Kanina pa nakahilata si Sylas sa kwartong inilaan sa kanya ni Camilla sa bahay na ito. Habang nasa Australia siya, nagkaroon nang matinding pag-aaway sina Camilla at ang papa niyang si Leonardo. Sa galit ng babae, lumayas ito, at nirentahan ang bahay na iyon sa Muntinlupa. Iyon ang dahilan kaya ito nakabukod. And Sylas honestly preferred it that way. Wala namang kwentang asawa si Leonardo kay Camilla, at ama sa kanila ni Ross. Bukod pa roon, at least may uuwian siyang bahay na may kasama siya pero hindi niya makikita ang ama. Hindi yata niya kayang mag-solo ulit ng bahay. Pakiramdam niya’y masisiraan siya ng bait. Bumuntonghininga si Sylas saka kinapa ang dibdib. This feeling had been going on for quite sometime already. Episodical numbness. Sylas could not explain why. Bigla-bigla na l

