Haime Suizo? Inaalala ko kung saan ko narinig o nakita ang pangalan na ‘yon. Siya ba ang kamag-anak ni Director Cereb Suizo na nakita ko noon sa isang file ng Severus Gang? Hindi nga ako nagkakamali dahil siya nga ang nabasa ko noon at isa siya sa may pinaka-mataas na ranggo sa Black Organization na tinatawag. Tinanggap ko naman ang kamay niya na inalok sa akin saka ako ngumiti. “It’s nice to meet you, Mr. Haime Suizo.” “I bet you already knew my father?” Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Ibig ba niyang sabihin ay anak siya ni Director Suizo? “You are a son of Director Cereb Suizo?” nagtataka na tanong ko sa kaniya. Napangiti muli siya saka umiwas ng tingin sa akin. “Yes, I am. But unfortunately, he is now gone in this world. I think you didn’t know about that?” Mas

