VIP Club

1077 Words
Mabilis lamang ang takbo ng oras at tapos na agad ang klase namin ngayong araw. Wala pa naman masyadong lessons and pinapagawa sa amin since firt day pa lang ng class. More on introductions of the subjects pa lang ang nangyari ngayon. Maaga pa naman kaya tinatamad pa akong umuwi. I am also a party girl pero dahil college na ako, sabi ni Mommy na mas mag-focus na ako ngayon sa studies. Gusto ko naman talaga mag-focus since gusto ko rin naman ang course na tina-take ko ngayon. Inaayos ko ang gamit ko nang lapitan ako ni Nadia. "Hey, wanna hang out with us? Zinnia will join us too! I want to celebrate our first day of friendship and to welcome you for your first day here in Harrow," aya niya sa akin. Ngumiti naman ako saka tumayo at binitbit na ang gamit ko. "Sure! Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "To the VIP club para wala tayong makasalamuha na mga wild. It's just a chill part, you good with that?" Tumango naman ako, "Ayos lang. I am also a party girl naman." "That's great! Alam ko na talaga na magkakasundo tayong dalawa. Let's go!" Inilagay niya ang kamay niya sa braso ko saka ako hinila palabas ng classroom namin. Nakakatuwa naman dahil ang hyper niya at mukhang excited siya. Si Simon naman ay nakasunod lamang sa likuran namin. Mukha rin mabait naman ang boyfriend niya. Actually kaunti lang ang nakita ko na mukhang may attitude na kaklase ko, well hindi naman maiiwasan 'yon lalo na at mga anak mayaman ang mga 'to. Sumakay kami sa taxi saka pumunta sa VIP club na tinutukoy ni Nadia. "Okay lang ba if naka-suot tayo ng uniform doon?" tanong ko. Ngumiti si Nadia saka tumango, "Of course! Simon owns that club naman." Napa-o ang bibig ko nang marinig ko 'yon. "Wow, may own business na pala siya," kumento ko. "Yeah, as soon as he turned twenty last month, ipinangalan na sa kaniya ang club na 'yon. His parents are into business industry. How about yours?" "They are also in business industry. My dad owns the InvestSpend Company," sagot ko. Nagulat naman siya nang banggitin ko ang pangalan ng company ni daddy. Miski si Simon ay nilingon ako. "So business partners pala ang parents natin? What a small world," sambit ni SImon. "Really? That's nice, then! I can invite you guys pala sa bahay if kakilala naman na pala nila Mommy ang parents mo. Ikaw ba, Nadia?" Nilingon ko ulit si Nadia sa tabi ko. "My parents are doctors. Do you know the famous Cleveland Hospital? That's ours." "Woah! Really? What a small world, indeed! Kasama kami no'ng nag-50th anniversary ang hospital niyo! The owner was friends with my parents that turned out to be your parents!" Grabe hindi ko akalain na magkaka-konekta kami sa isa't-isa. Napapalakpak pa sa tuwa si Nadia dahil sa nalaman. Nakakatuwa naman talaga dahil naging kaibigan ko sila ngayon tapos magkakakilala pa ang mga magulang namin. Bigla ko tuloy naisip si Nadia, baka connected din ang family niya sa akin. "Zinnia would be so happy later kapag nalaman niya ang mga tungkol dito. Anyways, we're here na." Tumingin ako sa labas at nakitang naiparada na pala ang kotse sa parking lot. Hindi ko na nakita kung saan ang way papunta dito dahil masyado akong na-busy sa pinag-uusapan namin ni Nadia. Kinuha ko ang gamit ko saka kami pinagbuksan ng pinto ng kotse ni Simon at bumaba. Naglakad kami papunta sa elavator. Nag-ring naman ang phone ni Nadia at mukhang may tumatawag, mabilis niya itong sinagot. "Yes girl, paakyat na kami. Wait ka lang d'yan, okay? Do'n tayo sa lagi nating pwesto. See you." Nilingon niya ako matapos patayin ang tawag. "Si Zinnia ay nasa club na. Doon siya nagpalipas ng oras kanina pa habang hinihintay tayo. Hindi naman siya mabo-bored doon dahil maraming nage-entertain sa kaniya. You'll know what I mean later." Kinindatan pa niya ako na para bang nang-aasar kaya natawa na lang ako saka kami pumasok sa elevator. Pinindot niya ang 5th button. Nae-excite tuloy ako ngayon dahil may mga bago akong makakasalamuha. Bumukas ang elevator at bumungad sa akin ang iba't-ibang kulay ng lights. Malakas din ang tugtog kaya naman halata mo na talaga na club ito pero hindi katulad ng club na napuntahan o nakikita ko na noon pa. Mukhang elegante ang club na 'to. May mga nagsa-sayaw na rin sa dance floor pero hindi 'yung wild at hyper na sayaw kung 'di chill lang ang mga guests at may mga hawak na wine glass. Sinundan ko sila Nadia at tinuro ako ni Simon sa mga bouncers ng VIP club. "She's with us from now. Her name is Malieya Orson, got it?" ma-awtoridad na tanong ni Simon sa bouncers. Tumango naman ang dalawa, "Yes, sir." "Thank you!" bati ko rin sa kanila saka kami tuluyang pumasok sa loob. Sa second floor na ang kinalalagyan namin ngayon dahil sa baba ay puro tables at mini stage kung nasaan ang DJ pati na rin ang dance floor ay nasa baba. Dito naman sa second floor ay mga glass wall room. Nakita ko na agad kung nasaan naka-pwesto si Zinnia na may kausap na dalawang lalaki. Ang mga muscles nila ay malalaki at halata mong batak sa gym. Pumasok kami doon saka sinalubong kami ni Zinnia ng beso. "Hi, Malieya! We've met earlier, right? You're my saviour!" bati sa akin ni Zinnia. Ngumiti naman ako saka nakipag-shake hands sa kaniya. "Nice meeting you, Zinnia." "Base sa mga narinig ko kay Nads, mukhang madaldal ka rin ha? For sure magkakasundo talaga tayo n'yan dahil marami rin akong chika in life. So today, we will celebrate your first day in HIU and also the first official day of our friendship!" Hinila na nila ako paupo sa malawak na room. May videoke rin sa harap namin at maganda ang view mula rito dahil kitang-kita ng ayos ang mga nangyayari sa baba. Malawak rin ang VIP club na 'to at mukhang may mga kwarto pa sa dulong bahagi ng second floor. Binigyan nila ako ng shot ng whiskey saka namin itinaas ang mga baso namin para mag-cheers. "Cheers to Malieya's first day!" Gumuhit sa lalamunan ko ang mapait na lasa ng whiskey. Okay lang naman mag-chill muna ngayon from the studies. Napag-desisyunan kong abutin ang mga expectation sa akin nila Mommy and Daddy. I want them to be proud of me at malaman nila na hindi sila dapat magsisi dahil hinayaan nila akong kunin ang kurso na gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD