Lumipas pa ang ilang araw, sa wakas ay nakauwi na rin si Aleona sa kanila. Saktong disperas na ng bagong taon iyon. Nang buksan ng tita niya ang bahay nila, agad niyang nakitang napakarumi ng loob niyon. Napailing na lamang siya saka mahinang bumuntong hininga. Mayroong kasambahay ang tita niya, pero siguro hindi muna nito pinapasok para makatipid dahil mahal din ang hospital bill ng pinsan niya. “Oh, Aleona, magpahinga ka muna, ha?” bilin sa kanya ng tita niya matapos ilapag ang bag na naglalaman ng marurumi niyang damit sa sofa nilang gawa sa kahoy. “Pupunta lang ako sa palengke para mamili ng panghanda mamaya.” “Ay, naku, Tita! Dapat nga pati ikaw, magpahinga rin, e. Kakagaling lang natin sa biyahe sabay ganyan ka.” Pabiro niya itong inirapan. “Tigilan mo nga ako d’yan, Aleona! Kail

