Magmula nang gabing iyon, hindi na nagparamdam si Sylas kay Aleona. Ilang ulit niya itong itext o tawagan, hindi ito sumasagot. Hindi tuloy niya maiwasang mabalisa. Ni hindi man lang siya nito tinanong kung nakabalik na ba siya sa Pampanga. Kaya naman nang kumakain siya ng hapunan kasama ang pamilya ng tita niya, balisa siya. She didn’t even realize it until her aunt asked her. “May problema ka ba, Aleona? Ang lalim ng inisiip mo.” Napitlag naman siya saka napailing. “W-Wala po. A-Ano lang po…” Mabilis siyang naghagilap ng maikakatwiran. “Worried lang po ako sa resulta ng finals ko. Parang ano kasi… tagilid ako doon sa isa kong major. Ang hirap kasi. Baka matanggal ako sa Dean’s list.” Tumangu-tango naman ito na nagpaluwag naman ng paghinga niya. “Alam mo, Aleona, huwag mong isipin ang

