll just explain later to my professor if he or she will ask me,” sagot ko. Binuksan ko ang bag na hawak ko saka tinignan kung kumpleto ba ang mga gamit na nadala ko. Mabuti naman at wala akong naiwan na importante. “You should be a valedictorian or at least a salutatorian before you graduates in college, understood? Your dad has high expectations to you.” I left a deep sigh after hearing what my mom said. “Mom, is that really necessary? Hindi ba pwede ‘yung kasama na lang ako sa Dean’s Lister until I graduate?” sambit ko. Hindi ko sigurado kung kaya kong ma-meet ang expectations nila sa akin. Sa dami ng college students sa HIU tapos ang mahirap pa ang course na kinuha ko, hindi ko kaya na mapunta sa valedictorian or salutatorian dahil maraming kalaban. Bata pa lang ako ay mataas na ang expectations sa akin nila Mom and Dad. Actually, they are against my chosen course. I chose Chemical Physics course. I want to be a scientist in the future. I love observing, researching, and experimenting things. I am also good in business, kaya gusto sana nila Mom na mag-take ako ng business course but I refused. I don’t want to take over their company. I want to build my own name with my chosen career. “Do not be a disappointment to your dad! You know that you’re our only child and you must do your best for us. It will also benefit your life in the future if you succeed to become the valedictorian or salutatorian. Hinayaan ka namin na piliin ang course na gusto mo, but in return you must graduate with either of the two.” Hindi na lang ako sumagot pa at hinayaan si Mommy na mag-drive hanggang sa nakarating kami sa malaking gate ng HIU. “Thank you, Mom. Ingat po,” paalam ko saka ko siya hinalikan sa pisngi at bumaba ng kotse. Nanakbo na ako papasok sa HIU suot ang red and black checkered na skirt, white blouse covered with black coat then a red and black checkered necktie. I am wearing a black school heels na two inches ang takong. Mabuti na lang at may elevator sa HIU kaya mabilis akong nakarating sa fourth floor, which is ang floor ng course ko. Hinanap ko ang room ko at nakitang wala pang prof sa loob sa harapan pero nakaupo na ang mga kaklase ko. Nakahinga ako nang maluwag bago pumasok ng room, pero nakakapangsisi. Ang prof ko ay nasa likurang bahagi ng classroom at nagsisimula na pala mag-klase. Nakatingin sa akin ang mga kaklase ko saka ko tinitigan ang matandang prof namin na mukhang napaka-strict sa itsura niya. “Good morning, Ma’am! I’m sorry for being late in the first day,” bati ko saka bahagyang nag-bow para pagbibigay ng galang. Gano’n ang isang rule daw nila dito sa HIU. Pwede mong batiin ang prof na makakasalubong mo sa pagba-bow. “I won’t tolerate those students who are always late in my class. I guess, you’re the new student? All of them here graduated high school here in Harrow International University.” Tumango naman ako sa kaniya. “Yes, Ma’am. I am Malieya Orson from Jolien Academy. I promise I won’t be late again next time.” “Okay, take your sit now here at the back. Call me Professor Kren, not Ma’am.” “Yes, Professor. Thank you.” Mabilis akong nagtungo sa upuan na itinuro niya saka inayos ang gamit ko. Tinuloy na niya ang lecture after ko maka-upo kaya nakinig na lang ako sa kaniya. Nakakamangha ang mga itinuturo niya dahil bago lang sa aking pandinig ang mga sinasabi niya. Nakakatuwa talaga kapag ‘yung gusto o pangarap mo na ang pinagaaralan mo. Dalawang oras ang klase namin sa kaniya kada araw. Tinignan ko ang schedule ko at four days a week lang ang pasok ko then eight in the morning to seven in the evening ang class. Alam ko naman na nakakapagod talaga itong course na pinasok ko lalo na’t more on experimentation. Nang natapos ang klase niya ay may thirty minutes break kami. Since wala pa akong friends or kakilala man lang dito, expected ko na kakain akong mag-isa. Katulad nga ng sabi ni Professor Kren kanina, lahat ng mga kaklase ko ay old students na ng HIU. Inayos ko ang gamit ko saka kinuha lamang ang wallet ko at tumayo para hanapin ang cafeteria. Sobrang lawak ng HIU. Isa rin ‘to sa pinaka-sikat na university sa buong mundo. May ilang building dito na may mga bilang. May mga naglalakihang gym din sa bawat building. Iba-ibang class year level ang naroon sa kabilang side samantalang sa kaliwang side naman ang part ng mga college students. Bumaba ako sa ground floor at nakita ang malawak na air conditioned cafeteria. Kaunti pa lang ang naroon, marahil dahil hindi din sabay-sabay ang lahat ng course mag-break time. Pumila ako saka bumili ng makakain ko. Hindi pa ako nagbe-breakfast kakamadali ko kanina kaya naman ngayon pa lang ako kakain. Sabagay, unang araw pa lang ‘to ng pagiging college ko kaya pakiramdam ko ay high school student pa din ako. Hawak ko ang tray ko saka ako tumalikod pero mukhang malas talaga ako ngayong araw. “Hala, sorry! I didn’t mean to bump into you,” paumanhin ko. Nalaglag sa sahig ang tray na hawak ko pati na rin ang mga pagkain ko. Natapon naman sa damit ng nabangga ko ang milk na in-order ko. Napatingin ako sa babae na gulat na gulat ang ekspresyon ng mukha saka tinignan ang uniform niya. “Sorry... Sorry talaga, hindi ko po sinasadya. Oh, here.” Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ng coat ko saka mabilis na pinunasan ang uniform niya. Kinakabahan ako dahil tahimik lang siya at hindi man lang nagsasalita. Pero mas ikinagulat ko ang hawakan niya ang magkabilang braso ko. “Oh my gosh!! Thank you so much! You’re a blessing to me!” bigla ay sigaw niya. “Huh?” nagtataka na tanong ko. Bakit siya nagpapasalamat sa akin? Hindi ba dapat ay magalit siya dahil umaga pa lang ay nadumihan ko na agad ang uniform niya. Base sa suot niya ay mukhang Chemical Physics din ang course na tine-take niya. Kaklase ko ba siya? Hindi ko pa alam kung sino-sino ang mga kaklase ko, e. “I really don’t want to attend the class today but you gave me a reason not to attend!” masayang sambit nito sa akin. Woah, ayaw niyang umattend sa first day of classes? Napatitig ako sa itsura niya. Maganda siya. Mahahaba ang mga makapal na pilik-mata niya, mahaba ang brown na buhok, maputi rin siya at may pagka-pink ang labi. Natural lang rin ang itsura niya dahil walang bakas ng make-up at tanging lip gloss lang. “Sorry pa din. Hindi ko sinasadya,” paumanhin ko muli. “No, no, it’s fine! I guess you’re the new student? Malieya Orson, right?” Nagulat ako na natandaan niya ang pangalan ko. Ibig sabihin ay kaklase ko nga siya. Tumango naman ako bilang sagot. “I’m Zinnia Cristobal. Nice to meet you! Anyways, this is for your food. I got to go now, see you around!” Iniabot niya sa akin ang one thousand pesos bill at aapila pa sana ako pero mabilis na siyang tumakbo palayo. Napakibit-balikat na lang ako saka humanap ng janitor para malinis ang kalat. Pumila ulit ako para bumili ng pagkain kaso napaka-haba na ng pila dahil dumami na ang college students na may break time. Tinignan ko ang orasan ko at nakitang magta-time na pala kami for the next class! “Shoot, tapos na pala ang thirty minutes break pero ‘di man lang ako nakakain,” bulong ko sa sarili ko. Mamaya na lang siguro akong lunch kakain. Nanlalambot na bumalik ako sa classroom. Naroon na rin ang mga kaklase ko kaya matamlay akong bumalik sa upuan ko. Itinago ko na din ang pera na iniabot sa akin kanina ni Zinnia. Does that mean I already have a friend here? Well, she look nice naman for me. Nag-scroll na lang muna ako sa phone ko habang hinihintay ang pagdating ng next professor namin at para na rin hindi ko maramdaman ang gutom. May lumapit sa akin na babae at inaabutan ako ng fresh milk. Inangat ko ang paningin ko sa kaniya saka napakunot ang noo. “This is for you. I saw what happened earlier at the cafeteria and I just wanted to buy you a fresh milk since you didn’t able to eat earlier. It seems like you haven’t eaten your breakfast earlier since you’re already late?” Bahagya pa siyang natawa saka ako ngumiti. Kinuha ko naman ang fresh milk. “Thank you. Nakakahiya naman pero yes, I didn’t able to eat my breakfast dahil mas male-late ako sa class,” nahihiyang sagot ko. Inabot naman niya ang kanang kamay niya sa akin. “By the way, I’m Nadia Cid. I am a friend of Zinnia, the one that you bump earlier at the cafeteria,” pakilala niya. Tumayo ako saka nakipag-shake hands sa kaniya. “I am Malieya Orson. It’s nice to meet you!” masayang sambit ko. Nakakatuwa naman dahil kahit papaano ay may kumakausap sa akin sa unang araw ng pasok at mukhang friendly rin. “Oh, I should also introduce you to my boyfriend. Simon!” tawag niya sa isang lalaki sa harapan. Lumingon ito sa amin saka lumapit. “This is Simon Keanu, my boyfriend. Simon, this is Malieya Orson and she will be our friend from now on,” ani Nadia. “Nice to meet you, Simon.” Inabot ko na din ang kamay ko sa kaniya para makipagshake-hands at ganoon din siya, “My pleasure.” Tumabi sa akin si Nadia sa upuan at bumalik naman si Simon sa pwesto niya kanina. “Ayaw talaga ni Zinnia ang course na ‘to but her parents wants her to take this since they are a family of scientists. Kaya ngayon, nagrerebelde pa siya. But I’m sure na hindi rin niya matitiis at ipagpapatuloy niya rin ang course na ‘to,” kwento niya. “Kung sabagay, tsaka maganda rin naman ang course natin since marami tayong mga bagay na matututunan about dito. Baka after niya makapag-isip ay makapag-decide na siya. But my parents are the opposite. They don’t want me to take this course, though kaya lang sila pumayag na ngayon dahil sa isang favor nila,” kwento ko din. Nakakahiya naman kung hindi rin ako mag-oopen sa kaniya. “And what is that favor?” “They want me to meet their expectations. They want me to graduate as valedictorian or salutatorian.” I left a deep sigh again after saying it. Ngayon pa lang talaga ay nahihirapan na ako at alam ko na madi-disappoint ko sila. “Woah, that was a high expectation huh. But if you really want to pursue this course, at least try to meet their expectation to you.” “I’ll try.” Madami pa kaming pinag-kwentuhan ni Nadia dahil male-late naman daw ang prof namin dahil sa biglaang meeting nila sa faculty. Magaan ang loob ko kay Nadia lalo na’t madali siyang pakisamahan. Madami din siyang topic na naiisip at parang hindi nauubusan. Sa kaunting oras ay marami na kaming nalaman sa isa’t-isa. Dito sa HIU, asahan mo na talagang mga upper class person ang nag-aaral dito. Hindi naman pipityuging university ito. Kung meron mang galing sa lower class family dito, marahil ay dahil scholar ng university. “We’ll hang out again later and everyday starting today. Is that fine to you?” Tumango naman ako kay Nadia saka ngumiti. “Sure! I am in anytime.” Nakakatuwa naman dahil kahit papaano ay nagkaroon na agad ako ng mga kaibigan ngayong araw. I also want to be friends with them para hindi na rin ako mahirapan na masaulo ang bawat lugar dito sa HIU. Baka kapag hanggang bukas ay wala akong nakakausap dito ay mabaliw ako sa pagiging lonely. Hindi kasi ako sanay na loner ako. Ang mga kaibigan ko noon sa Jolien Academy ay sa ibang university pumasok since magkakaiba kami ng course na gusto. I guess, this is really the beginning of my new life. New university, new career, new friends, and new environment that I need to adopt in my life.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.7K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.8K
bc

My Godfather My husband

read
269.7K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
581.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook