Matapos ang limang oras na paghihintay ni Aleona, dumating na rin sa wakas si Sylas. To be honest, she badly missed him to the point na gusto niya tumakbo rito palapit at yakapin. Pero nang maramdaman niyang kakaiba ang aura nito, nagdalawang-isip siyang gawin iyon. “Good eve, Ma,” bati nito sa madrasta saka dinampian ng halik ang pisngi nito. Samantalang, iba rin ang timpla ni Camilla nang makita ang binata. Ni hindi man lang nito kinamusta ang anak. Ang tanging sinabi lang nito ay: “Umupo ka na sa hapag. Kakain na tayo.” Sa hapag-kainan, tahimik ang lahat na kumain. Palihim na tinitigan ni Aleona ang nobyo. Ramdam niya ang pagiging tensyonado nito at halatang iniiwasang mapatingin sa kanya. Walang anu-ano’y nagsalita si Mrs. Fortaleja. “Sylas, Aleona,”—Sabay nilang binaling ang ting

