Tatlong araw ang lumipas. Bagaman wala nang kahit ano’ng aparatong nakakabit liban sa dextrose at wala rin siyang nabaling tadyang, naka-confine pa rin si Aleona at kinakainis niya iyon. Gusto na niyang umuwi. Bukod sa depressing kasi sa ospital, malapit na magpasko at ayaw niyang abutan siya roon. Hindi rin nakatulong na na-ospital pa ang bunso nitong anak matapos mabundol habang nagba-bike. Kaya laking pasasalamat niya nang mag-volunteer si Ysabel na samahan siya sa ospital para makauwi ng Pampanga si Norma. “Alam mo, Aleona,” sabi na lamang ni Ysabel habang nagbabalat ng mansanas. “Nakakaloka matulog dito sa ospital. Feeling ko, may multo.” Agad namang kumunot ang noo niya. “Tigilan mo nga ako, Ysabel. Walang multo rito.” “Pero kasi…” Inirapan niya ito. “Basta, walang multo, intind

